ABSTRAK
BIBLIOGRAPIYA
MEDE, JANET B. Oktubre, 2006. KOMPREHENSYON sa mga
KAGAMITANG DI-VERBAL ng mga MAG-AARAL sa UNANG TAON ng
BENGUET STATE UNIVERSITY, Benguet State University, La Trinidad, Benguet.
Tagapayo: MARIBEL Z. PALAZO, Ph.D.

ABSTRAK

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa hangaring masuri at matukoy ang
komprehensyon at antas ng performans sa mga kagamitang di-verbal ng mga
mag-aaral sa unang taon na kumukuha ng kursong BSA, BSAB, BSDC, BSF at
BSAENG’G. Layunin ng pag-aaral na ito na mabigyang-linaw ang mga sumusunod:
1). masuri ang komprehensyon sa mga kagamitang di-verbal ng mga mag-aaral; 2).
matukoy ang antas ng performans sa komprehensyon sa mga kagamitang di-verbal
ng mga mag-aaral; 3). matukoy ang kaugnayan ng komprehensyon sa mga
kagamitang di-verbal ng mga mag-aaral ayon sa mga sumusunod na varyabol :
unang wika, kasarian, eksposyur sa midya at pinagtapusang paaralan sa hayskul.

Ginamit ang palarawang disenyo ng pananaliksik upang matukoy at
masuri ang komprehensyon at antas ng performans sa mga kagamitang di-verbal
na kagamitan ng mga mag-aaral. Sa pagtukoy sa komprehensyon sa mga
kagamitang di-verbal ng mga mag-aaral ginamit ang antas na: 94 – 100, mataas
ang komprehensyon sa mensaheng ipinahahayag; 87 – 93, may komprehensyon sa

mensaheng ipinahahayag; 80 - 86, katamtaman ang komprehensyon sa mensaheng
ipinahahayag; 73 – 79, bahagya ang komprehensyon sa mensaheng ipinahahayag
at 72 pababa, walang komprehensyon sa mensaheng ipinahahayag sa mga
kagamitang di-verbal.

Upang matukoy ang antas ng performans sa komprehensyon sa mga
kagamitang di-verbal, ginamit ang limang eskalang pagpapasya: 5 – mataas ang
komprehensyon; 4 – may komprehensyon; 3 – katamtaman ang komprehensyon; 2
bahagya ang komprehensyon at 1 – walang komprehensyon.

Pinasagot sa mga mag-aaral ang 100 aytem na pagsusulit na binubuo ng
larawan na 30 aytem; tsart 15 aytem; grap 30 aytem; 10 aytem sa simbolo at
ilustrasyon; at 5 aytem sa dayagram.

Pinasagot ang mga talatanungan upang makuha ang mga varyabol na
unang wika, kasarian, eksposyur sa midya at pinagtapusang paaralan sa
hayskul. Ginamit ang X2C (Chi-Square) sa pagtukoy sa kaugnayan ng mga
varyabol.

Batay sa layunin ng pag-aaral, narito ang lumabas na resulta:
1. Ang komprehensyon sa mga kagamitang di-verbal ng mga

mag-aaral ay mababa dahilan sa walang nakakuha sa antas na 94 – 100 at 87 –
93. (18.7%) mag-aaral ang nakakuha sa antas na 80 – 86, (8.9%) sa antas na 73 –
79 at (73.1%) sa antas na 72 pababa.

2. a. Ang antas ng performans sa komprehensyon sa larawan ng mga mag-
aaral ay may mean na 21. Sa 30 aytem na tanong (66.1%) mag-aaral ang nakakuha
ng iskor sa pagitan ng 19 – 24 at ang antas nito ay 4 o may komprehensyon.
ii



b. Ang mean sa antas ng performans sa komprehensyon ng mga mag-aaral
sa tsart ay 13. Sa 15 aytem na tanong, (63.6%) na mga mag-aaral ay nakakuha ng
iskor na nasa pagitan ng 13 – 15, ang antas nito ay 5. Nangangahulugang mataas
ang kanilang komprehensyon sa tsart. Naintindihan nila agad ang kaisipang
ipinahahayag nito.

c. Ang antas ng performans sa komprehensyon sa grap ng mga mag-aaral
ay may mean na 22. Sa 30 aytem na tanong (74.7%) mag-aaral ang nakakuha ng
iskor sa pagitan ng 19 – 24. Ito ay nasa antas na 4 na ipinapakahulugang may
komprehensyon sa grap ang mga mag-aaral.

d. Natuklasang ang antas ng performans sa komprehensyon sa
simbolo ng mga mag-aaral ay may mean na 4. Sa 10 aytem na
tanong, karamihan sa iskor ay nasa pagitan ng 3 – 4 sa antas na 2 na
ang ibig sabihin ay bahagya ang kanilang komprehensyon sa mga simbolo.

e. Ang antas ng performans sa komprehensyon ng mga mag-aaral sa
ilustrasyon ay may mean na 6. Sa 10 aytem na tanong maraming mag-aaral ang
nakakuha ng iskor sa pagitan ng 7 – 8, ito ay sa antas 4 na nangangahulugang may
komprehensyon sila sa mga ilustrasyon.

f. Natuklasan ding ang antas ng performans sa dayagram ng mga mag-aaral
ay may mean na 2. Sa 5 aytem na pagsusulit marami ang nakakuha sa iskor na 2,
ito ay sa antas na 2. Ang ibig sabihin nito ay bahagya ang komprehensyon ng mga
mag-aaral sa dayagram.
iii



3. Ang kinalabasan ng pag-aaral sa pagsusuri sa kaugnayan ng mga varyabol
sa komprehensyon sa mga kagamitang di-verbal ng mga mag-aaral ay ang mga
sumusunod:

a. Sa lahat ng wika, walang nakakuha sa antas na 94 – 100 at 87 – 93. Sa
Kankanaey, 41 mag-aaral ang nakakuha ng iskor sa pagitan ng 80 – 86, 14 ang
nakakuha sa pagitan ng 73 – 79 at 167 ang nakakuha ng 72 pababa. Ipinapakita ng
pagsusuri na nakararami sa mga mag-aaral
na ang unang wika ay Kankanaey ang nakakuha sa antas na walang
na ang unang wika ay Kankanaey ang nakakuha sa antas na walang
komprehensyon sa mga kagamitang di-verbal. Sa Ilocano, 14 ang nakakuha sa
pagitan ng 80 – 86; 9 sa pagitan ng 73 – 79; at 40 sa 72 pababa. Nasa antas na
walang komprehensyon sa mga kagamitang di-verbal ang kinalabasan ng pagsusuri
sa mga mag-aaral na ang unang wika ay Ilocano. Sa Ibaloi, 10 mag-aaral ang
nakakuha ng iskor sa pagitan ng 80 – 86; 7 sa pagitan ng 73 – 79 at 45 sa iskor na
72 pababa. Lumabas sa pagsusuri na nasa antas na walang komprehensyon sa mga
kagamitang di-verbal ang mga mag-aaral na ang unang wika ay Ibaloi. Sa Tagalog,
1 ang nakakuha ng iskor sa pagitan ng 73 – 79; 7 sa 72 pababa. Nasa antas na
walang komprehensyon pa rin sa mga kagamitang di-verbal ang mga mag-aaral na
ang unang wika ay Tagalog. Sa Kalinga, Kalanguya at Tuwali ay parehong nasa
antas na walang komprehensyon ang kinalabasan ng pagsusuri dahilan sa nasa
pagitan ng 72 pababa ang naging resulta ng pagsusulit na ibinigay.

Hindi tinatanggap ng haypotesis ng pag-aaral na may kaugnayan ang unang
wika sa pag-unawa sa mga kagamitang di-verbal ng mga mag-aaral.
iv


b. Lumabas sa pagsusuri sa kaugnayan ng mga varyabol sa
komprehensyon sa mga kagamitang di-verbal ayon sa kasarian na halos
magkapareho ang bilang ng lalaki at babaeng respondenteng nakakuha ng iskor
sa pagitan ng 72 pababa. Ibig sabihing walang komprehensyon ang mga lalaki at
babae sa mga kagamitang di-verbal. Hindi tinatanggap ng haypotesis na may
kaugnayan ang kasarian sa komprehensyon sa mga kagamitang di-verbal ng
mga mag-aaral.

c. Sa kanilang eksposyur sa midya, lumabas sa pagsusuri na hindi
makabuluhan ang naging resulta sa pahayagan, magasin at radyo ngunit lumabas na
makabuluhan ang resulta sa komprehensyon sa mga kagamitang di-verbal ng mga
mag-aaral sa telebisyon.

d. Sa pinagtapusang paaralan, pareho ang iskor ng mga mag-aaral na
nagtapos sa pampubliko at pampribadong paaralan ay nasa antas na 72 pababa.
Nangangahulugang walang komprehensyon sa mga kagamitang di-verbal ang mga
mag-aaral. Hindi tinatanggap ang haypotesis ng pag-aaral na may kaugnayan ang
pinagtapusang paaralan sa hayskul sa komprehensyon sa mga kagamitang di-
verbal ng mga mag-aaral.

Batay sa kinalabasan ng pag-aaral, ang mga sumusunod na kongklusyon ay
nabuo:

1. Mababa ang komprehensyon sa mga kagamitang di-verbal ng mga
mag-aaral na nakatala sa kursong, BSA, BSAB, BSDC,
BSF, at BSAENG’G.

2. Mataas ang komprehensyon sa larawan, tsart, grap at
v


ilustrasyon ng mga mag-aaral ngunit mababa sa simbolo at dayagram.
3. Hindi tinatanggap ng haypotesis ng pag-aaral ang kaugnayan ng
mga sumusunod na varyabol: ang unang wika, kasarian, eksposyur sa midya at
pinagtapusang paaralan sa hayskul.

Batay sa naging resulta ng pag-aaral at nagawang kongklusyon, ang mga
sumusunod ay ipinapayo:

1. Kailangang linangin ang komprehensyon sa mga kagamitang di-verbal ng
mga mag-aaral sa pamamagitan ng paglalantad sa kanila ng iba’t ibang uri ng mga
ito.

2. Iminumungkahi ang paggamit ng mga guro ng Filipino sa mga kagamitang
di-verbal upang malinang ang komprehensyon sa mga ito ng mga mag-aaral.

3. Magbigay ng maraming pagsasanay sa gramatika na ang lunsaran ay mga
kagamitang di-verbal.

4. Maghanda ng mga suplementong kagamitang panturo lalung-lalo na sa
mga mag-aaral na nakatala sa mga k olehiyong binigyan ng
pagsusulit upang malinang ang kanilang komprehensyon.
5. Gumawa ng iba pang pag-aaral tungkol sa mga kagamitang di-
verbal na ang tuon ay sa pagsasalaysay, paglalarawan, paglalahad at
verbal na ang tuon ay sa pagsasalaysay, paglalarawan,

paglalahad at pangangatwiran.

vi


TALAAN NG NILALAMAN









Pahina

Bibliograpiya……… ……………………………………………………... i

Abstrak……..……………………………………………………………… iii

Talaan ng Nilalaman ….…………………………………………….….. vii

INTRODUKSYON

Sanligan ng Pag-aaral……….. ……... ……………………………. 1

Paglalahad ng Suliranin …….……………………………………… 5

Layunin ……………………………………………………………. 5


Kahalagahan ng Pag-aaral
……………………………….…… 6

Saklaw at Delimitasyon…………………………………………… 8

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL

Kagamitang di- Verbal …..………………………………………… 10

Kakayahang Komunikatibo………………………………………… 14

Teorya sa Pagbasa………………………………………………… 20

Lapit sa Pagsusulit ng Wika ……………………………………… 25

Kaugnay na Lokal na Pag-aaral…………………………………… 27

Balangkas ng Teorya …………………………………………… 29

Katuturan ng mga Katawagang Ginagamit sa Pag-aaral………. 31



Haypotesis……………………………………………………………. 35

PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Kinaganapan ng Pag-aaral ..……………………………………….. 37

Mga Respondente ………………………………………………….. 37

Paraan ng Pananaliksik …… ……………………………………… 39

vii


Pangungulekta ng Datos …. ……………………………………… 41

Pagsusuring Estadistika …………………………………………… 42

PAGTALAKAY SA MGA RESULTA

Komprehensyon sa mga Kagamitang
Di-verbal ng mga mag-aaral……………………………………….. 43

Antas ng Performans sa Komprehensyon sa Larawan ………… 47

Antas ng Performans sa Komprehensyon sa Tsart ……………. 50

Antas ng Performans sa Komprehensyon sa Grap……………….. 53

Antas ng Performans sa Komprehensyon sa Simbolo …………… 55

Antas ng Performans sa Komprehensyon sa Ilustrasyon ……….. 58

Antas ng Performans sa Komprehensyon sa Dayagram…………. 60

Buod sa Antas ng Performans ng Komprehensyon ……………… 61

Kaunayan sa Komprehensyon Ayon sa Unang Wika ……………. 63

Kaugnayan sa Komprehensyon Ayon sa Eksposyur sa Midya…… 67

Kaugnayan sa Komprehensyon Ayon sa Pinagtapusang
Paaralan sa Hayskul ………………………………………………….. 70

PAGLALAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

Paglalagom ……………………………………………………………. 73

Kongklusyon……………………………………………………………. 78

Rekomendasyon ………………………………………………………. 79

SANGGUNIAN …………………………………………………………….. 80

APENDIKS

Talatanungan …………………………………………………………… 86

Bayografi ……………………………………………………………….. 107


viii


INTRODUKSYON


Sanligan ng Pag-aaral

Ang wika ay isa sa kasangkapang ginagamit ng tao sa kanyang
pakikisalamuha sa kapwa. Ang wika ay kumakatawan sa isa sa
pinakamalakas na buklod na nag-iisa sa tao at pinalalaganap ng
pagkakaisa ang pambansang mithiin, layunin at damdamin. Naipadarama
ng tao ang kanyang damdamin at ang nasasaisip sa pamamagitan ng
wika.

Ayon kay Lachica (1998), maaaring mahulaan ang reaksyon ng tao
maging verbal o di-verbal na pakikipagkomunikasyon. Bagama’t
magkaugnay ang komunikasyong verbal at di-verbal, madali namang
makikilala ang kanilang pagkakaiba. Ang isang simpleng pakahulugan sa
komunikasyong verbal ay nakasalalay sa lahat ng uring nasusulat o
sinasalita samantalang ang di-verbal ay tumutugon sa lahat ng aspektong
hindi ginagamitan ng salita.

Maraming mahahalagang bagay ang nagagawa ng komunikasyong
di-verbal. Maraming bagay at mensahe ang naihahatid sa pamamagitan
ng mga verbal at di-verbal na komunikasyon at may mga mensaheng higit
na nauunawaan nang hindi kailangan ng salita. Hindi pa rin maihihiwalay
na pangkalahatang sistema ng pakikipagkomunikasyon ang di-verbal na
komunikasyon.
Komprehensyon Sa Mga Kagamitang Di-Verbal Ng Mga Mag-Aaral Sa
Unang Taon Ng Benguet State University / Janet B. Mede. 2006


2

Ang wika ay lubhang mahalaga upang matagumpay ang
ginagawang pagtuturo. Ang wika ay kasangkapan sa
pakikipagkomunikasyon. Ang layunin nito ay magkaroon ng pakikipag-
ugnayan at pakikipag-interaksyon. Ito ay proseso ng pagpapadala at
pagtanggap ng mga mensahe sa pamamagitan ng mga simbolong
pahiwatig na maaaring verbal o di-verbal.

Hindi laging verbal ang komunikasyon, hindi laging pasalita o
pasulat. Madalas ay gumagamit din tayo ng mga di-verbal na anyo o di
kaya’y kombinasyon ng verbal o di-verbal. Tulad ng kapag nahuli ng ina
ang anak na nagkasala, hindi maililihim ng bata ang kanyang kasalanan
sa kanyang mukha, mata, kilos ng katawan at kumpas ng mga kamay sa
kabila ng kanyang matigas na pagtanggi.

Mahalaga ang di-verbal na komunikasyon sapagkat inilalantad
o ipinahihiwatig nito ang kalagayang emosyunal ng isang tao, nililinaw nito
ang kahulugan ng isang mensahe at pinanatili ang interaksyong resiprokal
ng tagapagdala at tagatanggap ng mensahe (Tumangan, 2000).

Sa pagtuturo, napananatili nang matagal ang aralin sa isipan ng
mga bata sa paggamit ng mga larawan. Walumpung bahagdang (80%)
nananatili sa isipan ng mga mag-aaral ang tinalakay na teksto sa
pamamagitan ng mga viswal na kagamitan at dalawampung bahagdan
(20%) naman sa mga awdyo-viswal na kagamitan.
Komprehensyon Sa Mga Kagamitang Di-Verbal Ng Mga Mag-Aaral Sa
Unang Taon Ng Benguet State University / Janet B. Mede. 2006


3

Ayon kay Adler (1983), nagpapakahulugan ng isang libong salita
ang larawan. Tumutulong ito sa pagpapaliwanag kung bakit ang mga
tsart, dayagram at iba pang grapikong pantulong ay bahagi ng kalakarang
presentasyon. Sa katunayan, ang isang libong salita ay nagsasabi ng
bahagi ng kwento.

Ang kagamitang di-verbal ay nagpapahayag din ng
pakikipagkomunikasyon. Ito ay isang paraan sa pagpapahatid ng isang
mensahe tulad ng paggamit ng mga grap, tsart, guhit, ilustrasyon at
larawan. May malaking kalamangan ang mga ito sa paggawa ng mensahe
bilang simbolo at simbolo sa mensahe. Ito ang tuon ng pag-aaral na ito,
ang paggamit ng mga di-verbal na kagamitan na gawing verbal upang
masuri ang pag-unawa o komprehensyon ng mga mag-aaral.

Ayon kay Nuttal (1982) sa pagbanggit ni Dacanay (2000), ang mga
di-verbal na impormasyon ay kailangan bilang pantulong sa pag-unawa sa
teksto. Halimbawa, hindi naiiintindihan ng mag-aaral ang binasa,
magkakaroon lamang siya ng pag-unawa sa pagkilatis sa mga
kagamitang di-verbal. Ito ay isang teknik upang malaman ang
komprehensyon ng mga mag-aaral.

Ang mga gawain sa klase ay di lamang ibinabatay sa kung
anumang batayang aklat na gamit. Pakikinabangan ang maraming uri
ng kagamitang di-verbal gaya ng larawan, komik strip, grap, drowing,
Komprehensyon Sa Mga Kagamitang Di-Verbal Ng Mga Mag-Aaral Sa
Unang Taon Ng Benguet State University / Janet B. Mede. 2006


4
tsart, dayagram, mapa, ilustrasyon at talahanayan.

Ang paggamit sa mga ito ay makatutulong nang malaki sa pag-
uulat. Ginagamit ang mga ito upang makatawag – pansin sa mga
detalyeng nais bigyan ng tuon bukod pa sa pang-akit nito. Ginagamit din
ang mga ito bilang pandagdag o panlinaw sa paksang tinatalakay.

Hindi mahirap ang pagbasa sa mga kagamitang di-verbal kung
alam mo ang iyong hinahanap. Ang problema ng mga taong nagbabasa
ay sa “body language” dahil marami itong ipinagpakakahulugan. Ang isa
sa sikreto ng pagbabasa ng body language ay ang pagtingin sa mga
naganap na pangyayari. Halimbawa, kung tinatanong mo ang isang tao at
walang imik, nagpapahiwatig na ayaw niyang sabihin ang katotohanan o
maaaring nangangahulugang ayaw ang iyong paraan sa pagtatanong.
Ang isang taong nakatalungko at nakatingin sa malayo na walang imik ay
isang pahiwatig din ng komunikasyong di-verbal.

Matagumpay ang pagtuturo lalung-lalo na kung nakukuha ng guro
ang atensyon ng mga mag-aaral na makipag-interak sa talakayan. Ang
paggamit ng kagamitang di-verbal ay isa sa mga istilo o pamamaraan
upang mapasigla ang pagtuturo at pagkatuto. Nalilinang ang
komprehensyon ng mga mag-aaral Sila ay natututong makapagsalaysay,
makapaglarawan, makapaglahad at makapagpaliwanag.

Nalilinang din ang kakayahang komunikatibo at perpormans ng
Komprehensyon Sa Mga Kagamitang Di-Verbal Ng Mga Mag-Aaral Sa
Unang Taon Ng Benguet State University / Janet B. Mede. 2006


5
mga mag-aaral sa pakikipag-interak sa klase. Ayon kay Chomsky (1965),
ang kakayahang komunikatibo ay tumutukoy sa kaalaman ng tao sa
kanyang wika at performans naman ay nauukol sa kakayahan sa aktwal
na paggamit ng target na wika.

Nakikipag-usap tayo sa ating kapwa nang may tiyak na pag-unawa:
magpalitang-kuro, magkumustahan, imbitahan siya sa isang salu-alo,
sabihin ang problema at iba pa. Lahat ng ating sasabihin sa ating kausap
ay tungo sa katuparan ng pag-unawa natin sa mensaheng narinig.
Nagagamit din natin ang mga di-verbal na pagkilos upang maging
maliwanag ang mensaheng ipinahahayag.

Paglalahad ng Suliranin

Nilalayon ng pag-aaral na ito na masuri ang komprehensyon sa
mga kagamitang di-verbal ng mga mag-aaral ng Benguet State University.

Sasagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang komprehensyon sa mga kagamitang di-verbal ng
mga mag-aaral?

2. Ano ang antas ng performans sa komprehensyon sa mga
kagamitang di-verbal ng mga mag-aaral?

3. Ano ang kaugnayan ng komprehensyon ng mga mag-aaral
sa mga sumusunod na varyabol:
a. unang wika
Komprehensyon Sa Mga Kagamitang Di-Verbal Ng Mga Mag-Aaral Sa
Unang Taon Ng Benguet State University / Janet B. Mede. 2006


6
b. kasarian
c. eksposyur sa midya
d. pinagtapusang paaralan sa hayskul

Layunin ng Pag-aaral

Nilalayon ng pag-aaral na ito na mabigyang-linaw ang mga
sumusunod:

1. Masuri ang komprehensyon sa mga kagamitang di-verbal ng
mga mag-aaral.

2. Matukoy ang antas ng performans sa komprehensyon sa mga
kagamitang di-verbal ng mga mag-aaral.

3. Matukoy ang kaugnayan ng komprehensyon ng mga mag-aaral
sa mga sumusunod na varyabol:

a. unang wika
b.
kasarian

c. eksposyur sa midya

d. pinagtapusang paaralan sa hayskul


Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang isa sa layunin ng pagtuturo ay malinang ang kakayahan sa
pag-unawa ng mga mag-aaral. Ito ang pinakamahirap na gawain ng guro.
Ang kinalabasan ng pag-aaral na ito ay mahalaga sa mga
Komprehensyon Sa Mga Kagamitang Di-Verbal Ng Mga Mag-Aaral Sa
Unang Taon Ng Benguet State University / Janet B. Mede. 2006


7
superbisor at administrador sa pag-aayos ng kurikulum upang maiangat
ang kakayahan sa komprehensyon ng mga mag-aaral. Didiinan ang
paggawa ng mga kagamitan hindi lamang sa verbal kundi pati na rin sa di-
verbal . Ito ay magsisilbing gabay sa pagpapayaman sa kurikulum.

Nababawasan ang labis na pagsasalita ng guro sa paggamit ng
mga kagamitan. Nakapagdaragdag ito ng interes sa pakikipag-interaksyon
sa klase. Nagiging mabuting pangganyak ito sa pagdaragdag ng buhay sa
klasrum. Napahuhusay rin nito ang paraan ng pagtuturo.

Ang kinalabasan ng pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga guro
na hindi limitahan ang pagtuturo sa mga tradisyunal na teksto sa mga uri
ng pagpapahayag at kasanayang makro. Naisasagawa rin ang mga ito sa
pamamagitan ng mga kagamitang di-verbal upang malinang ang
kakayahang pag-unawa at komunikatibo ng mga mag-aaral.

Ang mga kagamitang di-verbal ay makatutulong na maging kawili-
wili at mapanghamon ang talakayan. May mga gawain at baryasyon
ngunit naroroon ang maingat na pagsusunud-sunod ng aralin mula sa
madadali patungo sa mahihirap o masasalimuot na aralin, mula sa
manipulatibo patungo sa komunikatibo at sa paraang lohikal malinaw at
madaling mauunawaan.
Makatutulong din ang pag-aaral na ito sa madaling
pagpapahayag ng kaisipan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng
Komprehensyon Sa Mga Kagamitang Di-Verbal Ng Mga Mag-Aaral Sa
Unang Taon Ng Benguet State University / Janet B. Mede. 2006


8
ng paggamit ng mga kagamitang di-verbal . Magkakaroon ng
magandang daloy sa pakikipag-interaksyon ang mga mag-aaral, nalilinang
ang kanilang kakayahan sa malayang pagpapahayag ng kanilang kaisipan
at napaaangat din ang kanilang pag-unawa.

Ayon kay Breen (1987) sa pagbanggit ni Sison (1997),
kinakailangan ng mga iba’t ibang uri ng kagamitan sa wika. Nahihikayat
ang mga mag-aaral na ipahayag ang kanilang abilidad sa pagpapahayag
at pagbibigay ng interpretasyon sa mga kagamitang di-verbal.

Saklaw at Delimitasyon

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagsusuri ng komprehensyon
ng mga mag-aaral sa mga kagamitang di-verbal– larawan, grap, tsart,
simbolo, ilustrasyon at dayagram.

Ang pagsusulit ay ibinigay sa mga mag-aaral na nakapagtala sa
mga kursong BSA, BSAB, BSDC, BSF AT BSAENG’G.

Tinukoy ang antas ng kanilang antas ng performans sa
komprehensyon. Ginamit ang limang puntong pagpapasya sa pagkuha
nito: 1 – mataas ang komprehensyon; 2 – may komprehensyon; 3 -
katamtaman ang komprehensyon; 4 – bahagya ang komprehensyon ; at 5
– walang komprehensyon.

Inilahad din ang kaugnayan ng mga varyabol sa kanilang
komprehensyon sa mga kagamitang di-verbal sa unang wika, kasarian,
Komprehensyon Sa Mga Kagamitang Di-Verbal Ng Mga Mag-Aaral Sa
Unang Taon Ng Benguet State University / Janet B. Mede. 2006


9
eksposyur sa midya at pinagtapusang paaralan sa hayskul.

Pinasagot sa mga mag-aaral ang pagsusulit upang matukoy at
masuri ang kanilang komprehensyon at antas ng performans sa
komprehsnyon sa mga kagamitang di-verbal . Gumamit ng talatanungan
sa pagkuha sa mga kaugnayan ng mga varyabol sa pag-aaral.



Komprehensyon Sa Mga Kagamitang Di-Verbal Ng Mga Mag-Aaral Sa
Unang Taon Ng Benguet State University / Janet B. Mede. 2006

KAUGNAY NA PAG-AARAL



Ang isa sa mga layunin ng pagtuturo ay interaksyon ng mga mag-
aaral sa pagtalakay sa aralin upang bigyan-diin ang husay nila sa
paggamit ng wika. Ito ay tuon ng pag-aaral na ito na maipahayag ng mag-
aaral ang kanilang komprehensyon sa pamamagitan ng mga kagamitang
di-verbal.

Kagamitang Di-Verbal

Binubuo ng wika ang mga tunog at salitang kinakailangan sa
pakikipagtalastasan subalit kasama sa mga tunog at salita ang di-verbal
na bahagi ng talastasan katulad ng aksyon, tono, gawa, gawi, sitwasyon
at lahat ng mga paraan mayroon sa pagpapabatid ng mensahe
(Semorlan, 1999). Ayon kay Tumangan (2000), hindi laging verbal ang
komunikasyon, hindi laging pasulat at pasalita. Madalas, ginagamit din
ang mga di-verbal na anyo ng komunikasyon. Maraming sinasabi ang
katawan, minsan pa nga ay higit pa sa tunog na lumalabas sa bibig ng
tao.

Ayon kina Nuttal (1982) at Adler (1986), ang mga di-verbal na
pahayag kapag isinasabay sa verbal na impormasyon ay magiging mas
mabisa at madaling maintindihan kaysa sa verbal na pahayag lamang.

Sinabi naman ni Halliday (1975) na pagbanggit ni Tomas (2004),
Komprehensyon Sa Mga Kagamitang Di-Verbal Ng Mga Mag-Aaral Sa
Unang Taon Ng Benguet State University / Janet B. Mede. 2006




11

mahalaga rin ang di-verbal na komunikasyon dahil inilalantad o
ipinahihiwatig nito ang kalagayang emosyunal ng isang tao. Nililinaw din
nito ang kahulugan ng isang mensahe at pinanatili nito ang interaksyong
resiprokal ng mga tagapadala at tagatanggap ng mensahe.

Maaaring makita ang iba’t ibang anyo ng komunikasyong di-verbal
sa mga sumusunod: oras , maaaring maiba-iba ang komunikasyon dahil
sa oras; espasyo, ito ang inilalagay ng isang tao sa pagitan ng kanyang
sarili at ng ibang tao; katawan, tumutukoy sa iba’t ibang galaw ng katawan
habang nakikipagtalastasan; pandama, ito ang pagpapadama ng iba’t
ibang damdamin sa tulong ng paghawak sa kausap; oculesics, tumutukoy
sa paggamit ng mga mata sa komunikasyon tulad ng pag-irap, pagtaas ng
kilay at iba pa; objectics, ito ang paggamit ng mga bagay sa
komunikasyon sa pagpapaliwanag ng mga gustong sabihin o kaya ay
paggamit din ng mga bagay kapag may damdaming nais ipahayag;
vocalics, kaugnay ito ng pagbabagu-bago ng boses sa komunikasyon
upang mabigyang-diin ang gustong sabihin. Gumagamit ang mga tao ng
iba’t ibang uri ng galaw at kilos sa pagpapahatid ng mensahe. Ang mga
ito’y tinatawag na kumpas at ginagamit ang mga kamay, mukha at
katawan sa pagsasagawa ng kilos. Ayon kay Steinberg (1993), maaari
nitong ipahatid ang iba’t ibang uri ng mensahe tulad ng pagbati,
pagpapaalam, pag-uutos, paglalarawan at iba pa.
Komprehensyon Sa Mga Kagamitang Di-Verbal Ng Mga Mag-Aaral Sa
Unang Taon Ng Benguet State University / Janet B. Mede. 2006




12


Ayon kay Cooper (1976) sa pagbanggit ni Sison (1997), ang
pagbasa ay aktibong prosesong mapanlikha na binibigyan ng
interpretasyon ng mambabasa ang mensahe. Ang pagsasagawa ng
gawain ay maaaring sa pamamagitan ng mga di-verbal na kagamitan
gaya ng larawan, grap, tsart, mapa at dayagram.

Tinukoy na hindi prosang pagbasa ang pagbibigay ng
interpretasyon sa mga grap, tsart, mapa at mga kagamitang tabular
(Romero & Romero, 1995 sa pagbanggit ni Dacanay, 2000). Ang pagkuha
ng kahulugan ng teksto ay ginagamit sa pagkuha ng presentasyon upang
maging malinaw sa mga mambabasa ang teksto.

Upang maabot ang kakayahang pag-unawa ng mga mag-aaral
iminumungkahi ni Karl (1988) na ipahayag sa sariling kuru-kuro o
kaisipan ang kahulugan ng isang teksto. Nakakatulong sa pagbibigay
ng pagpapakahulugan ang mga larawan, grap, talahanayan at mapa.
Nagaganyak na magpahayag ang mga mag-aaral na ginagamit ang target
na wika.

Iminumungkahi ni Rivers (1978) na upang matuto ang mag-aaral sa
ikalawang wika, gumamit ng mga kagamitan na umaayon sa kanilang
pag-iisip. Ang mga ito ay mga tekstong ayon sa panilang pananaw
(tradisyunal na materyal) tungo s a tekstong bilang proseso (awtentikong
materyal) upang masubaybayan ang interaksyon ng mambabasa at
Komprehensyon Sa Mga Kagamitang Di-Verbal Ng Mga Mag-Aaral Sa
Unang Taon Ng Benguet State University / Janet B. Mede. 2006




13

teksto.

Ang isa sa mga dahilan ng pagkawala ng gana ng mga mag-aaral
sa pagbasa ay mga kagamitang hindi angkop sa kanilang interes. Upang
malutas ito, bigyan sila ng mga materyal na umaayon sa kanilang interes
(Anderson, 1981) – larawan, grap, tsart, talahanayan at mapa.

Sinabi rin ni McDonough at Shaw (1988) sa pagbanggit ni Sison
(1997) na ang kakayahang komunikatibo ay tumutukoy sa kakayahan sa
wika, ang produktibo (pagsasalita at pagsulat) at reseptibo (pakikinig at
pagbasa). Ang paglinang sa mga kakayahan ay umaayon sa mga
materyal o kagamitang gagamitin.

Ayon kay Adler (1983), nagpapakahulugan ng isang libong salita
ang larawan. Tumutulong ito sa pagpapaliwanag kung bakit ang mga
tsart, dayagram at iba pang grapikong pantulong ay bahagi ng kalakarang
presentasyon. Sa katunayan, ang isang libong salita ay nagsasabi ng
bahagi ng kwento.

Ayon kay Semorlan ( 1999), sa pagbanggit ni Tomas (2004), hindi
laging verbal ang komunikasyon, hindi laging pasulat o pasalita. Madalas
ginagamit ang mga di-verbal na anyo o kaya’y kumbinasyon ng mga
verbal o di-verbal na anyo ng komunikasyon.

Matatagpuan sa wika ang mga tanda o simbolo na nagkakaroon ng
kahulugan ayon sa gumagamit nito. Ang mga simbolo ay maaaring salita,
Komprehensyon Sa Mga Kagamitang Di-Verbal Ng Mga Mag-Aaral Sa
Unang Taon Ng Benguet State University / Janet B. Mede. 2006




14

bilang, guhit, larawan o anumang hugis na kumakatawan sa konsepto.
Ang mga tao ay nabubuhay sa mga simbolo na kinokontrol naman nila.
Ang kakayahan ng taong kontrolin ang mga simbolo ay nagpapatangi sa
kanya sa iba pang nilikha (Sapeir, 1961).

Kakayahang Komunikatibo

Nanguna si Chomsky (1965) sa pagbibigay liwanag sa kahulugan
ng kakayahan at perpormans. Sinabi niya na ang kakayahan ay
tumutukoy sa kaalaman ng tao tungkol sa kanyang wika at perpormans
naman ay nauukol sa kakayahan sa aktwal na paggamit ng wika sa mga
tiyak na pagkakataon. Ayon pa rin sa kanya:

“… language is primarily concerned with ang ideal speaker-
listener in a completely homogeneous speech community –
who knows its language perfectly and is uneffected by such
by such gramamatically irrelevant conditions as memory limita-
tions, distractions, shifts of attention and interest, and errors…
in applying his knowledge of the language in actual performance.”

Ayon naman kina Wilkins (1976) at Widdowson (1977) hindi sapat
ang kaalamang panggramatika upang magamit nang mabisa ang wika.
Kailangang isaalang-alang din ang ilang mahahalagang bagay tulad ng
kaangkupan ng sasabihin sa sitwasyong paggagamitan nito.

Sa kabilang dako, ang kakayahang komunikatibo ayon kina Canale
at Swain (1980), ay tumutukoy sa pagkakaugnay at interaksyon ng at
kakayahang panggramatika o kaalaman sa mga tuntunin ng gramatika at
Komprehensyon Sa Mga Kagamitang Di-Verbal Ng Mga Mag-Aaral Sa
Unang Taon Ng Benguet State University / Janet B. Mede. 2006




15

sa kakayahang sosyo-linggwistika.

Ang pagkatuto ng wika ay binalak na proseso na ang wika ay
pinag-aralan sa isang organisadong paraan at may sinusunod na isang
tiyak na programa o silabus. Ang ganitong pagkatuto ay humahantong sa
pagkakaalam sa mga tuntunin sa paggamit at kung paano ito ilalahad sa
isang sistematiko at pormal na paraan (Krashen, 1985, sa pagbanggit ni
Palazo, 2003).

Isang mabuting prinsipyo sa epektibong pagtuturo at pagkatuto ang
pagbibigay ng maraming pagkakataon sa lahat ng mga mag-aaral na
lumahok sa mga aktibiti o gawain sa klase (Belvez, 1997). Nawawala ang
tensyon at pagkakimi ng mga mag-aaral na mahiyain. Sa maliit na
pangkatan higit na malakas ang loob ng mga mag-aaral na magsalita
kaysa sa magsalita sa buong klase.

Nagbigay si Belvez (1997) sa pagbanggit ni Palazo (2003), ng ilang
katangian ng mabuting pagtuturo. Ang pagtuturo ay payak at madaling
isagawa. Kayang isagawa ng guro at mag-aaral ang sunud-sunod na
hakbang ng pagkatuto at pagtuturo. Mabuti ang pagtuturo kung
magbibigay ng mabuting bunga o kahinatnan, humuhubog sa kanilang
kakayahan at sila ang gumagawa sa mga gawain upang matuto. Ang guro
ay tagasubaybay, tagapayo at papasok lamang sa bahaging hindi na kaya
ng mag-aaral ang gawain.
Komprehensyon Sa Mga Kagamitang Di-Verbal Ng Mga Mag-Aaral Sa
Unang Taon Ng Benguet State University / Janet B. Mede. 2006




16


Malaki ang pananagutan ng mga guro sa pagtuturo ng wika. Ayon
kay Willing (1988) sa pagbanggit ni Palazo (2003), isinaalang-alang ng
gurong sensitibo ang pag-aaral ng mga mag-aaral upang makatulong sa
pagkakaroon ng isang mabuting pagkatuto.

Para masabi na ang tao ay may communicative competence sa
isang wika, kailangang magtaglay siya ng linguistic o grammatical
competence, sociolinguistic competence, discourse competence at
strategic competence (Badayos, 1999).

Ang linguistic competence ay kakayahang umunawa at makabuo
ng istruktura sa wika na sang-ayon sa tuntunin ng gramatika. Ito ay
katayuan ng isang taong may kontrol o masteri sa porma o istruktura ng
isang wika.

Ang discourse competence naman ay may kinalaman sa pag-
unawa hindi ng isa-isang pangungusap kundi ng buong diskurso. Ito ay
kakayahang bigyan ng interpretasyon ang isang serye ng mga
napakinggang pangungusap upang makagawa ng isang makabuluhang
kahulugan. Ang tagumpay ng pag-unawa sa isang diskurso ay sang-ayon
sa kaalamang linggwistika, kaalamang istruktura at kaalaman sa social
setting.

Ayon naman sa strategic competence, wala raw taong perpekto
ang kaalaman sa kanyang wika at nakagagamit ng kaalamang ito nang
Komprehensyon Sa Mga Kagamitang Di-Verbal Ng Mga Mag-Aaral Sa
Unang Taon Ng Benguet State University / Janet B. Mede. 2006




17

walang dapat alalahanin. Ginagamit natin sa abot ng ating makakaya
kung anuman ang ating nalalaman. Ang mga istratehiya na ginagamit
natin upang matakpan ang imperpektibong kaalaman natin sa wika ang
tinatawag na strategic competence.

Ang pinakahuling elemento ng communicative competence ay ang
sociolinguistic competence. Ang isang taong may sociolinguistic
competence ay nakauunawa at nakagagamit ng kontekstong sosyal ng
isang wika. Isinaalang-alang niya ang mga tatlong bagay sa pakikipag-
usap; ang ugnayan ng pag-uusap, ang impormasyong pinag-uusapan nila
at ang lugar kung saan sila nag-uusap. Bukod sa kaalaman sa mga
tatlong salik, alam ng mga kasapi ng usapan ang layon ng kanilang pag-
uusap. Sa sociolinguistic competence nakapaloob ang isang paghuhusga
kung angkop sa tatlong salik ang sasabihin.

Sina Gumperz (1972), Widdowson (1978) at Wilkins (1976) ay
kaisa sa paniniwalang hindi sapat ang kaalamang panggramatika upang
magamit nang mabisa ang wika. Kailangang isaalang-alang din ang mga
bagay tulad ng kaangkupan ng sasabihin sa sitwasyon ng paggamitan
nito. Kailangang mapili ng tagapagsalita ang angkop na istratehiya upang
masabi ang ano, kailan at saan. Mahalaga rin na magkaroon siya ng
kaalamang kultural na makaaapekto sa pag-unawa at pagbibigay-
kahulugan sa sinabi ng kausap.
Komprehensyon Sa Mga Kagamitang Di-Verbal Ng Mga Mag-Aaral Sa
Unang Taon Ng Benguet State University / Janet B. Mede. 2006




18


Kinilala at binigyang-halaga nina Sperber at Wilson (1995) sa
kanilang Relevance Theory ang katotohanang hindi lahat ng pahayag ay
malinaw sa tagapakinig. Maaari itong magkaroon ng magkaibang
kahulugan ayon sa pagkakaiba ng antas ng pag-unawa at
pagpapakahulugan ng tagatanggap ng mensahe.

Ang kakayahang pangkomunikatibo ay likas na paggamit ng wika
sa natural at tuluy-tuloy na paraan sa pakikipag-usap. Kasama sa
interaksyon ang paghahatid ng mensaheng madaling masabi at
maunawaan ng tagatanggap (Brumfit ,1991).

Para maging mabisa ang komunikasyon ay mahalagang bigyang-
pansin ang mga katangian nito. Ang komunikasyon ay isang proseso ng
decoding. Ang proseso ng komunikasyon ay dinamiko at komplikado.
Dinamiko dahil minsan lamang itong kasangkot. Ang pagpapakahulugan
sa mensahe ay nakasalalay sa tagatanggap nito. Ang proseso ay nauuri
sa mensaheng pangnilalaman o mensaheng panlinggwistika at
mensaheng relasyunal o mensaheng di-verbal na nagpapahiwatig ng
damdamin o pagtingin sa kausap (Tumangan, 2000).

Malaki rin ang maitutulong ng kaalamang pangkultura sa paghugis
ng kakayahan sa pagsasalita sapagkat hinihingi nito ang kaangkupan ng
lenggwahe sa partikular na lipunan. Nangangahulugang kung hindi
nauunawaan ng nagsasalita ang kultura ng lipunang kanyang
Komprehensyon Sa Mga Kagamitang Di-Verbal Ng Mga Mag-Aaral Sa
Unang Taon Ng Benguet State University / Janet B. Mede. 2006




19

kinakaharap, malamang na makapagbitiw siya ng mga salitang maaaring
makasakit o magbunga ng kalituhan. Hindi lahat ng tao ay pare-pareho
ang pananaw at pagtingin sa mga bagay at gawain (Lachica, 1999).

Ang pagkakaiba ng pag-unawa sa mga pahayag ay naaapektuhan
din ng kasarian ng isang tao. Sa usaping kasarian , ayon kay Resuma
(2002), may magkaibang papel ang mga kalalakihan at kababaihan sa
paggamit ng wika. Inaasahan na ang kababaihan ay higt na magiging
maingat kaysa sa mga kalalakihan sa paggamit ng wika dahil ito ang
inaasahan ng lipunan. Kaugnay nito binanggit din ni Trugill (1995) ang
teoretikal na mungkahi mula sa mga sosyolinggwist. Una, ang mga lalaki
ay mas madaling matuto sa mga impormal na pahayag kaysa sa mga
babae. Pangalawa, inaasahang mas nakasusunod sa pamantayan ng
lipunan ang mga babae lalung-alo na kung paggamit ng wika ang pinag-
uusapan.
Sinabi naman ni Joiner (1979) sa pagbanggit ni Dacanay (2000),
na ang kakayahang komunikatibo ay abilidad sa pagsabi at pagtanggap
ng mensahe. Kabilang dito ang paggamit ng mga di-verbal na materyal sa
proseso ng komunikasyon. Nagbibigay ng mensahe ang mga di-verbal na
kagamitan na tinatanggap at inuunawa naman ng mga mag-aaral. Kung
nakuha na ang mensaheng ipinapahayag nito nagkakaroon na
ng komunikasyon.

Komprehensyon Sa Mga Kagamitang Di-Verbal Ng Mga Mag-Aaral Sa
Unang Taon Ng Benguet State University / Janet B. Mede. 2006




20

Teorya sa Pagbasa

Ayon kay Coady (1979) para sa lubusang pag-unawa ng isang
teksto, kailangan ang dating kaalaman ng tagabasa na maiuugnay niya sa
kanyang kakayahang bumuo ng konsepto o kaisipan at kasanayan sa
pagpoproseso ng mga impormasyong masasalamin sa teksto.

Tinawag ni Smith (1983) ang bottom-up na teorya sa pagbasa na
outside-in o data driven sa dahilang ang impormasyon sa pag-unawa ay
hindi nagmula sa mambabasa kundi sa teksto. Ang pagpapakahulugan sa
binasa ay nasa huling yugto. Sa teoryang ito ang pag-unawa sa teksto ay
batay sa mga nakikita tulad ng mga salita, pangungusap, larawan,
dayagram, tsart, grap at iba pang simbolo.

Nanaig sa teoryang ito ang pagkatuto sa pagbasa ay nagsisimula
sa yugtung-yugtong pagkilala sa mga titik tungo sa salita, parirala,
pangungusap, ng buong teksto bago ang pagpapakahulugan sa teksto.
Inilalarawan ng teoryang ito na ang pagbasa ay nagsisimula sa mga input
ng grapiko, halimbawa, ang mga letra na siyang bumubuo ng mga
nakalimbag na salita. Malinaw na masisilip sa teoryang buttom-up na ang
pagbasa ay nagsisimula sa sintesis ng mga letra upang makabuo ng
salitang bubuo ng mga pangungusap hanggang sa makabuo nang sapat
na rami ng teksto na magbibigay-daan sa tagabasa upang maunawaan
kung ano ang isinulat ng awtor.
Komprehensyon Sa Mga Kagamitang Di-Verbal Ng Mga Mag-Aaral Sa
Unang Taon Ng Benguet State University / Janet B. Mede. 2006




21


Ang isang taong umaayon sa teoryang bottom-up ay naniniwala na
ang pagbasa ay pagkilala ng mga salita at ang teksto ang
pinakamahalagang salik sa pagbasa. Kung ilalapat ang kaisipang ito sa
mga ginagawa sa loob ng klasrum, makikita ito sa paggamit ng mga
phonics drill at pagsusuring istruktural bilang mga tampok na istratehiya
sa pagtukoy ng mga salita at paggamit ng mga flash cards sa pagsasanay
para sa pagkilala ng salita o parirala.

Ang teoryang iskema ay paglilinaw sa organisasyon at pag-iimbak
ng dating kaalaman at karanasan. Ang lahat ng natutuhan at nararanasan
ay nakalagak sa isipan at maayos na nakalahad ayon sa kategorya. Ang
mga iskemang ito ay patuloy na nadaragdagan, nalilinang, napauunlad at
nababago at ginagamit natin sa pag-uugnay ng anumang bagong
karanasan. Bawat bagong impormasyon ay nagpaparagdag sa dati nang
iskema. Sa kasalukuyang pananaw sa pagbabasa, bago pa man din
basahin ang teksto, ang mambabasa ay may ideya na sa nilalaman nito
batay sa taglay niyang iskema sa paksa. Binabasa ang teksto upang
patunayan kung tama ang hinuha o hula, may kulang o dapat na baguhin.
Dahil sa ganitong kalagayan masasabing ang teksto ay input lamang sa
proseso ng pagbubuo ng kahulugan. Hindi ang tekstong nabubuo sa
isipan ng mambabasa (Pearson, 1982).

Ayon sa teoryang ito, ang teksto ay nagbibigay lamang ng
Komprehensyon Sa Mga Kagamitang Di-Verbal Ng Mga Mag-Aaral Sa
Unang Taon Ng Benguet State University / Janet B. Mede. 2006




22

direksyon sa nakikinig o mambabasa kung paano nila gagamitin o paano
bubuo ng pagpapakahulugan mula sa kanilang dating kaalaman. Ang
dating kaalaman ay tinatawag na sanligang kaalaman ng mambabasa at
ang kanyang balangkas ng dating kaalaman ay tinatawag na iskemata
(Rumelhart, 1976).

Ayon pa rin kay Rumelhart, ang bawat iskema ay naghahawan ng
landas tungo sa pag-unawa ng bagong impormasyon. Ang ating iskema
ang tumitiyak kung paano mapakakahulugan ang bagong impormasyon.
Kaya’t ang isang mambabasa, bago pa man niyang matapos basahin ang
isang teksto ay may ideya o hinuha na siya sa nilalaman niyon batay sa
kanyang iskema. Binabasa niya ang kabuuan ng teksto upang
mapatunayan kung ang kanyang hinuha ay wasto o may pagkukulang pa
o kaya’y may dapat baguhin o idagdag.

Binibigyan diin ng teoryang interaktib ang pag-unawa bilang isang
proseso at hindi isang produktibo. Ang kahulugan ng binabasa ay hindi
lamang masusumpungan sa teksto. Kasama ang mambabasa sa
pagbibigay ng kahulugan. Kaya mahalaga ang dati niyang kaalaman,
pamilyaridad sa wikang ginamit ng awtor sa talasalitaang ginamit at sa
wikang ginamit ng awtor, sa talasalitaang ginamit at sa konseptong
inihahatid ng awtor sa teksto. Umaasa ang awtor at mambabasa na sila
ay magkakaunawaan dahil sa iisa ang kanilang wikang ginagamit, may
Komprehensyon Sa Mga Kagamitang Di-Verbal Ng Mga Mag-Aaral Sa
Unang Taon Ng Benguet State University / Janet B. Mede. 2006




23

mensaheng inihahatid, talasalitaan, konsepto at kapaligiran kaya kung
hindi ito matutupad, masisira ang komunikasyon nilang dalawa. Kung
maraming hinihingi ang awtor na hindi maibibigay ng mambabasa, hindi
lubusang matatanggap ang mensaheng inihahatid. Sa kabilang dako,
kung kulang ang kakayahan ng mambabasa hindi niya matatanggap nang
lubusan ang mensahe.

Inaasahan din na gagamit ang guro ng iba’t ibang uri ng teksto sa
pagtuturo ng pagbasa ng mga verbal at di-verbal na kagamitan. Ang iba’t
ibang uri ng teksto ay makatutulong hindi lamang sa pagpapalawak ng
bokabularyo at kayarian ng wika. Nagagawa rin nitong maitaguyod ang
paglalapat ng mga kasanayan sa pagbasa sa iba’t ibang layunin ng
komunikasyon. Kailangang hikayatin ng guro ang mga mag-aaral na
magkusa sa pagbabasa (Badayos, 1999).

Ang pagbasa hindi lamang pag-unawa sa verbal na kagamitan
kundi pati na rin sa mga di-verbal na kagamitan tulad ng grap, dayagram,
ilustrasyon, simbolo at larawan upang malinang ang iba’t ibang
kasanayan ng mag-aaral na magagamit niya sa pagbabasa ng iba pang
teksto.

Ang pagbasa ay isang aktibong gawain. Masasabing interaktib
dahil ang sinasabi ng isa ay nakaiimpluwensya sa sasabihin ng kausap.
Ang interaksyon sa pagbasa ay kakaiba dahil laging nakikita ang awtor.
Komprehensyon Sa Mga Kagamitang Di-Verbal Ng Mga Mag-Aaral Sa
Unang Taon Ng Benguet State University / Janet B. Mede. 2006




24

Hindi niya malaman ang bahagi ng teksto na nagdudulot ng kahirapan.
Inayos lamang niya ang teksto ayon sa pangkalahatang perspektiba ng
mambabasa.

Sa kabilang dako, ang mambabasa naman ay may pagkakataong
makapag-isip, tingnan at basahing muli ang mahihirap na bahagi ng
teksto. Kailangang maging obhetibo sa pagkilala ng pagkakaiba ng
pananaw nito at ng awtor. Magagawa niya ito sa pamamagitan ng
pagsasaalang-alang at pagtitimbang ng lahat ng mga katibayan, pagpili ng
mga salita at detalye, pag-unawa sa kabuuan ng teksto at iba pa.
Mahalaga ito upang makuha ang mensaheng nais matanggap bilang
mambabasa (Perfectti, 1981). Ang lahat ng mga nabanggit ay umaayon
din sa pagbabasa sa mga di-verbal na kagamitan.
Ipinaliwanag ni Eskey (1986), na ang pagbasa ay kognitib. Ito ay
paggamit ng taglay na kaalaman ng mambabasa kaya habang
nagbabasa nagkakaroon na siya ng mga prediksyon sa pagbibigay
interpretasyon at pag-unawa sa kabuuan ng teksto.

Ayon kay Bernstein (1963) sa pagbanggit ni Sison (1997) maganda
ang pakikipag-interaksyon ng mga bata sa binabasa dahilan sa
nauunawaan nila ang materyal, samakatuwid nakapagpapahayag ang
mga mag-aaral sa pamamagitan ng paggamit ng mga awtentikong
materyal – gaya ng larawan, tsart, grap at iba pa.
Komprehensyon Sa Mga Kagamitang Di-Verbal Ng Mga Mag-Aaral Sa
Unang Taon Ng Benguet State University / Janet B. Mede. 2006




25

Lapit sa Pagsusulit ng Wika

Totoong ang pagbibigay ng pagsusulit ay isang matipid na paraan
sa pag-alam kung anong mga pagkatuto ang taglay ng mga mag-aaral.
Subalit sahol ito sa maraming bagay lalo na iyong mahahalagang aspekto
ng wika na kailangan sa pakikipagtalastasan. Karaniwang makikita sa
mga pagsusulit ang mga sitwasyong malayo sa tunay na gamit ng wika.
Ang pagsusulit na maraming pagpipiliian at cloze ay ilan lamang sa mga
ito. Maraming pagpipiliang sagot ngunit sa pakikipagtalastasan ay halos
wala. Sa ating pagtuturo laging isaisip ang realidad ng pagkatuto at ang
mga sitwasyong paglalapatan ng mga kasanayan at wikang natutuhan.

Sa pamamagitan ng mga di-verbal na kagamitan tulad ng tsart,
larawan, grap, simbolo, ilustrasyon at dayagram ay naipahahayag nang
mabuti ng mga mag-aaral ang kanilang kaisipan at makabubuo ng mga
konsepto base sa mga ito.

Ayon kay Davies (1978), binibigyang pansin ang pagsusulit ng wika
ayon sa konteksto at kahulugan at sa kabuuang pangkomunikatibong
aspekto ng kurso o pahayag. Samakatuwid, ang mga pagsusulit na
integratibo ay hindi naglalayong inihihiwalay ang bawat kasanayan nang
sabay-sabay. Ang pagsusulit na integratibo ay nauukol sa pagkakaroon
ng global o kabuuang kakayahan sa wika gayun din sa pagiging rasyunal
ng wika.
Komprehensyon Sa Mga Kagamitang Di-Verbal Ng Mga Mag-Aaral Sa
Unang Taon Ng Benguet State University / Janet B. Mede. 2006




26


Sinusukat ang pangkalahatang kasanayan sa wika. Ayon kay Oller
(1979), ang kakayahang pangwika ay isang nagkakaisang set ng
magkakaugnay na abilidad o kakayahan at hindi dapat himay-
himaymayin.

Ang lapit komunikatibo naman ay nagbibigay diin unang-una sa
kung paano ginagamit ang wika sa komunikasyon. Ang layunin ay
naiaaangkop ang mga gawaing pangwika sa tunay na mga nangyayari sa
buhay ng mga mag-aaral. Ang tagumpay sa pagkatuto ay makikita sa
pagiging epektibo ng komunikasyong isinasagawa sa halip na pagiging
tama sa istruktura. Ang gamit ng wika ang mahalaga sa halip na
pagkakaroon ng kaalamang sa gamit ng mga kayarian ng wika (Weir,
1990).

Ayon naman kay Lado (1961), sa pagsusuring konstraktibo ng
katutubong wika at ang target na wika ay makikilala o matutukoy ang
suliranin sa pag-aaral ng target na wika. Kaugnay ito ng mga nasa
istruktural na linggwistiks, partikular sa kahalagahan ng konstraktibong
pag-aanalisa ng wika at pagtukoy at pagtataya sa kasanayan ng mga
mag-aaral sa magkakahiwalay na elemento ng target na wika tulad ng
ponolohiya, bokabularyo at balarila. Ang kasanayan sa pakikinig,
pagsasalita, pagbasa at pagsulat ay hiwa-hiwalay rin na sinusubok sa
dahilang layuning masubok ang mga ito nang isa-isa. Sa paggamit ng
Komprehensyon Sa Mga Kagamitang Di-Verbal Ng Mga Mag-Aaral Sa
Unang Taon Ng Benguet State University / Janet B. Mede. 2006




27

mga di-verbal na kagamitan mahahasa ang mga bata sa pagsasalita,
pagbabasa, pagsulat at pati na rin sa pakikinig.

Ang mga katangiang ito ng lapit istruktural ay balido para sa ilang
uri ng pagsusulit at sa layuning ito. Halimbawa, sa layuning masubok ang
kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsulat, inihihiwalay ang pagsusulat ng
komposisyon sa pagbasa.

Kaugnay ng Lokal na Pag-aaral

Natuklasan ni Dacanay (2000) sa kanyang pag-aaral na kasiya-siya
ang lebel ng perpormans ng mga respondente sa pag-unawa sa mga di-
verbal na materyal.

Ayon sa kasarian ng mga mag-aaral mas mataas ang perpormans
ng mga babae kaysa sa mga lalaki; sa pinagtapusang paaralan sa
hayskul, ang mga mag-aaral na nakatapos sa pribadong paaralan ay
nakakuha ng mataas na perpormans sa mga dayagram, grap at
talahanayan samantalang sa mga mag-aaral na nakatapos sa
pampublikong paaralan ay mataas sa flowchart. Walang kaugnayan ang
mga babasahin sa bahay sa performans ng mga mag-aaral sa pag-unawa
nila sa mga di-verbal na materyal.

Magkapareho ang pag-aaral ni Dacanay sa pananaliksik na ito. Ito
ay sa wikang Filipino samantalang kay Dacanay ay sa wikang Ingles.
Komprehensyon Sa Mga Kagamitang Di-Verbal Ng Mga Mag-Aaral Sa
Unang Taon Ng Benguet State University / Janet B. Mede. 2006




28


Sa pag-aaral naman ni Sison (1997), natuklasan niyang
nahihirapan sa pag-unawa ang mga mag-aaral sa teksto ng
editoryal ngunit magagaling sa mga editoryal karton.

Pinapatunayan ng pag-aaral ni Sison na mas nauunawaan ng mga
mag-aaral ang mga larawan kaya malaya nilang naipapahayag ang
kanilang kaisipan.

May pagkakapareho ang pag-aaral ni Sison sa pag-aaral na ito.
Ang gagamitin sa pagtuklas sa komprehensyon ng mga mag-aaral ay mga
di-verbal na kagamitan tulad ng larawan, grap at drowing.

Ang ginamit naman ni Ticong (1999) sa kanyang pag-aaral upang
matuklasan ang komprehensyon ng mga mag-aaral sa ikaapat na taon ng
Benguet ay mga patalastas. Natuklasan niyang nahihirapan ang mga
mag-aaral sa bokabularyo ngunit madali sa kanila ang literal na pag-
unawa sa mga awtentikong materyal gaya ng larawan, tsart, grap at iba
pa.

Walang makabuluhang pagkakaiba sa perpormans ng mga mag-
aaral sa komprehensyon sa mga di-verbal na materyal ayon sa mga uri ng
babasahin sa kanilang bahay. Lumabas sa kanyang pag-aaral na ang uri
ng babasahin ay hindi garantiya sa mataas na perpormans ng mga mag-
aaral.

Gumamit din si Casingal (2000) ng mga drowing sa kanyang pag-
Komprehensyon Sa Mga Kagamitang Di-Verbal Ng Mga Mag-Aaral Sa
Unang Taon Ng Benguet State University / Janet B. Mede. 2006




29

aaral upang masubok ang komprehensyon ng mga mag-aaral na
kumukuha ng pagkainhenyero at arkitektura. Pareho niyang ginamit ang
mga di-verbal na materyal sa mga kursong ito.

Balangkas ng Teorya

Ang pag-aaral na ito ay ibinatay sa iba’t ibang teorya ng wika – ang
linggwistika, sosyolinggwistika at sikolinggwistika gayun din sa teorya ng
pagbasa. Ito ay makikita sa Fig. 1. Maliban sa mga teorya bilang input ng
pag-aaral ipinasagot sa mga mag-aaral ang mga tanong hango sa mga di-
verbal na kagamitan. Tinalakay din ang mga varyabol na may kinalaman
sa pag-aaral: ang unang wika, kasarian, eksposyur sa midya at
pinagtapusang paaralan sa hayskul.

Sa proseso naman sinuri ang kinalabasan ng pagsusulit sa
komprehensyon ng mga mag-aaral sa mga kagamitang di-verbal na;
tinukoy ang antas ng kanilang performans kung mataas ang performans,
may performans, katamtaman ang performans, bahagya ang performans
o walang performans; at ang kaugnayan ng mga varyabol sa kanilang
komprehensyon sa mga kagamitang di-verbal.

Tinukoy naman sa output ang komprehensyon sa mga kagamitang
di-verbal ng mga mag-aaral at antas ng kanilang performans . Tinalakay
rin ang kaugnayan ng mga varyabol sa komprehensyon sa mga
kagamitang di-verbal ng mga mag-aaral.
Komprehensyon Sa Mga Kagamitang Di-Verbal Ng Mga Mag-Aaral Sa
Unang Taon Ng Benguet State University / Janet B. Mede. 2006




30

INPUT

A. Teorya sa Wika
Linggwistika
Sosyolinggwistika
Sikolinggwistika
B. Teorya sa Pagbasa
C. Pagsusulit
D. Talatanungan
E. Varyabol
1. Unang Wika
2. Kasarian
3. Eksposyur sa midya
4. Pinagtapusang
paaralan sa hayskul

PROSESO
Pagsusuri sa:
A. Komprehensyon sa mga kagamitang di-verbal
ng mga mag-aaral.
B. Antas ng performans sa komprehensyon sa mga
kagamitang di-verbal ng mga mag-aaral.
a. mataas ang komprehensyon
b. may komprehensyon
c. katamtaman ang komprehensyon
d. bahagya ang komprehensyon
e. walang komprehensyon
C. Kaugnayan ng mga varyabol sa komprehensyon
sa mga kagamitang di-verbal mga mag-aaral .

OUTPUT

Pagkilala sa:
A. Komprehensyon ng mga mag-aaral sa mga kagami-
tang di-verbal.
B. Antasngperformanssakomprehensyonsamga
kagamitang di-verbal ng mga mag-aaral.
C. Kaugnayan ng mga veryabol sa pag-unawa ng mga
mag-aaral sa mga di-verbal na kagam

Fig. 1. Paradim ng Pag-aaral sa Komprehensyon sa mga Kagamitang
Di-Verbal ng mga Mag-aaral
Komprehensyon Sa Mga Kagamitang Di-Verbal Ng Mga Mag-Aaral Sa
Unang Taon Ng Benguet State University / Janet B. Mede. 2006




31

Katawagan ng mga Kagamitan
sa Pag-aaral
Ang mga mahahalagang katawagan na ginamit sa pag-aaral ay
binigyan ng katuturan upang maunawaan ng mga babasa at upang may
patnubay ang mga kinauukulan sa hinaharap.
Antas. Tumutukoy sa performans sa pag-unawa sa mga di-verbal
na kagamitan.
Antas
ng
Edukasyon. Ito ay tumutukoy kung ang respondente ay
nakatapos sa mataas na paaralan, nasa kolehiyo o nakatapos ng kurso
(Tibangay, 2000).
Baryasyon sa Pagtuturo. Pagkakaiba-iba ng paraan ng pagtuturo.
Berbal na Komunikasyon. Pakikipagtalastasan sa paraang pasulat
o pasalita (Lachica, 1994).
Dayagram. Binubuo ito ng mga palaso o direksyonal na guhit na
nagpapakita ng relasyon o daloy ng proseso o hakbang (Bilgera, 1986 sa
pagbanggit ni Dacanay, 2000).
Di-Berbal na Komunikasyon. Pakikipagtalastasan sa pamamagitan
ng kilos o galaw ng bahagi ng katawan (Nunan, 1985).
Discourse Competence. May kinalaman sa pag-unawa hindi ng isa-
isang pangungusap kundi ng buong diskurso. Ito ay kakayahang bigyan
ng interpretasyon ang isang serye ng mga napakinggang pangungusap
Komprehensyon Sa Mga Kagamitang Di-Verbal Ng Mga Mag-Aaral Sa
Unang Taon Ng Benguet State University / Janet B. Mede. 2006




32

upang makagawa ng isang makabuluhang kahulugan. (Canale at Swain,
1980 sa pagbanggit ni Tomas, 2004).
Gramatika. Ang simulain at tuntunin sa paggamit ng isang wika
(Lachica, 1999).
Grap. Nagpapakita ng pagkakaugnay ng malinaw na balangkas ng
ugnayan ng dalawa o higit pang bilang ng mga bagay o pangyayari.
Ginagamit ito sa paglalahad ng istadistika sa pamamagitan ng tulduk-
tuldok, linya, bilog, hanay o mga larawan. (UP Diksyunaryong Filipino,
2001).
Ilustrasyon. Pagbibigay-linaw sa anumang paksa sa pamamagitan
ng mga larawan, disenyo o mga halimbawa. (UP Diksyunaryong Filipino,
2001).
Interaksyon. Palitan ng kuru-kuro sa loob sa silid-aralan.
Interpretasyon. Pagbibigay kahulugan o paliwanag sa isang
pahayag.
Iskemata. Nauukol sa pag-uugnay ng sariling karanasan sa
binabasa (Badayos, 1999).
Kagamitan. Anumang instrumento na ginagamit para mapadali ang
pagtuturo at pagkatuto UP Diksyunaryong Filipino, 2001).
Komprehensyon Sa Mga Kagamitang Di-Verbal Ng Mga Mag-Aaral Sa
Unang Taon Ng Benguet State University / Janet B. Mede. 2006




33

Kakayahan. Pagkakaroon ng kaalaman at karunungan sa mga
teoritikal na tuntunin kaugnay ng mga antas sa pag-unawa sa pagbasa
(Buensuceso, 1990).
Kakayahan sa Pagbasa. Tumutukoy ito sa mga natipong kaalaman
sa pagbasa.
Kakayahang Komunikatibo. Ang pokus sa pagtuturo ay mensahe,
magkapantay nang isinaalang-alang ang porma at mensahe. Kakayahan
ng mga mag-aaral na umunawa sa mga verbal at di-verbal na
impormasyon (Nunan, 1985 sa pagbanggit ni Dacanay, 2000).
Kasarian. Tumutukoy kung babae o lalaki ang isang tao.
Komunikasyon. Proseso ng pagbibigay at pagtanggap ng
impormasyon, kaalaman, kaisipan pati na ang mga saloobin, impresyon,
kuru-kuro at damdamin (Resuma, 2002).
Kultura. Kabuuang kaisipan, kaugalian, o tradisyon ng isang
bayan.

Kumbinasyon. Ito ay paraan ng pagpapahayag na gumagamit ng
verbal at di-verbal na paraan.
Kurikulum. Listahan ng kurso o araling pinag-aaralan para
gumradweyt (UP Diksyunaryong Filipino, 2001).

Larawan. Representasyon o imahe bilang produkto ng sining (UP
Diksyunaryong Filipino, 2001).

Komprehensyon Sa Mga Kagamitang Di-Verbal Ng Mga Mag-Aaral Sa
Unang Taon Ng Benguet State University / Janet B. Mede. 2006




34

Linggwistika. Ang makaagham na pag-aaral ng wika ( Lachica,
1994.)
Lingguistic
Competence. Kakayahang umunawa at makabuo ng
istruktura sa wika na sang-ayon sa tuntunin ng gramatika (Canale at
Swain (1980) sa pagbanggit ni Tomas (2004).
Magasin. Babasahing nagtataglay ng iba’t ibang uri ng lathalain at
karaniwang lumalabas minsan sa isang Linggo (UP Diksyunayong
Filipino, 2001).
Mapa. Diyagramatikong representasyon ng isang ruta o pook (UP
Diksyunaryong Filipino, 2001).

Mensahe o Pahayag. Ang kaisipang nais ipahayag ng nagsasalita.
Midya. Pangunahing sangay ng komunikasyong komunikasyong
pangmadla tulad ng pahayagan, magasin, telebisyon, radyo at motion
picture (UP Diksyunaryong Filipino , 2001).
Pagpapahayag. Paraan ng pagpapahayag ng mensahe, verbal o
di-verbal.
Pahayagan. Babasahing nagtataglay ng iba’t ibang uri ng lathalain
at karaniwang lumalabas araw-araw (UP Diksyunaryong Filipino, 2001).
Pagbasa. Ang pagbasa ay pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa
mga nakalimbag na sagisag (Belvez et al. 1990).
Komprehensyon Sa Mga Kagamitang Di-Verbal Ng Mga Mag-Aaral Sa
Unang Taon Ng Benguet State University / Janet B. Mede. 2006




35

Pagkatuto. Pagtatamo ng kaalaman, karunungan o kasnayan sa
pamamagitan ng pag-aaral ng karanasan (Diksyunaryo ng Wikang Pilipino
– Sentinyal na Edisyon, 1998).
Pagsusulit. Set ng katanungan na inilaan upang mabatid ang
kahusayan ng isang tao (UP Diksyunayong Filipino, 2001).
Pag-unawa. Tumutukoy ito sa kalagayan o gawi ng tao upang
maunawaan ang kahulugan ng mga nakalimbag o napakinggang salita
(Matute, 1998).
Pasalita. Paraang pagpapahayag ng kaalaman, saloobin at
damdamin sa pamamagitan ng mga tunog.
Pasulat. Pagpapahayag ng kaalaman, saloobin at damdamin sa
pamamagitan ng titik o nakalimbag na salita.
Performans. Tumutukoy sa pagkaganap ng antas ng pagsubok sa
pag-unawa sa pagbasa.
Radyo. Aparatong ginagamit sa pagtanggap, pagbrodkast o
pagpapadala ng senyas na panradyo (UP Diksyunaryong Filipino, 2001).
Sikolinggwistika. Ito ay pag-aaral ng wika kaugnay ng sikolohiya
(Canale at Swain, 1980 sa pagbanggit ni Tomas, 2000).
Simbolo. Salita, parirala, hulagway o katulad na may masasalimuot
na kaugnay na kahulugan at itinuturing na halagang likas at hiwalay sa
kinakatawan nito (UP Diksyunarayong Filipino, 2001).
Komprehensyon Sa Mga Kagamitang Di-Verbal Ng Mga Mag-Aaral Sa
Unang Taon Ng Benguet State University / Janet B. Mede. 2006




36

Sosyolinggwistika. Ito ay tumutikoy sa pag-aaral ng wika ayon sa
kontekstong gamit.
Strategic Competence. Istratehiyang ginagamit upang matakpan
ang mga imperpektibong kaalaman ng isang tao sa wika (Canael at
Swain, 1980 sa pagbanggit ni Tomas, 2004).
Talahanayan. Isang ayos ng mga salita, bilang o senyas o
kumbinasyon ng mga ito, gaya ng magkaagapay na mga kolum o pitak
upang itanghal ang set ng impormasyon o ugnayan sa isang tiyak, kinipil
at komprehensibong anyo (UP Diksyunaryong Filipino, 2001).
Teksto. Ito’y tumutukoy sa mga materyal na sadyang ibinigay sa
mag-aaral para sa kanilang mga aralin sa pagbasa (Barreras, 2002).
Telebisyon. Sistema o proseso ng pagpapahatid ng mga hulagway
o eksena sa pamamagitan ng pagbabago ng sinag ng liwanag tungo sa
elektronikong impulso na muling binago tungo sa sinag elektron ng
tumatanggap sa set upang lumitaw ang orihinal sa skrin nito UP
Diksyunaryong Filipino, 2001).
Teorya. Isang palagay o sistema ng mga ideyang nagpapaliwanag
sa ilang bagay, lalo na nakabatay sa pangkalahatang mga prinsipyo at
hindi nakasalig sa mga partikular na bagay UP Diksyunaryong Filipino,
2001).
Komprehensyon Sa Mga Kagamitang Di-Verbal Ng Mga Mag-Aaral Sa
Unang Taon Ng Benguet State University / Janet B. Mede. 2006




37

Tsart. Kagamitang nagpapahayag ng ideya sa pamamagitan ng
linya, hugis, larawan at krosis sa anumang paksa (UP Diksyunaryong
Filipino, 2001).
Unang
wika. Ang wikang unang natutuhan sa tahanan mula sa mga
kasambahay sa edad na anim o pito bago pumasok sa unang baitang.
May ganap nang kaalaman ang isang tao tungkol sa kanyang unang wika.
Varyabol. Sagisag para sa isang tiyak na kasama sa isang uri ng
bagay (UP Diksyunaryong Filipino, 2001).


Wika. Isa sa mga kasangkapang ginagamit ng tao sa kanyang
pakikisalamuha sa kapwa.

Haypotesis
Inaasahang malulutas ang mga suliranin sa mga sumusunod na
haka-haka:
1. May komprehensyon sa mga kagamitang di-verbal ang mga
mag-aaral.
2. May makabuluhang pagkakaiba sa performans sa kompre-
hensyon sa mga kagamitang di-verbal ng mga mag-aaral.

3. Ang komprehensyon sa mga kagamitang di-verbal ng mga mag-
aaral ay may kaugnayan sa mga sumusunod na varyabol:

a. unang wika
b. kasarian
Komprehensyon Sa Mga Kagamitang Di-Verbal Ng Mga Mag-Aaral Sa
Unang Taon Ng Benguet State University / Janet B. Mede. 2006




38

c. eksposyur sa midya
d. pinagtapusang paaralan sa hayskul


















Komprehensyon Sa Mga Kagamitang Di-Verbal Ng Mga Mag-Aaral Sa
Unang Taon Ng Benguet State University / Janet B. Mede. 2006

PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK


Kinaganapan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral ay ginanap sa Benguet State University. Ito ay
matatagpuan sa La Trinidad, Benguet. Pinagtuunan ng pansin ang pag-
aaral na ito ang mga mag-aaral na nakapagtala sa kursong teknikal.

Mga Respondente

Ang mga respondente ay mga mag-aaral na nakapagtala sa
kursong BSA, BSAB, BSDC, BSF at BSAENG’G. Ginamit ang random
sampling.
Makikita sa Talahanayan 1 ang profile ng mga respondenteng
mag-aaral. Sa kasarian, ang mga lalaki ay binubuo ng 182 (50.6%) at
ang mga babae ay 178 (49.4%). Sa pinagtapusang paaralan sa hayskul,
ang mga mag-aaral na nagtapos sa pribadong paaralan ay binubuo ng
53 (14.7%) at sa publikong paaralan ay 307 (85.3%). Makikita pa rin sa
talahanayan ang bilang at bahagdan ng kanilang unang wika. Sa wikang
Kankanaey ito ay may bilang na 222 (61.7%), Ibaloi 62 (17.2 %), Ilokano
63 (17.5%), Tagalog 8 (2.2%), Kalinga at Kalanguya 1 (0.3%) at Tuwali 3
(0.8%). Ito ay may kabuuang 360 (100%).
Matutunghayan sa Talahanayan 2 ang eksposyur sa midya ng mga
mag-aaral. May kabuuang 257 (71.4%) ang mga mag-aaral na nagbabasa
Komprehensyon Sa Mga Kagamitang Di-Verbal Ng Mga Mag-Aaral Sa
Unang Taon Ng Benguet State University / Janet B. Mede. 2006


40
Talahanayan 1. Profile ng mga Respondenteng Mag-aaral.

DETALYE

BILANG NG RESPONDENTE
BAHAGDAN (%

KASARIAN


Lalaki
182
50.6
Babae
178
49.4


UNANG WIKA

Kankanaey
222

67.7
Ibaloi


62
17.2
Ilokano 63



17.5
Tagalog



8


2.2
Kalinga


1



0.3
Kalanguya



1


0.3
Tuwali


3



0.8

PAARALANG PINAGTAPUSAN SA HAYSKUL




Pribado

53
14.7
Publiko


307


85.3

KABUUAN
360
100.00


ng pahayagan, 93 (25.8%) sa magasin, 217 (60.3%) sa mga nanonood
ng telebisyon at 181 (50.3%) ang mga nakikinig sa radyo.

Paraan ng Pananaliksik


Ipinasagot sa mga mag-aaral ang pagsusulit na ginamitan ng
mgakagamitang di-verbal upang matukoy ang kanilang
komprehensyon. Tinukoy rin ang antas ng kanilang performans. Ito
ay nakilala sa pamamagitan ng paggamit ng limang puntong pagpapasya:
Komprehensyon Sa Mga Kagamitang Di-Verbal Ng Mga Mag-Aaral Sa
Unang Taon Ng Benguet State University / Janet B. Mede. 2006


41
Talahanayan 2. Eksposyur sa midya ng mga mag-aaral.

MIDYA
BILANG NG MGA RESPONDENTE BAHAGDAN (%)

Pahayagan
257
71.4
Magasin


93
25.8
Telebisyon

217



60.3
Radyo


181



50.3




1 – mataas ang komprehensyon – nauunawaan agad ang mga
kagamitang di-verbal ;

2 – may komprehensyon – may komprehensyon sa mga
kagamitang di-verbal;

3 – katamtaman ang komprehensyon – sapat ang komprehensyon
sa mga kagamitang di-verbal ;

4 – bahagya ang komprehensyon – kaunti ang komprehensyon
sa mga kagamitang di-verbal;
5 – walang komprehensyon - walang komprehensyon sa mga
kagamitang di-verbal.

Ginamit ang palarawang disenyo ng pananaliksik upang matukoy at
masuri ang komprehensyon at performans sa mga kagamitang di-verbal
ng mga mag-aaral. Tinukoy rin ang kaugnayan ng mga
varyabol sa kanilang komprehensyon tulad ng unang wika,
Komprehensyon Sa Mga Kagamitang Di-Verbal Ng Mga Mag-Aaral Sa
Unang Taon Ng Benguet State University / Janet B. Mede. 2006


42
kasarian, eksposyur sa midya at pinagtapusang paaralan sa
hayskul.

Sa pagtukoy sa komprehensyon sa mga kagamitang di- verbal
ng mga mag-aaral ginamit ang antas na:

94 – 100 – nauunawaan agad ang mensaheng ipinapahayag ng di-
verbal na kagamitan;

87 – 93 – may kahusayan sa komprehensyon sa mensaheng
ipinahahayag ng di-verbal na kagamitan;

80 86 – katamtaman ang komprehensyon sa mga mensaheng
ipinahahayag ng mga di-verbal na kagamitan;

73 – 79 – di – gaanong nauunawaan ang mensaheng ipinahahayag
ng di-verbal na kagamitan at;

72 pababa – di – nauunawaan ang mensaheng ipinahahayag ng di-
verbal na kagamitan.

Upang matukoy ang antas performans sa komprehensyon sa mga
kagamitang di-verbal ginamit ang limang eskalang pagpapasya:

5 – mataas ang komprehensyon

4 – may komprehensyon

3 – katamtaman ang komprehensyon

2 – bahagya ang komprehensyon

1 – walang komprehensyon

Komprehensyon Sa Mga Kagamitang Di-Verbal Ng Mga Mag-Aaral Sa
Unang Taon Ng Benguet State University / Janet B. Mede. 2006


43
Pangungulekta ng Datos

Pinasagot sa mga mag-aaral ang 100 aytem na pagsusulit na
binubuo ng larawan na 30 aytem, tsart 15 aytem, 30 aytem na grap, 10
aytem na simbolo, 10 rin sa dayagram at 5 sa ilustrasyon. Gumamit ng
talatanungan ang mananaliksik upang makuha ang personal na
impormasyon ng mga respondente gaya ng unang wika, kasarian,
eksposyur sa midya at pinatagpusang paaralan sa hayskul.

Pagsusuring Estadistika

Ginamit ang pagbabahagdan sa pagkuha ng komprehensyon sa
mga kagamitang di-verbal ng mga mag-aaral. Upang matukoy ang antas
ng performans sa komprehensyon ng mga mag-aaral, ginamit ang 5
eskalang pagpapasya: 5 – mataas ang komprehensyon ; 4 – may
komprehensyon; 3 – katamtaman ang komprehensyon; 2 – bahagya ang
komprehensyon at 1 – walang komprehensyon. Ang X2 c (Chi-Square) ay
ginamit sa pagtukoy sa kaugnayan ng mga varyabol na kasarian, unang
wika, eksposyur sa midya at pinagtapusang paaralan sa hayskul.





Komprehensyon Sa Mga Kagamitang Di-Verbal Ng Mga Mag-Aaral Sa
Unang Taon Ng Benguet State University / Janet B. Mede. 2006

 
 
 
      
 
 
                                                                                                           44 
PAGTALAKAY SA RESULTA
 
 
 
Ang kabanatang ito ay nakatuon sa pagsusuri, interpretasyon,
resulta at pagtalakay sa mga datos. Ito ay umaayon sa tiyak na layunin
ng pag-aaral:
1. Masuri ang komprehensyon sa mga kagamitang di-verbal ng
mga mag-aaral.
2. Matukoy ang antas ng performans sa komprehensyon sa mga
kagamitang di-verbal ng mga mag-aaral.
3. Matukoy ang kaugnayan sa komprehensyon ng mga
kagamitang di-verbal ng mga mag-aaral ayon sa sumusunod na
varyabol:
a. kasarian
b. unang wika
c. eksposyur sa midya at
d. pinagtapusang paaralan sa hayskul.

Komprehensyon sa mga Kagamitang Di-Verbal
ng mga Mag-aaral

Sinuri ang komprehensyon sa mga kagamitang di-verbal ng mga
mag-aaral. Ito ay ibinigay sa pamamagitan ng pagsusulit. Ang mga
kagamitang di-verbal na ginamit sa pagsusuri ay larawan, tsart,
grap, simbolo, ilustrasyon at dayagram.
 
Komprehensyon Sa Mga Kagamitang Di-Verbal Ng Mga Mag-Aaral Sa
Unang Taon Ng Benguet State University / Janet B. Mede. 2006

 
 
 
      
 
 
                                                                                                           45 

Matutunghayan sa Talahanayan 3 ang komprehensyon sa mga
kagamitang di-verbal ng mga mag-aaral. Ayon sa talahanayan, walang
nakakuha sa antas na 94 - 100 at 87 - 93, 65 (18.7%) na mag-aaral
ang nakakuha sa antas 80 – 86. 32 (8.9%) sa antas na 73 - 79 at 263
(73.1%) sa antas na 72 pababa.

Hindi umaayon ang resulta ng pag-aaral sa pagmumungkahi ni Karl
(1988) na nakatutulong sa pagbibigay ng pagpapakahulugan at
pagpapahayag ng sariling kuru-kuro o kaisipan sa kahulugan ng isang
teksto ang mga larawan, grap, talahanayan at mapa.

Taliwas din ang resulta ng pag-aaral na ito sa sinabi ni Anderson
(1981), na ang isa sa mga dahilan ng pagkawala ng gana ng mga mag-
aaral sa pagbasa ay mga kagamitang hindi angkop sa kanilang interes.
Upang malutas ito bigyan sila ng mga material na umaayon sa kanilang
interes. Ito ay maaaring sa paggamit ng grap, tsart, talahanayan at mapa.
Ayon kay Badayos (1999), ang mga iba’t ibang teksto verbal o di-
verbal ay nakatutulong sa pagtuturo ng pagbasa. Ang mga ito ay
nakatutulong sa pagpapalawak ng talasalitaan at kayarian ng wika.
Nagagawa rin nitong maitaguyod ang paglalapat ng mga kasanayan sa
pagbasa sa iba’t ibang layunin ng komunikasyon. Hikayatin ng mga
guro ang mga mag-aaral na magkusa sa pagbabasa maaaring verbal
tulad ng mga maikling kwento, dula, nobela, tula atbp. at kagamitang di-
 
Komprehensyon Sa Mga Kagamitang Di-Verbal Ng Mga Mag-Aaral Sa
Unang Taon Ng Benguet State University / Janet B. Mede. 2006

 
 
 
      
 
 
                                                                                                           46 
Talahanayan 3. Komprehensyon sa mga Kagamitang Di-verbal ng
mga Mag-aaral.

ANTAS BILANG NG RESPONDENTE BAHAGDAN

94 - 100



0



0
87 - 93



0



0
80 - 86



65



18.1
73 – 79



32



8.9
72 pababa


32



73.1


KABUUAN
360





100

verbal gaya ng larawan, tsart, grap, dayagram, simbolo at ilustrasyon.
Upang maabot ang kakayahang pag-unawa ng mga mag-aaral
iminumungkahi ni Karl (1988), na ipahayag sa sariling kuru-kuro o
kaisipan ang kahulugan ng teksto. Nakatutulong sa pagbibigay ng
pagpapakahulugan ang mga larawan, grap, talahanayan at mapa.
Nagaganyak na magpahayag ang mga mag-aaral na ginagamit ang
target na wika.

Iminungkahi rin ni Rivers (1978) na upang matuto ang mga mag-
aaral sa ikalawang wika, gumamit ng mga kagamitan na umaayon sa
kanilang pag-iisip. Ang mga ito ay mga tekstong ayon sa kanilang
pananaw (tradisyunal na materyal) tungo sa tekstong bilang proseso
 
Komprehensyon Sa Mga Kagamitang Di-Verbal Ng Mga Mag-Aaral Sa
Unang Taon Ng Benguet State University / Janet B. Mede. 2006

 
 
 
      
 
 
                                                                                                           47 
(awtentikong materyal) upang masubaybayan ang interaksyon ng
mambabasa at teksto.

Nagbigay si Belvez (1997) sa pagbanggit ni Palazo (2003), ng
ilang katangian ng mabuting pagtuturo. Ang pagtuturo ay payak at
madaling isagawa. Kayang isagawa ng guro at mag-aaral ang sunud-
sunod na hakbang ng pagkatuto at pagtuturo. Mabuti ang pagtuturo kung
magbibigay ng mabuting bunga o kahihinatnan, humuhubog sa kanilang
kakayahan at sila ang gumagawa sa mga gawain upang matuto. Ang
guro ay tagasubaybay, tagapayo at papasok lamang sa bahaging hindi na
kaya ng mag-aaral ang gawain.
Maraming mahahalagang bagay ang nagagawa ng komunikasyong
di-verbal. Maraming bagay at mensahe ang naihahatid sa pamamagitan
ng mga verbal at di-verbal na komunikasyon at may mga mensaheng higit
na nauunawaan nang hindi kailangan ng salita.
Ipinahahayag ng resulta na mababa ang komprehensyon sa mga
kagamitang di-verbal ng mga mag-aaral. Marami ang nakakuha ng 72
pababa. Sa 360 mag-aaral 263 ang nakakuha sa antas na ito. Sa
pagtuturo kailangang pagtuunan din ng pansin ang mga di – verbal na
kagamitan. Kung malalantad ang mga bata sa mga ito uunlad ang
kakayahan sa pag-unawa, sa ganito magiging matagumpay ang pagtuturo
at pagkatuto.
 
Komprehensyon Sa Mga Kagamitang Di-Verbal Ng Mga Mag-Aaral Sa
Unang Taon Ng Benguet State University / Janet B. Mede. 2006

 
 
 
      
 
 
                                                                                                           48 
Antas ng Performans sa Komprehensyon sa mga Kagamitang
Di-verbal ng mga mag-aaral

Ang ikalawang layunin ng pag-aaral ay matukoy ang antas ng
performans sa komprehensyon sa mga kagamitang di-verbal ng mga
mag-aaral. Ginamit ang limang antas ng pagpapasya: 5 – mataas ang
komprehensyon; 4 – may komprehensyon; 3 – katamtaman ang
komprehensyon; 2 – bahagya ang komprehensyon at; 1 – walang
komprehensyon at pagbabahagdan.

Antas ng Performans sa Komprehensyon
sa Larawan ng mga Mag-aaral

Matutunghayan sa Talahanayan 4 ang performans sa larawan ng
mga mag-aaral. Ayon sa kinalabasan ng pagsusuri, nanguna ang may
komprehensyon sa antas na 19 – 24 (66.1%) sa aytem na 30 ng
pagsusulit sa larawan. Pangalawa ay katamtaman ang komprehensyon sa
antas na 13 – 18 (20.0%), pangatlo ay mataas ang komprehensyon sa
antas na 25 – 30 (12.5%) at sumunod ang bahagya ang komprehensyon
sa antas na 4 – 6 (1.4%). Ang mean ng performans sa komprehensyon
sa larawan ng mga mag-aaral ay 21.

Ang resulta ng pag-aaral ay umaayon sa pag-aaral ni Ticong
(1999), na mas madaling nauunawaan ng mga mag-aaral ang mga
awtentikong materyal gaya ng larawan, tsart, grap at iba pa. Gayun din sa
pag-aaral ni Sison (1997), na mas nauunawaan ng mga mag-aaral ang
 
Komprehensyon Sa Mga Kagamitang Di-Verbal Ng Mga Mag-Aaral Sa
Unang Taon Ng Benguet State University / Janet B. Mede. 2006

 
 
 
      
 
 
                                                                                                           49 
Talahanayan 4. Antas ng Performans sa Komprehensyon sa Larawan


ng mga Mag-aaral.

ANTAS
BILANG NG RESPONDENTE
BAHAGDAN
25 – 30

45



12.5

19 – 24

238



66.1

13 – 18
72



20.0
7 – 12

5



1.4
6 pababa
0



0



KABUUAN 360 100.0

MEAN
21

Legend:
25 - 30 = 5 mataas ang komprehensyon


19 - 24
= 4 may komprehensyon
13 - 18
= 3 katamtaman ang komprehensyon
7 - 12
= 2 bahagya ang komprehensyon
6 pababa = 1 walang komprehensyon
mga larawan kaya malaya nilang naipahahayag ang kanilang
kaisipan.
Ayon kay Adler (1983), nagpapakahulugan ng isang libong salita
ang larawan. Tumutulong ito sa pagpapaliwanag kung bakit ang mga
tsart, dayagram at iba pang grapikong pantulong ay bahagi ng kalakaran
presentasyon. Sa katunayan, ang isang libong salita ay nagsasalita ng
bahagi ng kwento.
Ayon kay John (1996), sa pagbanggit ni Dacanay (2000), ang isa
sa pinakamahusay at pinakamadaling paraan sa pagpapahayag ng
kaisipan sa kapwa ay sa pamamagitan ng paglagay sa kaisipan sa
 
Komprehensyon Sa Mga Kagamitang Di-Verbal Ng Mga Mag-Aaral Sa
Unang Taon Ng Benguet State University / Janet B. Mede. 2006

 
 
 
      
 
 
                                                                                                           50 
anyong larawan. Likas sa taong madaling maganyak sa mga larawan at
simbolo. Kung may larawan sa pahina ng pahayagan, karaniwang
tinitingnan ito bago binabasa ang mga salita. Ipinaliliwanag nitong halos
saanman, ang mga larawan ay nakakukuha ng atensyon.

Ayon kay Nuttal (1982) at Adler (1986), ang mga di-verbal na
pahayag kapag isinasabay sa verbal na impormasyon ay magiging mas
mabisa at madaling maintindihan kaysa sa verbal na pahayag.

Sinabi naman ni Halliday (1973) sa pagbanggit ni Tomas (2004),
mahalaga rin ang di-verbal na komunikasyon dahil inilalantad o
ipinahihiwatig nito ang kalagayang emosyunal ng isang tao. Nililinaw din
ang kahulugan ng isang mensahe at pinanatili nito ang interaksyong
resiprokal ng mga tagapadala at tagatanggap ng mensahe.

Ayon kay Lachica (1998), maraming mahahalagang bagay ang
nagagawa ng komunikasyong di-verbal. Maraming bagay at mensahe ang
naihahatid sa pamamagitan ng mga verbal at di-verbal na komunikasyon
at may mga mensaheng higit na nauunawaan nang hindi kailangan ng
salita. Hindi pa rin maihihiwalay na pangkalahatang sistema ang di-verbal
na komunikasyon.

Mahalaga ang di-verbal na komunikasyon sapagkat inilalantad o
ipinahihiwatig nito ang kalagayang emosyunal ng isang tao, nililinaw nito
 
Komprehensyon Sa Mga Kagamitang Di-Verbal Ng Mga Mag-Aaral Sa
Unang Taon Ng Benguet State University / Janet B. Mede. 2006

 
 
 
      
 
 
                                                                                                           51 
ang kahulugan ng isang mensahe at pinanatili ang interaksyong resiprokal
ng tagapagdala at tagatanggap ng mensahe. (Tumangan, 2000).

Ipinahahayag ng resulta ng pag-aaral sa performans ng
komprehensyon sa larawan na nasa pagitan ng mataas at katamtaman.
Tunay na malaki ang tulong ng larawan sa pag-unawa ng mga
mag-aaral sa anumang paksa kaya’t hinihikayat ang mga guro sa
paggamit ng mga larawan sa paglinang sa komprehensyon ng mga mag-
aaral sa mga kagamitang di-verbal.

Antas ng Performans sa Komprehensyon
sa Tsart ng mga Mag-aaral
Matutunghayan sa Talahanayan 5 ang performans sa sa tsart ng
mga mag-aaral. Ayon sa kinalabasan ng pagsusuri mataas ang
komprehensyon sa tsart ng mga mag-aaral sa antas na 13 – 15 (63.6%)
sa 15 aytem na pagsusulit, sumunod ang may komprehensyon sa antas
na 10 – 12 (35%) at katamtaman ang komprehensyon sa antas na 7 – 9
( 1.4%). Walang nakakuha sa antas na 7 – 9, 4 – 6 at 1 – 3. Ito ay may
mean na 13.
Ipinapakahulugan ng resulta na nauunawaan kaagad ng mga mag-
aaral ang kaisipang ipinahahayag ng tsart. Mas mataas ang kanilang
kanilang performans sa tsart.
Ang resulta ng pag-aaral ay sumasang-ayon pa rin sa pag-aaral ni

 
Komprehensyon Sa Mga Kagamitang Di-Verbal Ng Mga Mag-Aaral Sa
Unang Taon Ng Benguet State University / Janet B. Mede. 2006

 
 
 
      
 
 
                                                                                                           52 
Talahanayan 5. Antas ng Performans sa Komprehensyon sa Tsart ng


mga Mag – aaral.

ANTAS
BILANG NG RESPONDENTE
BAHAGDAN

13 - 15


229


63.6

10 - 12


126


35.0
7 - 9


5


1.4
4 - 6


0


0
1 - 3 0 0




KABUUAN
360 100.0

MEAN
13


Legend
13 - 15 = 5 mataas ang komprehensyon
10 - 12 = 4 may komprehensyon
7 - 9 = 3 katamtaman ang komprehensyon
4 - 6 = 2 bahagya ang komprehensyon
1 - 3 = 1 walang komprehensyon
Sison (1997), na nauunawaan ng mga mag-aaral ang
awtentikong materyal kaysa sa salita lamang. Gayundin sa
natuklasan ni Ticong (1999), sa kanyang pag-aaral na ang mga
tsart, grap, larawan at iba pa ay madaling mauunawaan.
Ang mga kagamitang di-verbal ay makatutulong na maging kawili-
wili at mapanghamon ang talakayan. May mga gawain at baryasyon
ngunit naroroon ang maingat na pagsusunud-sunod ng aralin mula sa
madadali patungo sa mahihirap o masasalimuot na aralin, mula sa
manipulatibo patungo sa komunikatibo a t sa paraang lohikal, malinaw
at madaling nauunawaan.
 
Komprehensyon Sa Mga Kagamitang Di-Verbal Ng Mga Mag-Aaral Sa
Unang Taon Ng Benguet State University / Janet B. Mede. 2006

 
 
 
      
 
 
                                                                                                           53 
Ayon kay Breen (1987) sa pagbanggit ni sison (1997),
kinakailangan ng mga iba’t ibang uri ng kagamitan sa wika. Nahihikayat
na ipahayag ng mga mag-aaral ang kanilang abilidad sa pagpapahayag at
pagbibigay ng interpretasyon sa mga kagamitang di-verbal.

Ang kagamitang di-verbal ay nagpapahayag din ng
akikipagkomunikasyon. Ito ay isang paraan sa pagpapahatid ng isang
mensahe tulad ng paggamit ng grap, tsart, guhit, ilustrasyon at larawan.
May malaking kalamangan ang mga ito sa paggawa ng mensahe bilang
simbolo at simbolo sa mensahe.

Ayon kay Semorlan (1999) sa pagbanggit ni Tomas (2004), hindi
laging verbal ang komunikasyon, hindi laging pasulat o pasalita. Madalas
ginagamit ang mga di-verbal na anyo o kaya’y kumbinasyon ng mga
verbal o di-verbal na anyo ng komunikasyon.
Matatagpuan sa wika ang mga tanda o simbolo na nagkakaroon ng
kahulugan ayon sa gumagamit nito. Ang mga simbolo ay maaaring salita,
bilang, guhit, larawan o anumang hugis na kumakatawan sa konsepto.
Ang mga tao ay nabubuhay sa mga simbolo na kinokontrol naman nila.
Ang kakayahan ng taong kontrolin ang mga simbolo ay nagpapatangi sa
kanya sa iba pang nilikha (Sapir, 1961).
Ang magandang resulta ng performans ng mga mag-aaral sa tsart
ay katulad ng resulta ng pag-aaral ni Dacanay (2000), sa dahilang
 
Komprehensyon Sa Mga Kagamitang Di-Verbal Ng Mga Mag-Aaral Sa
Unang Taon Ng Benguet State University / Janet B. Mede. 2006

 
 
 
      
 
 
                                                                                                           54 
natuklasan niyang kasiya-siya ang performans ng kanyang mga
respondente sa pag-unawa sa tsart.

Antas ng Performans sa Komprehensyon
sa Grap ng mga Mag-aaral


Makikita sa Talahanayan 6 ang antas performans sa grap ng mga
mag-aaral. Base sa pagsusuri lumabas na nanguna ang ang may
komprehensyon sa antas na 19 – 24 (74.7%) sa aytem na 30 ng
pagsusulit sa grap. Pangalawa ay mataas ang komprehensyon sa antas
na 25 – 30 (17.2%), pangatlo ay katamtaman ang komprehensyon sa
antas na 13 – 13 (7.5%) at sumunod ang bahagya ang komprehensyon sa
antas na 7 – 12 (0.6%). Ang mean ng performans sa grap ng mga mag-
aaral ay 22.

Ayon sa kinalabasan ng pagsusuri ang antas ng performans ng
mga mag-aaral sa grap ay may pag-unawa. Tulad sa tsart madaling
nauunawaan ng mga mag-aaral ang kaisipang ipinahahayag ng grap.

Sinabi ni Joines (1979) sa pagbanggit ni Dacanay (2000), na ang
kakayahang komunikatibo ay abilidad sa pagsabi at pagtanggap ng

kagamitangmensahe. Kabilang dito ang paggamit ng mga kagamitang di-
verbal sa proseso ng komunikasyon. Nagbibigay ng mensahe ang mga
kagamitang di-verbal na tinatanggap at inuunawa naman ng mga mag-
aaral. Kung nakuha na ang mensaheng ipinapahayag nito ay
 
Komprehensyon Sa Mga Kagamitang Di-Verbal Ng Mga Mag-Aaral Sa
Unang Taon Ng Benguet State University / Janet B. Mede. 2006

 
 
 
      
 
 
                                                                                                           55 
Talahanayan 6. Antas ng Performans sa Komprehensyon sa Grap ng


mga Mag-aaral.

ANTAS
BILANG NG RESPONDENTE BAHAGDAN

25 – 30


62



17.2



19

24
269
74.7
13 – 18


27



7.5
7 – 12


2




0.6
6 pababa

0




0


KABUUAN
360
100.0
MEAN


22
Legend
25 – 30 =
5 mataas ang komprehensyon
19 – 24 =
4 may komprehensyon
13 – 18 =
3 katamtaman ang komprehensyon
7 - 12 =
2 bahagya ang komprehensyon
6 pababa
1 walang komprehensyon
nagkakaroon na ng komunikasyon.
Para maging mabisa ang komunikasyon ay mahalagang bigyang-
pansin ang mga katangian nito. Ang komunikasyon ay isang proseso ng
decoding. Ang proseso ng komunikasyon ay dinamiko at komplikado.
Dinamiko dahil minsan lamang itong kasangkot. Ang pagpapakahulugan
sa mensaheng pangnilalaman o mensaheng panlinggwistika at
mensaheng relasyunal o mensaheng di-verbal na nagpapahiwatig ng
damdamin o pagtingin sa kausap (Tumangan, 2000).
 
Komprehensyon Sa Mga Kagamitang Di-Verbal Ng Mga Mag-Aaral Sa
Unang Taon Ng Benguet State University / Janet B. Mede. 2006

 
 
 
      
 
 
                                                                                                           56 
Ayon kina Wilkins (1970) at Widdowson (1977) hindi sapat ang
kaalamang panggramatika upang magamit nang mabisa ang wika.
Kailangang isaalang-alang din ang ilang mahahalagang bagay tulad ng
kaangkupan ng sasabihin sa sitwasyong paggagamitan nito.
Naipahahayag nang mabuti ng mga mag-aaral ang kanilang
kaalaman sa paggamit ng wika sa tulong mga mga kagamitang di-verbal .
Ang mga ito ay nagsisilbing gabay nila sa pagpapahayag.

Ang isa sa mga dahilan ng pagkawala ng gana ng mga mag-aaral
sa pagbasa ay mga kagamitang hindi angkop sa kanilang interes. Upang
malutas ito, bigyan sila ng mga materyal na umaayon sa kanilang interes
tulad ng larawan, grap, tsart, talahanayan, ilustrasyon at mapa.

Ayon kay Cooper (1976) sa pagbanggit ni Sison (1997), ang
pagbasa ay aktibong prosesong mapanlikha na binibigyan ng
interpretasyon ng mambabasa ang mensahe. Ang pagsasagawa ng
gawain ay maaaring sa pamamagitan ng mga kagamitang di-verbal gaya
ng larawan, grap, tsart, mapa at dayagram.

Antas ng Performans sa Komprehensyon
sa Simbolo ng mga Mag-aaral


Matutunghayan sa Talahanayan 7 ang antas ng performans sa
simbolo ng mga mag-aaral. Sa 10 aytem na tanong 148 (41.1%) ang mga
mag-aaral na nakakuha ng iskor sa pagitan ng 3 – 4. Ibig sabihin
 
Komprehensyon Sa Mga Kagamitang Di-Verbal Ng Mga Mag-Aaral Sa
Unang Taon Ng Benguet State University / Janet B. Mede. 2006

 
 
 
      
 
 
                                                                                                           57 
bahagya ang kanilang komprehensyon sa kanilang performans. 129
(35.8%) na mag-aaral ang nakakuha ng iskor sa pagitan ng 5 – 6, ang
antas ng kanilang komprehensyon ay katamtaman; 58 (16.1%) sa antas
na walang komprehensyon; 23 (6.4%) ang nakakuha ng iskor sa pagitan
ng 7 – 8. Ito ay sa may komprehensyon at 2 (0.6%) mag-aaral ang
nakakuha sa pagitan ng 9 – 10, ang antas ng performans sa kanilang
komprehensyon ay mataas. Ang mean ng performans sa simbolo ng
mga mag-aaral ay 4.
Ayon kay Hatch (1979) sa pagbanggit ni Dacanay (2000), upang
madaling maunawaan ang mga konsepto ay gumamit ng mga simbolo,
ilustrasyon, larawan, krokis at iba pa. Ito ay hindi umaayon sa kinalabasan
ng pag-aaral na ito dahilan sa ang performans sa pag-unawa sa simbolo
ng nakararami sa mga mag-aaral ay nasa antas na bahagya.
Ayon kay John (1996), isa sa pinakamadaling paraan sa
pagpapahayag ng ideya ay sa pamamagitan ng paglalagay sa
anyong larawan. Ang mata ay madaling naaakit sa mga larawan o
simbolo.

Kung may larawan o simbolo sa pahina ng pahayagan, karamihan

ang tumitingin dito bago basahin. Ipinaliwanag niya na kahit saanman ang
mga simbolo ay nakakukuha ng atensyon.

Sa daan patungong paaralan, sino man ay nakakikita ng mga
 
Komprehensyon Sa Mga Kagamitang Di-Verbal Ng Mga Mag-Aaral Sa
Unang Taon Ng Benguet State University / Janet B. Mede. 2006

 
 
 
      
 
 
                                                                                                           58 
Takahanayan 7. Antas ng Performans sa Komprehensyon sa Simbolo
ng Mga Mag-aaral.

ANTAS
BILANG NG RESPONDENTE
BAHAGDAN

9 – 10


2



0.6


7

8


23
6.4
5 - 6


129


35.8
3 – 4


148


41.1
1 – 2


58


16.1
KABUUAN

360


100.0
MEAN


4

Legend
9 – 10 = 5 mataas ang komprehensyon
7 – 8 = 4 may komprehensyon
5 – 6 = 3 katamtaman ang komprehensyon
3 – 4 = 2 bahagya ang komprehensyon
1 – 2 = 1 walang komprehensyon
palatandaan sa mga lugar, direksyong pantrapiko, karatula at iba pa. Sa
mga paaralan, nakakikita ng mga poster, mapa, tsart, larawan. Sa mga
tahanan naman ay pahayagan, magasin at larawan. Hikayating ang mga
mag-aaral na pagtuunan ng pansin ang mga ito upang malinang ang
kanilang pag-unawa sa mga kagamitang di-verbal.
Ayon kina Wittich at Schuller (1962), ang maingat na pagplano sa
paggamit ng mga simbolo, tsart, dayagram at iba pang grapikong
kagamitan ay nakatutulong sa mga mag-aaral na bumuo ng kaisipan at
nakauunawa na nagpapatunay na natututo sila sa mga kagamitang di-
verbal kaysa sa verbal na pagpapaliwanag.
 
Komprehensyon Sa Mga Kagamitang Di-Verbal Ng Mga Mag-Aaral Sa
Unang Taon Ng Benguet State University / Janet B. Mede. 2006

 
 
 
      
 
 
                                                                                                           59 
Base sa resulta ng pag-aaral na mas marami ang nakakuha ng
bahagya ang komprehensyon iminumungkahi ang lalo pang paggamit ng
simbolo at iba pang-verbal na kagamitan ng mga guro sa kanilang
pagtuturo upang mahasa ang kakayahan ng mga mag-aaral
sa pag-unawa ng mga ito.

Antas ng Performans sa Komprehensyon sa
Ilustrayon ng mga Mag-aaral


Mababasa sa Talahanayan 8 ang antas ng performans sa
ilustrasyon ng mga mag-aaral. Sa aytem na 10, 137 (38.2%) mag-aaral
ang nakakuha ng iskor sa pagitan ng 7 – 8 nangangahulugang sila ay may
komprehensyon sa ilustrayon; 117 (32.4%) ang nakakuha ng iskor sa
pagitan ng 5 – 6, katamtaman ang kanilang komprehensyon; 60 (16.7%)
mag-aaral ang nakakuha ng iskor na 3 – 4 bahagya ang kanilang
komprehensyon; 33 (9.2%) komprehensyon; at 13 (3.6%) na mag-aaral
ang nakakuha ng iskor sa pagitan ng 1 -2 na nangangahulugang wala
silang komprehensyon. Ang mean ng performans sa ilustrasyon ng mga
mag-aaral ay 6.

May komprehensyon ang performans ng mga mag-aaral sa

ilustrasyon. Ito ay sumasang-ayon sa mungkahi ni Karl (1988), na upang
matamo ang mag-aaral ang nakakuha ng iskor sa pagitan ng 9 –10
mataas ang kanilang kakayahan sa di-verbal na kagamitan, ang mga
 
Komprehensyon Sa Mga Kagamitang Di-Verbal Ng Mga Mag-Aaral Sa
Unang Taon Ng Benguet State University / Janet B. Mede. 2006

 
 
 
      
 
 
                                                                                                           60 
Talahanayan 8. Antas ng Performans sa Komprehensyon sa
Ilustrasyon ng mga Mag- aaral.


.
ANTAS

BILANG NG RESPONDENTE
BAHAGDAN
9 – 10



33


9.2


8

7
137




38.2
5 – 6



117


32.5
3 – 4



60


16.7
1 – 2



13


3.6



KABUUAN
360

100.0

MEAN



6

Legend
9 – 10 = 5 mataas ang komprehensyon
7 – 8 = 4 may komprehensyon
5 – 6 = 3 katamtaman ang komprehensyon
3 – 4 = 2 bahagya ang komprehensyon
1 – 2 = 1 walang komprehensyon
mag-aaral ay hinihiling na ibigay ang kani-kanilang interpretasyon sa
mga ito. Ang mga ito ay nakagaganyak sa kanila at ang wikang ginagamit
sa gawaing ito ay malilinang.
Sinabi ni Harmer (1987) na ang isang paraang kinakailangan
upang mabigyan ng solusyon ang suliranin sa pagbasa sa
Ingles ay sa pamamagitan ng ilustrasyon. Ang kadalasang ginagamit sa
ilustrasyon ay larawan, grap, talahanayan, dayagram, at photograp. Ayon
kina Crooks at Chaudron (1991) sa pagbanggit ni Dacanay (2000), ang
mga ilustrasyon, dayagram, larawan at krokis ay pinakamagandang
kagamitan upang gawing kongkreto ang mga abstraktong kaisipan.
 
Komprehensyon Sa Mga Kagamitang Di-Verbal Ng Mga Mag-Aaral Sa
Unang Taon Ng Benguet State University / Janet B. Mede. 2006

 
 
 
      
 
 
                                                                                                           61 
Ipinaliwanag pa nila ang kaugnayan ng mga ito sa salita dahilan sa ang
tao ay nakikinig sa pamamagitan ng kanilang tainga at nakakikita sa
pamamagitan ng kanilang mga mata.

Dagdag pa ni Hatch (1979), na upang madaling maunawaan ang
mga konsepto ay gagamit ng mga di-verbal na kagamitan tulad ng
larawan, ilustrasyon at krokis.


Antas ng Performans sa Komprehensyon
sa Dayagram ng mga mag-aaral


Ipinapakita ng Talahanayan 9 ang antas ng performans sa
komprehensyon sa dayagram ng mga mag-aaral. Sa 5 aytem na
pagsusulit, 157 (43.6%) ang nakakuha sa iskor na 2 , ito ay sa antas na
bahagya ang komprehensyon; 112 (31.1%) ang nakakuha sa iskor na 3 ,
ito ay sa antas na katamtaman ang komprehensyon; sa walang
komprehensyon ay 81 (22.5%); sa may komprehensyon ay (2.2%); at sa
at sa mataas ang komprehensyon ay 2 (0.6%). Ang mean ng performans
sa komprehensyon sa dayagram ng mga mag-aaral ay 2.

Ang resulta ng pag-aaral na ito ay taliwas sa pag-aaral ni Dacanay
(2000), sa dahilang pumangalawa ang dayagram sa performans ng
kanyang mga respondente sa kagamitnag di-verbal. Ipinapahiwatig nitong
madaling maunawaan ang dayagram kumpara sa tsart at grap. Madaling
maunawaan sapagkat ito ay grapikong kagamitan na karaniwan
 
Komprehensyon Sa Mga Kagamitang Di-Verbal Ng Mga Mag-Aaral Sa
Unang Taon Ng Benguet State University / Janet B. Mede. 2006

 
 
 
      
 
 
                                                                                                           62 
Talahanayan 9. Antas ng Performans sa Komprehensyon sa
Dayagram ng mga Mag-aaral.


ANTAS
BILANG NG RESPONDENTE
BAHAGDAN

5


2




0.6
4


8




2.2
3


112


31.1
2


157


43.6
1


81



22.5

KABUUAN

360


100.0

MEAN


2

Legend
5 – 5 = mataas ang komprehensyon
4 – 4 = may komprehensyon
3 – 3 = katamtaman ang komprehensyon
2 – 2 = bahagya ang komprehensyon
1 – 1 = walang komprehensyon
sa siyentipiko at mga tekstong teknikal. Isang karaniwang uri ay ang tree
dayagram na ginagamit sa paaralan upang ipakita ang organizational
set-up na nagpapakita ng mga linya ng awtoridad at responsibilidad.
Sa bayolohikal na teksto, ito ay ginagamit upang ipakita ang
klasipikasyon ng mga halaman at hayop. Sa sosyolohikal at
antropolohikal na literatura, ito ay ginagamit upang ipakita ang ayos ng
mga proseso o kaya ay hakbang (Bilgera, 1986).

Ipinahihiwatig ng resulta ng performans sa dayagram ng mga
mag-aaral na bahagya ang kanilang pag-unawa kahit na sinasabing
 
Komprehensyon Sa Mga Kagamitang Di-Verbal Ng Mga Mag-Aaral Sa
Unang Taon Ng Benguet State University / Janet B. Mede. 2006

 
 
 
      
 
 
                                                                                                           63 
madaling maunawaan ito. Kailangan ng eksposyur sa dayagram ang mga
mag-aaral upang masanay sila sa pag-intindi dito.

Buod ng Antas ng Performans sa Komprehensyon
sa mga Kagamitang Di-verbal

Matutunghayan sa Talahanayan 10 ang buod ng performans sa
sa mga kagamitang di-verbal ng mga mag-aaral. 260 (72.2%) mag-aaral
ang nakakuha sa antas na 72 pababa; sa pagitan ng 73 – 79 ay 91
(25.3%) mag- aaral; walang nakakuha sa antas na 87 – 93 at 94 –
100. Ang pangkalahatang mean sa performans sa mga kagamitang di-
verbal ng mga mag-aaral ay 68.
Natuklasan ni Dacanay (2000) sa kanyang pag-aaral na kasiya-
siya ang antas ng performans ng mga respondente sa pag-unawa sa mga
di-verbal na materyal. Taliwas ang resulta ng pag-aaral na ito sa pag-aaral
ni Dacanay dahilan sa nasa antas na walang pag-unawa ang mga mag-
aaral sa mga kagamitang di-verbal.
Hindi makabuluhan ang antas ng performans performans sa
mga kagamitang di-verbal ng mga mag-aaral kaya hindi tinatanggap ang
haypotesis nito. Kailangang tutukan ang mga mag-aaral na bumasa sa
mga di-verbal na kagamitan upang malinang ang kanilang pag-unawa sa
mga ito lalung - lalo sa nga kursong pinagbigyan ng pagsusulit – BSA,
BSAB, BSDC, BSF at BSAENG’G. Isa pa sa paggamit ng mga
 
Komprehensyon Sa Mga Kagamitang Di-Verbal Ng Mga Mag-Aaral Sa
Unang Taon Ng Benguet State University / Janet B. Mede. 2006

 
 
 
      
 
 
                                                                                                           64 
Talahanayan 10. Buod ng Antas ng Performans sa Komprehensyon
sa mga Kagamitang Di-verbal ng mga Mag-aaral.

ANTAS
BILANG NG RESPONDENTE
BAHAGDAN

94 – 100


0



0
87 – 93


0



0
80 – 86


9



2.5
73 – 79


91


25.3
72 pababa
260


72.2

KABUUAN

360


100.0

MEAN


68

Legend
94 – 100 = 5 mataas ang komprehensyon
87 – 93 = 4 may komprehensyon
80 – 86 = 3 katamtaman ang komprehensyon
73 – 79 = 2 bahagya ang komprehensyon
72 pababa = 1 walang komprehensyon
kagamitang di-verbal malilinang ang kanilang kasanayan sa pagsasalita,
pagbasa, pagsulat, pakikinig lalung-lalo ang kanilang pag-unawa. Hind
lamang sa mga verbal na kagamitan natututo ang ang mga mag-aaral.
Kung ano ang natututuhan nila sa mga verbal na kagamitan siya ring
natututuhan nila sa mga kagamitang di-verbal.


Kaugnayan ng mga Varyabol sa mga Kagamitang
Di-verbal ng mga Mag-aaral


Tatalakayin dito ang kaugnayan ng mga varyabol sa
komprehensyon sa mga kagamitang di-verbal ng mga mag-aaral. Ang
mga ito ay ayon sa unang wika, kasarian, eksposyur sa midya at
 
Komprehensyon Sa Mga Kagamitang Di-Verbal Ng Mga Mag-Aaral Sa
Unang Taon Ng Benguet State University / Janet B. Mede. 2006

 
 
 
      
 
 
                                                                                                           65 
pinagtapusang paaralan sa hayskul. Ang ginamit na instrumento ay X2C
(Chi-Square ).

Kaugnayan ng Komprehensyon sa mga Kagamitang
Di-verbal ayon sa Unang Wika


Makikita sa Talahanayan 11 ang kaugnayan ng unang wika sa
komprehensyon sa mga kagamitang di-verbal ng mga mag-aaral. Ang
mga wikang tinutukoy ay Kankanaey, Ibaloi, Ilocano, Tagalog,
Kalinga, Kalanguya at Tuwali.

Walang nakakuha sa alin mang wika sa antas na 94 – 100 at 87 –
93. Sa antas na 80 – 86, 41 sa mga mag-aaral na nagsasalita ng
Kankanaey; 10 sa Ibaloi; 14 sa Ilocano. Walang nakakuha sa antas na ito
sa mga mag-aaral na ang unang wika ay Tagalog, Kalinga, Kalanguya at
Tuwali. Sa antas na 73 - 79, 14 sa Kankanaey; 7 sa Ibaloi; 9 sa Ilocano;
1 sa Tagalog at Tuwali. Sa antas na 72 pababa, 167 sa Kankanaey; 45 sa
Ibaloi; 40 sa Ilocano; 7 sa Tagalog; 1 sa Kalinga at Kalanguya at 2 sa
Tuwali.
Lumabas sa pagsusuri na ang X2C ay 10.923 sa probability nitong
0.536. Hindi tinatanggap ng haypotesis ng pag-aaral na may kaugnayan
ang unang wika sa pag-unawa sa mga di-verbal na kagamitan ng mga
mag-aaral.


 
Komprehensyon Sa Mga Kagamitang Di-Verbal Ng Mga Mag-Aaral Sa
Unang Taon Ng Benguet State University / Janet B. Mede. 2006

















66

Talahanayan 11. Kaugnayan sa Komprehensyon sa mga Kagamitang Di-verbal ng mga Mag-
aaral Ayon sa Unang Wika.

ANTAS KANKANAEY IBALOI ILOCANO TAGALOG KALINGA KALANGUYA TUWALI

94 – 100
0
0
0
0
0 0 0

87 – 93 0 0 0 0 0 0 0
80 – 86 41 10 14 0 0 0 0
73 – 79 14 7 9 1 0 0 1
72 pababa 167 45 40 7 1 1 2

KABUUAN 222 62 63 8 1 1 3


X2C = 10.923 Probability = 0.536
ns = not significant










Komprehensyon Sa Mga Kagamitang Di-Verbal Ng Mga Mag-Aaral Sa Unang Taon Ng Benguet State
University / Janet B. Mede. 2006

 
 
 
      
 
 
                                                                                                           67 
Kaugnayan sa Komprehensyon sa mga Kagamitang
Di-Verbal ng mga Mga-aaral Ayon sa Kasarian
Matutunghayan sa Talahanayan 12 ang kaugnayan ng kasarian sa
pag-unawa sa mga di-verbal na kagamitan ng mga mag-aaral. Ang mga
lalaki ay binubuo ng 182 at ang mga babae naman ay 178.

Ayon sa talahanayan walang nakakuha sa antas na 94 – 100 at
87– 93 sa mga lalaki. Sa antas na 80 – 86 ay 33; sa antas na 73 – 79 ay
16; at sa antas na 72 pababa ay 133. Tulad ng mga lalaki wala
ring nakakuha sa antas na 94 – 100 at 87 – 93 sa mga babae. Sa antas
na 80 – 86 ay 32 ; sa antas na 73 – 79 ay 16 at sa antas na 72
pababa nakakuha sa antas na 94 – 100 at 87 – 93 sa mga babae. Sa
antas na 80 – 86 ay 32 ; sa antas na 73 – 79 ay 16 at sa antas na 72
pababa ay 130.
Hindi nagkakalayo ang resulta ng kaugnayan ng kasarian sa
komprehensyon sa mga di-verbal na kagamitan ng mga mag-aaral.
Lumabas sa pagsusuri na ang X2C value ay 0.005 sa probality
nitong 0.997. Hindi tinatanggap ng haypotesis ng pag-aaral na may
kaugnayan ang kasarian sa komprehensyon sa mga kagamitang di-
verbal ng mga mag-aaral.
Sa pag-aaral ni Dacanay (2000), mas mataas ang performans ng
mga babae kaysa sa mga lalaki. Taliwas ang resulta ng pag-aaral na ito
dahilan sa magkapareho ang antas ng pag-unawa ng mga lalaki at babae.
 
Komprehensyon Sa Mga Kagamitang Di-Verbal Ng Mga Mag-Aaral Sa
Unang Taon Ng Benguet State University / Janet B. Mede. 2006

 
 
 
      
 
 
                                                                                                           68 
Talahanayan 12. Kaugnayan sa Komprehensyon sa mga Kagami-
tang Di-verbal Ayon sa Kasarian ng mga Mag-aaral.



ANTAS
LALAKI BABAE

94 – 100


0



0
87 – 93


0



0
80 – 86


33



32
73 – 79


16



16


72

pababa
133

130



KABUUAN
182

178

X2C = 0.005

probability = 0.997
ns = not significant

Lumabas sa pag-aaral nina Bernal (2000), Dalay-on (1991 at
Lubrica (1986) sa pagbanggit ni Dacanay (2000) na ang kasarian ay
walang kinalaman sa antas ng performans ng mga respondente. Ganoon
din sa pag-aaral nina Villaflor (1996) at Cuyan (1995) na walang
kaugnayan ang kasarian sa komprehensyon ng mga mag-aaral.

Kaugnayan ng Komprehensyon sa mga Kagamitang
Di-verbal ng mga Mag-aaral Ayon sa Eksposyur sa Midya


Ang eksposyur sa midya ay nahahati sa print media at
broadcast media. Ang print media ay binubuo ng pahayagan at magasin
samantalang sa broadcast media ay binubuo ng telebisyon at radyo.

Ipinapakita ng Talahanayan 13 ang kaugnayan ng
komprehensyon sa mga kagamitang di-verbal ayon sa eksposyur sa
midya ng sa mga mag-aaral. Walang nakakuha sa antas na 94 – 100 at
 
Komprehensyon Sa Mga Kagamitang Di-Verbal Ng Mga Mag-Aaral Sa
Unang Taon Ng Benguet State University / Janet B. Mede. 2006

 
 
 
      
 
 
                                                                                                           69 
87 – 93 sa pahayan; 50 sa antas na 80 – 86; 21 sa 73 – 70 at 186 sa 72
pababa. Sa magasin, wala ring nakakuha sa antas na 94 – 100 at 87
– 93; 12 sa antas na 80 – 86; 11 sa 73 – 70 at 70 sa 72 pababa. Sa
telebisyon, wala ring nakakuha sa antas ng 94 – 100 at 87 – 93 ; 45 sa
antas na 80 – 86 ; sa antas na 73 – 79 ay 24 at sa antas na 72
pababa ay 148. Sa radyo, wala ring nakakuha sa antas na 94 – 100 at 87
– 93; sa antas na 80 – 86 a6 30; 17 sa antas na 73 – 79 at sa antas na
72 pababa ay 181.

Base sa resulta ng pag-aaral ang X2C value ng pahayagan ay
1.552 at ang probability nito at 0.460; sa magasin ang X2C value
ay3.146 at ang probability nito ay 0.207; ang X2C value sa telebisyon
ay 6.834 sa probability nitong 0.033; at sa radyo ang X2C ay 0.594 sa
probability nitong 0.743. Hindi makabuluhan ang naging resulta sa
pagsusuri sa pahayagan, magasin at radyo ngunit lumabas na
makabuluhan ang resulta sa komprehensyon sa mga kagamitang di-
makabuluhan ang resulta ng komprehensyon sa mga kagamitang di-
verbal ng mga mag-aaral sa telebisyon.

Ang antas ng performans sa komprehensyon mga kagamitang di-
verbal ng mga mag-aaral ay sa pagitan ng bahagya at walang pag-
unawa. Pero lumabas na karamihan sa mga mag-aaral ay napapabilang
sa antas na 72 pababa o walang pag-unawa.
 
Komprehensyon Sa Mga Kagamitang Di-Verbal Ng Mga Mag-Aaral Sa
Unang Taon Ng Benguet State University / Janet B. Mede. 2006

 
 
 
      
 
 
                                                                                                           70 
Talahanayan 13. Kaugnayan ng Komprehensyon sa mga Kagamitang


Di-verbal ng mga Mag-aaral Ayon sa Eksposyur sa


Midya.


ANTAS
PAHAYAGAN MAGASIN TELEBISYON RADYO
94 – 100

0

0
0
0
87 – 93

0

0
0
0
80 – 86

50

12
45
30
73 – 79

21

11
24
17
72 pababa 186

70
148 134

KABUUAN 257

93
217 181

CHI – Square
1.552ns 3.146ns 6.834*
0.594ns
Value

PROBABILITY
0.460
0.207
0.033
0.743

* significant ns = not significant

Pinatutunayan ng pag-aaral na mas madaling nauunawaan ng
mga mag-aaral ang mga bagay na napapanood kaysa sa naririnig o
nababasa sa pamamagitan ng mga verbal na bagay. Sa pagtuturo
hinihikayat ang mga guro na hindi palaging kagamitang viswal ang
gagamitin kundi pati na rin ng audio-visual sa dahilang ito ay

nakatutulong sa ikalilinang sa kakayahan ng mga mag-aaral sa pag-
unawa sa mga di-verbal na kagamitan.

Pinatunayan sa pag-aaral ni Sison (1997) na mas nauunawaan ng
mga mag-aaral ang mga larawan kaya naipahahayag ng mga mag-aaral
 
Komprehensyon Sa Mga Kagamitang Di-Verbal Ng Mga Mag-Aaral Sa
Unang Taon Ng Benguet State University / Janet B. Mede. 2006

 
 
 
      
 
 
                                                                                                           71 
ang kanilang kaisipan. Ito ay nagpapatunay na ang mga nakikita ay mas
nakakikintal sa isipan ng mga mag-aaral kaysa sa naririnig lamang.

Ang ginamit ni Ticong (1999) sa kanyang pag-aaral upang
matuklasan ang komprehensyon ng mga mag-aaral ay patalastas.
Natuklasan niyang nahihirapan ang mga mag-aaral sa bokabularyo ngunit
madali sa kanila ang literal na pag-unawa sa mga awtentikong materyal
gaya ng larawan, tsart, grap, simbolo, dayagram at iba pa. Walang
makabuluhang pagkakaiba sa performans ng mga mag-aaral sa
komprehensyon sa mga di-verbal na materyal ayon sa uri ng babasahin
sa kanilang bahay.
Sa pag-aaral na ito lumabas na ang uri ng midyang makabuluhan
sa pag-unawa sa mga di-verbal na kagamitan ng mga mag-aaral ay
telebisyon. Hinihikayat ang mga guro na gumamit din ng telebisyon sa
pagtuturo bilang kagamitan para sa madaling ikauunawa at ikatututo ng
mga mag-aaral sa aralin.

Kaugnayan sa Komprehensyon sa mga Kagamitang
Di-verbal ayon sa Pinagtapusang Paaralan


Matutunghayan sa Talahanayan 14 ang kaugnayan sa
komprehensyon sa mga kagamitang di-verbal ayon sa pinagtapusang
paaralan sa hayskul ng mga mag-aaral. Ito ay binubuo ng pampubliko at
pampribadong paaralan.
 
Komprehensyon Sa Mga Kagamitang Di-Verbal Ng Mga Mag-Aaral Sa
Unang Taon Ng Benguet State University / Janet B. Mede. 2006

 
 
 
      
 
 
                                                                                                           72 

Sa antas na 94 – 100 at 87 – 93 walang nakakuha sa mga mag-
aaral na nakapagtapos sa pampribadong paaralan. 7 sa antas na 80 -86;
5 sa antas na 73 – 79 at 41 sa 72 pababa. Ito ay may kabuuang 53.

Sa mga mag-aaral na nakapagtapos sa pampublikong paaralan,
wala ring nakakuha sa antas na 94 – 100 at 87 – 93. 58 sa antas na 80 –
86; 27 sa antas na 73 – 70 at sa antas na 72 pababa ay 222. Ito ay
may kabuuang 307.

Ayon sa pagsusuri ang X2C value ay 0.987 at ang probability nito
ay 0.610. Lumabas sa pagsusuri na walang kabuluhan ang paaralang
pinagtapusan sa komprehensyon sa mga di-verbal na kagamitan ng mga
mag-aaral.

Ang resulta ng pag-aaral ay taliwas sa pag-aaral ni Dacanay (2000)
na makabuluhan ang pinagtapusang paaralan sa performans sa pag-
unawa ng mga respondente sa tsart samantalang sa grap, talahanayan at
dayagram ay walang kabuluhan.
Sa pag-aaral naman ni Sison (1997) natuklasan niyang mas
mataas ang performans ng mga mag-aaral na nakatapos sa pribadong
paaralan kaysa sa publikong paaralan. Ang dahilan nito ay may
kaugnayan sa gawi ng mga mag-aaral sa pagbasa. Ayon pa rin sa kanya,
karamihan sa mga pribadong paaralan ay may aklatan at madalas ang
subskripsyon nila ng mga pahayagan at magasin para sa mga mag-aaral.
 
Komprehensyon Sa Mga Kagamitang Di-Verbal Ng Mga Mag-Aaral Sa
Unang Taon Ng Benguet State University / Janet B. Mede. 2006

 
 
 
      
 
 
                                                                                                           73 
Talahanayan 14. Kaugnayan ng Komprehensyon sa mga Kagamitang

Di-verbal ng mga Mag-aaral Ayon sa Pinagtapusang


Paaralan sa hayskul.

ANTAS

PAMPRIBADO

PAMPUBLIKO

90 - 100


0



0
87 - 93


0



0
80 - 86


7



58
73 - 79


5



27
72 - Pababa
41


222


KABUUAN

53


307

Sa mga publikong paaralan ay maraming mga aklat na
nanggagaling sa iba’t ibang ahensya ngunit walang subskripsyon sa mga
pahayagan at magasin.

Sa pag-aaral naman ni Bagano (1986) mas mataas ang
kakayahan ng mga mag-aaral sa pribadong paaralan kaysa sa mga mag-
aaral sa publikong paaralan. Ito ay may kaugnayan sa diin sa “academic
development” ng mga mag-aaral sa pribadong paaralan samantalang
“work-oriented curriculum” naman ang diin sa publikong paaralan.







 
Komprehensyon Sa Mga Kagamitang Di-Verbal Ng Mga Mag-Aaral Sa
Unang Taon Ng Benguet State University / Janet B. Mede. 2006

PAGLALAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON



Ilalahad sa kabanatang ito ang lagom, kongklusyon at
rekomendasyon ng pag-aaral.

Paglalagom

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa hangaring masuri at matukoy
ang komprehensyon at antas ng performans sa mga kagamitang di-
verbal ng mga mag-aaral sa unang taon na kumukuha ng kursong BSA,
BSAB, BSDC, BSF at BSAENG’G. Layunin ng pag-aaral na ito na
mabigyang-linaw ang mga sumusunod:

1. Masuri ang komprehensyon sa mga kagamitang di-verbal ng
mga mag-aaral.

2. Matukoy ang antas ng performans sa komprehensyon sa mga
kagamitang di-verbal ng mga mag-aaral.

3. Matukoy ang kaugnayan ng komprehensyon sa mga
kagamitang di-verbal ng mga mag-aaral sa mga sumusunod na varyabol:

a. unang wika
b. kasarian

c. eksposyur sa midya

d. pinagtapusang paaralan sa hayskul

Ginamit ang palarawang disenyo ng pananaliksik upang matukoy at
Komprehensyon Sa Mga Kagamitang Di-Verbal Ng Mga Mag-Aaral Sa
Unang Taon Ng Benguet State University / Janet B. Mede. 2006


75
masuri ang komprehensyon at antas ng performans sa komprehensyon sa
mga kagamitang di-verbal ng mga mag-aaral. Tinukoy rin ang kaugnayan
ng mga varyabol tulad ng unang wika, kasarian, eksposyur sa midya at
pinagtapusang paaralan sa hayskul.

Sa pagtukoy sa komprehensyon sa mga kagamitang di-verbal ng
mga mag-aaral ginamit ang antas na: 94 – 100, mataas ang
komprehensyon sa mensaheng ipinahahayag; 87 – 93, may
komprehensyon sa mensaheng ipinahahayag; 80 - 86, katamtaman ang
komprehensyon sa mensaheng ipinahahayag; 73 – 79, bahagya ang
komprehensyon sa mensaheng ipinahahayag at 72 pababa, walang
komprehensyon sa mensaheng ipinahahayag sa mga kagamitang di-
verbal.

Upang matukoy ang antas ng performans performans sa
komprehensyon sa mga kagamitang di-verbal ginamit ang limang
eskalang pagpapasya: 5 – mataas ang komprehensyon; 4 – may
komprehensyon; 3 – katamtaman ang komprehensyon; 2 bahagya ang
komprehensyon at 1 – walang komprehensyon .

Pinasagot sa mga mag-aaral ang 100 aytem na pagsusulit na
binubuo ng larawan, na 30 aytem; tsart 15 aytem; grap 30 aytem; 10
aytem sa simbolo at ilustrasyon; at 5 aytem sa dayagram.

Pinasagot ang mga talatanungan upang makuha ang mga varyabol
Komprehensyon Sa Mga Kagamitang Di-Verbal Ng Mga Mag-Aaral Sa
Unang Taon Ng Benguet State University / Janet B. Mede. 2006


76
na unang wika, kasarian, eksposyur sa midya at pinagtapusang paaralan
sa hayskul. Ginamit ang X2C (Chi-Square) sa pagtukoy sa kaugnayan ng
mga varyabol.

Batay sa layunin ng pag-aaral narito ang mahahalagang resulta sa
pag-aaral:

1. Ang komprehensyon sa mga kagamitang di-verbal ng mga mag-
aaral ay mababa dahilan sa walang nakakuha sa antas na 94 – 100 at
87 – 93. (18.7%) mag-aaral ang nakakuha sa antas na 80 – 86, (8.9%) sa
antas na 73 – 79 at (73.1%) sa antas na 72 pababa.

2. a. Ang antas ng performans sa komprehensyon sa larawan ng
mga mag-aaral ay may mean na 21. Sa 30 aytem na tanong (66.1%)
mag-aaral ang nakakuha ng iskor sa pagitan ng 19 – 24 at ang antas nito
ay 4 o may komprehensyon.

b. Ang mean sa antas ng performans sa komprehensyon ng
mga mag-aaral sa tsart ay 13. Sa 15 aytem na tanong, (63.6%) na mga
mag-aaral ay nakakuha nasa pagitan ng 13 – 15, ang antas nito ay 5.
Nangangahulugang mataas ang kanilang pag-unawa sa tsart.
Naintindihan nila agad ang kaisipang ipinahahayag nito.

c. Ang antas ng performans sa komprehensyon sa grap ng mga
mag-aaral ay may mean na 22. Sa 30 aytem na tanong (74.7%) mag-
aaral ang nakakuha ng iskor sa pagitan ng 19 – 24. Ito ay nasa antas na
Komprehensyon Sa Mga Kagamitang Di-Verbal Ng Mga Mag-Aaral Sa
Unang Taon Ng Benguet State University / Janet B. Mede. 2006


77
4 na ipinapakahulugang may komprehensyon sa grap ang mga mag-
aaral.

d. Natuklasang ang antas ng performans sa komprehensyon sa
simbolo ng mga mag-aaral ay may mean na 4. Sa 10 aytem na tanong
karamihan sa iskor ay nasa pagitan ng 3 – 4 sa antas na 2 na ang ibig
sabihin ay bahagya ang kanilang komprehensyon sa mga simbolo.

e. Ang antas ng performans sa komprehensyon ng mga mag-
aaral sa ilustrasyon ay may mean na 6. Sa 10 aytem na tanong
maraming mag-aaral ang nakuha ng iskor sa pagitan ng 7 – 8, ito ay sa
antas 4 na nangangahulugang may komprehensyon sila sa mga
ilustrasyon.

f. Natuklasan ding ang antas ng performans sa dayagram ng mga
mag-aaral ay may mean na 2. Sa 5 aytem na pagsusulit marami ang
nakakuha sa iskor na 2, ito ay sa antas na 2. Ang ibig sabihin nito
bahagya ang komprehensyon ng mga mag-aaral sa dayagram.

3. Ang kinalabasan ng pag-aaral sa pagsusuri sa kaugnayan ng
mga varyabol sa komprehensyon sa mga kagamitang di-verbal ng mga
mag-aaral ay ang mga sumusunod:

a. Sa lahat ng wika, walang nakakuha sa antas na 94 – 100 at 87
– 93. Sa Kankanaey 41 mag-aaral ang nakakuha ng iskor sa pagitan ng
80 – 86, 14 ang nakakuha sa pagitan ng 73 – 79 at 167 ang nakakuha
Komprehensyon Sa Mga Kagamitang Di-Verbal Ng Mga Mag-Aaral Sa
Unang Taon Ng Benguet State University / Janet B. Mede. 2006


78
ng 72 pababa. Ipinapakita ng pagsusuri na nakararami sa mga mag-aaral
na ang unang wika ay Kankanaey ang nakakuha sa antas na walang
komprehensyon sa mga kagamitang di-verbal. Sa Ilocano, 14 ang
nakakuha sa pagitan ng 80 – 86; 9 sa pagitan ng 70 – 73; at 40 sa 72
pababa. Nasa antas na walang komprehensyon sa mga kagamitang di-
verbal ang kinalabasan ng pagsusuri sa mga mag-aaral na ang unang
wika ay Ilocano. Sa Ibaloi, 10 mag-aaral ang nakakuha ng iskor sa
pagitan ng 80 – 86; 7 sa pagitan ng 73 – 79 at 45 sa 72 pababa. Lumabas
sa pagsusuri na nasa antas na walang komprehensyon sa mga
kagamitang di-verbal na kagamitan ang mga mag-aaral na ang unang
wika ay Ibaloi. Sa Tagalog, 1 ang nakakuha ng iskor sa pagitan ng 73 –
79; 7 sa 72 pababa. Nasa antas na walang komprehensyon pa rin sa
mga kagamitang di-verbal ang mga mag-aaral na ang unang wika ay
Tagalog. Sa Kalinga, Kalanguya at Tuwali ay parehong nasa antas na
walang komprehensyon ang kinalabasan ng pagsusuri dahilan sa nasa
pagitan ng 72 pababa ang naging resulta ng pagsusulit na ibinigay.

Hindi tinatanggap ng haypotesis ng pag-aaral na may kaugnayan
ang unang wika sa komprehensyon sa mga kagamitang di-verbal ng mga
mag-aaral.

b. Ang lumabas sa pagsusuri sa kaugnayan ng mga varyabol sa
komprehensyon ng mga kagamitang di-verbal ayon sa kasarian na halos
Komprehensyon Sa Mga Kagamitang Di-Verbal Ng Mga Mag-Aaral Sa
Unang Taon Ng Benguet State University / Janet B. Mede. 2006


79
magkapareho ang bilang ng lalaki at babaeng respondente na nakakuha
ng iskor sa pagitan ng 72 pababa. Hindi tinatanggap ng haypotesis na
may kaugnayan ang kasarian sa komprehensyon sa mga kagamitang di-
verbal ng mga mag-aaral.

c. Sa kanilang eksposyur sa midya, lumabas sa pagsusuri na hindi
makabuluhan ang naging resulta sa pahayagan, magasin at radyo ngunit
lumabas na makabuluhan ang resulta sa komprehensyon sa mga
kagamitang di-verbal ng mga mag-aaral sa telebisyon.

d. Sa pinagtapusang paaralan, pareho ang iskor ng mga mag-aaral
na nagtapos sa pampubliko at pampribadong paaralan ay nasa antas na
72 pababa. Nangangahulugang walang komprehensyon sa mga

kagamitang di-verbal ang mga mag-aaral. Hindi tinatanggap ang
haypotesis ng pag-aaral na may kaugnayan ang pinagtapusang paaralan
sa hayskul sa komprehensyon sa mga kagamitang di-verbal ng mga
mag-aaral.

Kongklusyon

Batay sa kinalabasan ng pag-aaral, ang mga sumusunod na
kongklusyon ay nabuo:

1.Mababa ang komprehensyon sa mga kagamitang di-verbal ng
mga mag-aaral na nakatala sa kursong, BSA, BSAB, BSDC, BSF, at
BSAENG’G.
Komprehensyon Sa Mga Kagamitang Di-Verbal Ng Mga Mag-Aaral Sa
Unang Taon Ng Benguet State University / Janet B. Mede. 2006


80

2. Mataas ang komprehensyon sa larawan, tsart, grap at
ilustrasyon ng mga mag-aaral ngunit mababa sa simbolo at dayagram.

3. Hindi tinatanggap ng haypotesis ng pag-aaral ang kaugnayan ng
mga sumusunod na varyabol: ang unang wika, kasarian, eksposyur sa
midya at pinagtapusang paaralan sa hayskul.

Rekomendasyon

Batay sa naging resulta ng pag-aaral at nagawang kongklusyon,
ang mga sumusunod ay ipinapayo:

1. Kailangang linangin ang komprehensyon sa mga kagamitang di-
verbal ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng paglalantad sa kanila ng
iba’t ibang uri ng mga ito.

2. Iminumungkahi ang paggamit ng mga guro ng Filipino ng mga
kagamitang di-verbal upang malinang ang komprehensyon ng mga mag-
aaral sa mga ito.

3. Magbigay ng maraming pagsasanay sa gramatika na ang
lunsaran ay mga kagamitang di-verbal.

4. Maghanda ng mga suplementong kagamitang panturo lalung-lalo
na sa mga mag-aaral na nakatala sa mga kolehiyong binigyan ng
pagsusulit upang malinang ang kanilang komprehensyon sa mga
ito.
Komprehensyon Sa Mga Kagamitang Di-Verbal Ng Mga Mag-Aaral Sa
Unang Taon Ng Benguet State University / Janet B. Mede. 2006


81
5. Gumawa ng iba pang pag-aaral tungkol sa mga kagamitang di-
verbal na ang tuon ay sa apat na uri ng pagpapahayag: pagsasalaysay,
paglalarawan, paglalahad at pangangatwiran.




Komprehensyon Sa Mga Kagamitang Di-Verbal Ng Mga Mag-Aaral Sa
Unang Taon Ng Benguet State University / Janet B. Mede. 2006

Document Outline

  • KOMPREHENSYON sa mgaKAGAMITANG DI-VERBAL ng mga MAG-AARAL sa UNANG TAON ngBENGUET STATE UNIVERSITY
    • BIBLIOGRAPIYA
    • ABSTRAK
    • TALAAN NG NILALAMAN
    • INTRODUKSYON
      • Sanligan ng Pag-aaral
      • Paglalahad ng Suliranin
      • Layunin ng Pag-aaral
      • Kahalagahan ng Pag-aaral
      • Saklaw at Delimitasyon
    • KAUGNAY NA PAG-AARAL
      • Kagamitang Di-Verbal
      • Kakayahang Komunikatibo
      • Teorya sa Pagbasa
      • Lapit sa Pagsusulit ng Wika
      • Kaugnay ng Lokal na Pag-aaral
      • Balangkas ng Teorya
      • Katawagan ng mga Kagamitansa Pag-aaral
      • Haypotesis
    • PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK
    • PAGTALAKAY SA RESULTA
      • Komprehensyon sa mga Kagamitang Di-Verbalng mga Mag-aaral
      • Antas ng Performans sa Komprehensyon sa mga KagamitangDi-verbal ng mga mag-aaral
      • Kaugnayan ng mga Varyabol sa mga KagamitangDi-verbal ng mga Mag-aaral
    • PAGLALAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON
      • Paglalagom
      • Kongklusyon
      • Rekomendasyon