BIBLIOGRAPIYA NADAYAO, LILIBETH E. April, 2007. Estratehiyang...
BIBLIOGRAPIYA

NADAYAO, LILIBETH E. April, 2007. Estratehiyang Pangkomunikasyon
sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa Antas Tersyarya ng Palawan State
University. Palawan State University, Tiniguiban Heights, Puerto Princesa City,
Palawan.
Tagapayo: Maribel Z. Palazo, Ph. D.
ABSTRAK

Tinangkang matukoy at masuri sa pag-aaral na ito ang mga estratehiyang
pangkomunikasyon ng mga guro ng Filipino sa antas tersyarya ng Palawan State
University. Layunin ng pag-aaral na ito na: 1)
matukoy ang estratehiyang pangkomunikasyon ng mga guro sa pagtuturo ng
Filipino sa antas tersyarya ng Palawan State University; 2). masuri ang
estratehiyang pangkomunikasyong karaniwang ginagamit ng mga guro sa
pagtuturo ayon sa mga salik na antas ng edukasyong natapos, unang wika at
kolehiyong kinabibilangan ng mga mag-aaral; 3) masuri ang antas ng
persepsyon ng mga mag-aaral sa mga estratehiyang pangkomunikasyon ng mga
guro sa pagtuturo ng Filipino sa antas tersyarya ng Palawan State University.

Sa pananaliksik, itrinanskrayb ang nakateyp na pagkaklase ng mga
guro ng Filipino sa antas tersyarya upang madaling matukoy at
masuri ang mga estratehiyang ginagamit nila. Pinagbatayan ang

modelo ni Mitchell (1988) sa pagsusuri ng mga estratehiyang ginagamit ng mga
guro. Gumamit ng talatanungan ang mananalaiksik upang kunin ang ilang
impormasyon tungkol sa mga guro gaya ng antas ng edukasyong natapos,
unang wika at kolehiyong kinabibilangan. Gumamit din ng hiwalay na
talatanungan para sa mga mag-aaral upang makuha ang kanilang persepsyon
ukol sa mga estratehiyang pangkomunikasyon ng mga guro sa pagtuturo. Ang
mga datos na nalikom ay itinala at inilarawan sa pamamagitan ng mean,
frequency counts at ranking.

Ginamit naman ang analysis of variance sa paghahambing ng lawak ng
pagkakagamit ng iba’t ibang estratehiyang pangkomunikasyon ng mga guro sa
pagtuturo ng Filipino ayon sa antas ng edukasyong natapos, unang wika at
kolehiyong kinabibilangan ng mga mag-aaral. Sa pagkuha ng persepsyon ng
mga mag-aaral sa mga estratehiyang pangkomunikasyon ng mga guro ay
ginamit naman ang Kolmogorov-Smirnov Z-test.

Sa pagsusuri ng mga datos, natuklasan ang mahahalagang impormasyon
hinggil sa pag-aaral na ito. Narito ang mga sumusunod:

1. Gumagamit ng iba’t ibang estratehiyang pangkomunikasyon sa
pagtuturo ng Filipino ang mga guro tulad ng pag-uulit , pagpapaliwanag,
pagbibigay-clue, substitusyon, paglilipat-wika at pagpapakahulugan tungo sa
matagumpay na pagkatuto ng mga mag-aaral.

2. Sa anim na estratehiya, nanguna sa ranggo ang pag-uulit na may
mean na 43.38, sumunod ang pagpapaliwanag 23.25, pagbibigay-clue 20.00,
ii


substitusyon 15.50, paglilipat-wika 10.25 at pagpapakahulugan sa mean na 9.38
.

3. Ginamit ng mga guro ang estratehiyang pag-uulit nang may iba’t ibang
tukoy gaya ng pagbibigay-diin sa ilang bahagi ng paksang-aralin,pagbibigay-
linaw sa alinlangan ng mga mag-aaral, pagkuha ng atensyon ng mga mag-aaral
upang makuha ang angkop na kasagutan at bilang pagbibigay puna sa naging
maling kasagutan ng mag-aaral.

4. Gumagamit ng iba’t ibang estratehiyang pangkomunikasyon sa
pagtuturo ng Filipino ang mga guro batay sa mga salik na antas ng edukasyong
natapos, unang wika at kolehiyong kinabibilangan ng mga mag-aaral nang
walang kabuluhang pagkakaiba.

5. Batay sa persepsyon ng mga mag-aaral, ang pag-uulit (A1) ay malimit
gamitin ng mga guro ayon sa 36.6% na bilang ng mga mag-aaral; ang
pagpapaliwanag (A2) ay 54.3% at pagpapakahulugan (A6) naman ay palaging
ginagamit ng mga guro ayon sa 38.7% na mga mag-aaral samantala, ang
substitusyon (A3) ay 41.7%, paglilipat-wika (A4) ay 32.3% at pagbibigay-clue (A5)
ay minsan lamang ginamit ng mga guro ayon sa
37.0% ng mga mag-aaral.
6. May makabuluhang pagkakaiba ang antas ng persepsyon ng mga
mag-aaral sa mga estratehiyang pangkomunikasyon ng mga guro sa
pagtuturo ng Filipino sa antas tersyarya ng Palawan State University.

iii


TALAAN NG NILALAMAN











Pahina

Bibliograpiya . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

i

Abstrak . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

i

Talaan ng Nilalaman
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
iv
INTRODUKSYON
Sanligan ng Pag-aaral . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
1
Paglalahad ng Suliranin . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
8
Layunin ng Pag-aaral . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
9
Kahalagahan ng Pag-aaral . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
9
Saklaw at Delimitasyon . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
11
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL
Teorya sa Pagtatamo ng Wika . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
13
Linggwistika . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
17
Sosyolinggwistika . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
26
Ang Guro at mga Mag-aaral . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
31
Mga Lokal na Pananaliksik . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
42
Balangkas na Konsepto . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
47
Katuturan ng mga Katawagang ginamit . . . . . . . . . . . . . .
51
Haypotesis ng Pag-aaral . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
56



PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK
Kinaganapan ng Pag-aaral . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
57
Mga Respondente . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
57
Paraan ng Pananaliksik . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
59
Pangungulekta ng mga Datos . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
59
Estadistikong Pagsusuri . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
60
PAGTALAKAY SA MGA RESULTA
Mga estratehiyang Pangkomunikasyon
sa Pagtuturo ng Filipino ng mga guro . . . . . . . . . . . . . . . .
61


Mga Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo
ng Filipino ng mga guro ayon sa antas ng
Edukasyong Natapos . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
79


Mga Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo
ng Filipino ng mga guro ayon sa Unang Wika . . . . . . . . . .
83

Mga Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo
ng Filipino ng mga guro ayon sa Kolehiyong
Kinabibilangan ng mga Mag-aaral . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
87

Paghahambing sa Persepsyon ng mga Mag-aaral
Sa mga Estratehiyang Pangkomunikasyon sa
pagtuturo ng Filipino ng mga guro . . . . . . . . .. . . . . . . . . .
95






PAGLALAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Paglalagom . . . . . . . . .. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
108

Konklusyon . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
112

Rekomendasyon . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
113

TALASANGGUNIAN . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
116


v


APENDIKS
A. Liham Paghingi ng Pahintulot sa Dekana
Ng Palawan State University . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
126

B. Liham Paghingi ng Pahintulot sa mga
Sabjek na Guro . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
127

C. Listahan ng mga Estratehiyang Pangkomu-
nikasyong Ginagamit ng mga Guro . . . . . . . . . . . . . .
128

D. Talatanungan Para sa mga Guro hinggil
Sa mga Salik na Antas ng Edukasyong
Natapos, Unang Wika at Kolehiyong
Kinabibilangan ng mga Mag-aaral . . . . . . . . . . . . . . . .
129

E. Talatanungan Para sa mga Mag-aaral Hinggil sa
salik na Kolehiyong kinanabilangan at Persepsyon
ng mga Mag-aaral sa mga Estratehiyang Ginagamit
ng mga Guro sa Pagtuturo ng Filipino . . . . . . . . . . . .
130

F. Sagutang Papel para sa talatanungan . . . . . . . . . . . . . . 132

TALAMBUHAY . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
133

vi


INTRODUKSYON

Sanligan ng Pag-aaral


Walang taong nabubuhay nang mag-isa. Ang pahayag na ito ay
palasak na sapagkat nagpasalin-salin sa bibig ng mga tao ngunit patuloy
na tinatanggap sapagkat totoo at walang sinumang makapagkakaila nito.
Nangangahulugan lamang na ang tao ay nabubuhay hindi lamang sa
pagtamo ng mga pangunahing pangangailangan gaya ng pagkain, tirahan
at kasuotan kung di gayundin ng makakasama. Sapagkat ang tao ay likas
na matanong at mausisa, kinakailangan niya ng makakausap upang
matugunan ang kaniyang pangangailangang pang-intelektwal sa
pamamagitan ng paggamit ng wika.

Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng wika sa buhay ng tao
dahil ito ang tulay na ginagamit para maipahayag ang anumang mga
pangangailangan at mithiin. Sumasang-ayon ito sa sinabi ni Jocson
(2004), na ang daluyan ng kaisipan at kamalayan ng isang lahi, lipi at
lipunan ay ang wika. Ibig sabihin lamang na ang tanging paraan upang
maisalin sa iba ang kaalaman, karanasan at alaala ng isang lahi o lipi at
lipunan ay nasa wika.

Sa paggamit ng wika hindi na kailangang magsalita sapagkat
maaari naman tayong magpabatid ng kahulugan sa pamamagitan ng
pagsulat at mga senyas. Gayunpaman, ang pagsasalita pa rin ang
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


2
pangunahing paraan ng paghahatid ng wika kung saan ang mga tunog na
ginagamit sa pagsasalita ang pinakasangkap ng wika para ipahayag ang
saloobin. Bawat wika ay may mga sariling tunog na may partikular na
patern ng pagsasaayos para ipahayag ang iniisip. Sa katunayan,
ginagamit ng tao ang wika sa pagmumuni-muni, pag-iisip o pakikipag-
usap sa sarili na tinatawag nating intrapersonal gayundin sa pakikipag-
ugnayan at pakikipag-usap sa ibang tao na tinatawag nating interpersonal.
Sa madaling salita, ang wika ang siyang behikulo ng ekspresyon at
komunikasyon na epektibong nagagamit.

Ayon kay Pineda (2004), umiiral sa dalawang kaantasan ang wika;
istandard at di-istandard. Bagama’t sa kalikasan ay walang salitang higit
na mataas o lalong mababa kaysa sa isang salita na pinatutunayan din ni
Paz (2003) na walang katotohanan ang isang koment na nagsasabing
mababa ang grammar ng ibang wika. Hangga’t naipahahayag ng mga
ispiker ng isang wika ang anumang gusto nilang ipahayag hindi pwedeng
sabihing mababa o primitiv ang gramar ng wika nila. Maaari lamang na
may mga kulturang sinasabing primitiv dahil degri ng kabihasnan o
istandard ng isang kultura ang pinagbabatayan pero hindi ito
nangangahulugang primitiv din ang gramar ng kanilang wika.
Ang wika ng kapinuhan ay karaniwang ginagamit, maituturing na
pangunahing bahagi ng pamayanan at nauunawaan ng lalong marami sa
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


3
lipunan. Ito ay may mataas na prestihiyo at ipinalalagay na mataas ang
kapantayan. Sa kabilang dako, ang wikang limitado, lokal o di-kultong
gamit ay di-istandard at itinuturing na mas mababa sa pamantayan.
Kaugnay ng nabanggit na mga kaantasan, mayroon ding pagkakaiba ang
wika sa sukatan ng istilo: una, istilong pormal na siyang angkop sa lahat
ng pagpapahayag na publiko at may kaselanan, pangalawa, ang istilong
di-pormal na malimit na ginagamit ng mga tao sa pagsasalita at pagsulat.
Tugma ito sa antas ng wika ni Tumangan (2000) na nahahati sa
dalawang kategorya, ang pormal at impormal. Ang pormal na wika ay
mga salitang istandard dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na
nakararami lalo na ng mga nakapag-aral ng wika. Saklaw nito ang antas
pambansa kung saan ay mga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat
pangwika o pambalarila na kadalasang ginagamit at itinuturo sa mga
paaralan at pamahalaan at antas pampanitikan na karaniwang
ginagamitan ng mga matatayog, malalalim, makukulay at masisining na
pagpapahayag ng mga manunulat sa kanilang mga akda.
Ang kategoryang impormal naman ng wika ay yaong karaniwan at
palasak na ginagamit sa araw - araw na pakikipag-usap. Saklaw nito ay
antas lalawiganin na ginagamitan ng bokabularyong pandyalekto; kolokyal
na ginagamitan ng mga salitang magagaspang; at balbal na
kinabibilangan ng pinakamababang uri ng antas ng wika.
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


4

Ang pagkamalikhain ng wika o pamamaraan ng ekspresyon ang
sinasabing pinakamahalagang katangian nito. Ayon kay Chomsky (1957)
sa pagbanggit ni Paz (2003), ang pagkamalikhain ng wika ay makikita sa
kakayahan ng tao lamang at wala sa ibang nilalang. Naipahahayag ng tao
sa wikang kinagisnan at natutuhan ang kabuuan ng kanyang karanasan,
damdamin at pag-iisip batay sa hinihingi ng iba’t ibang pagkakataon at
mga pangangailangan, maliwanag na dahilan para sabihing ang wika ay
isang katangian na yunik sa tao lamang.Bagaman ang mga hayop ay
mayroon ding paraan ng komunikasyon, hindi ito matatawag na wika.

Umaayon ang pahayag na ito ni Paz (2003) sa paliwanag ni
Lachica (1998), na ang hayop ay may kakayahan ding
makipagkomunikasyon sapagkat ginagamit ng mga insekto ang kanilang
pandama sa pakikipag-unawaan. Ang mga langgam ay nakapaghahatid
ng balita na may pagkain sa isang lugar sa pamamagitan ng pagkiskis ng
isang bahagi ng kanilang katawan sa katawan ng ibang langgam. Ang
mga lamok ay nakapagsasagawa naman ng kakaibang ingay kung may
dugo silang nasisipsip. Nagsasagawa naman ng kakaibang indayog na
kilos ang mga pukyutan o nagpapalabas ng kakaibang amoy upang
mapakilos ang ibang pukyutan sa paghahakot ng pagkain. Kakatwang
ingay naman ang ginagawa ng mga unggoy kapag nakadarama ng
panganib, saya,galit o tuwa.
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


5

Sa lahat ng ito, tanging ang mga kabilang lamang sa lipunan ng
tao ang may kakayahang makipagtalastasan sa paraang pasalita, pasulat
at maging sa pamamagitan ng mga simbolo at senyas.

Ayon sa mga dalubwika, ang wika ay sistema ng tunog o sagisag
na gingamit ng tao sa komunikasyon upang maintindihan ang sarili,
karanasan, kapwa tao, ibang tao, paligid, mundo, obhetibong realidad,
panlipunang realidad, pulitikal, ekonomikal at kultural. Ang pagsasalita ng
tao ang tinutukoy na sistema ng tunog at paraan naman ng ating pagsulat
at iba pang anyo ng sagisag o hudyat na ginagamit sa komunikasyon. Ang
mga sagisag ay pasenyas na wika. Tinutukoy na ang wika ay para sa tao.
Samakatuwid, ang wikang tinutukoy ay ang ginagamit ng tao sa
palaisipang ugnayan sa kanyang kapwa tao na gaya ng ginagawa ng guro
at mag-aaral sa loob ng klasrum.

Ang karanasan ng guro ay bukas na aklat sa ating bansa. Siya ang
ulirang propesyunal na kadalasang ulila at limot na lingkod ng bayan.
Ngunit sa kabila nito, siya ay matiyaga at taimtim na tumutupad sa
tungkulin bilang katuwang ng mga magulang at buong komunidad sa
pagmumulat ng mga mag-aaral.

May tatlong salik sa pilosopiya ng edukasyon, ito ay ang mga mag-
aaral, kurikulum at guro. Sa tatlong ito, ang may pinakamahalagang
tungkulin sa edukasyon ng mga bata ay ang guro dahil walang guro kung
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


6
walang mag-aaral na tuturuan. At dahil ang mga mag-aaral ang sentro ng
teaching-learning process, ang paglilimi at kawilihan sa pag-aaral ay
natutuon sa mga mag-aaral kaya hindi dapat sumentro lamang ang guro
sa sabjek na kanyang itinuturo kundi sa tinuturuan nito at sa paraan din ng
pagtuturo. Kaya kailangan niyang mag-isip ng masisiglang gawain sa
paglalahad ng aralin para makuha niya ang loob ng mga mag-aaral.

Umaayon dito ang paliwanag ni Hatch at Long (1980) na sa
interaksyon at interpersonal na pakikipag-usap ay dapat na may
kooperasyon ang bawat isa; may tuntuning sinusunod sa pag-akit sa
atensyon ng kausap.

Ang epektibong pag-aaral ay nakabase sa epektibong ugnayan ng
mag-aaral at ng guro. Ayon naman kay Badayos (1999) sa pagbanggit ni
Tomas (2004), ang pagtuturo ay isa sa mga pinakakomplikadong gawain
o propesyon. Sa larangan ng pagtuturo ng wika, ang usapan ay palagi
nang nakasentro sa guro ng wika at kung paano sila nagtuturo. Ang isang
epektibong guro ay hindi lang nakasalalay sa kahusayan sa pagtuturo
kundi ang kakayahang umunawa at makipag-ugnayan sa mga mag-aaral.

Sa loob ng klase, hindi lamang tagapagsalita ang guro kundi
tagapangasiwa rin. Dahil dito, nararapat lamang na mulat sa mga
estratehiyang pangkomunikatibo ang bawat guro. Kapag hindi magiging
maalam at magaling sa mga estratehiyang pangkomunikatibo ang guro,
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


7
malamang na hindi niya maituturo nang maayos ang mga aralin.
Umaayon ito sa binanggit ni Fernandez (2004) na ang tunguhin ng guro
sa diskurso ay napakahalaga lalo na ang paggamit niya ng iba’t ibang
kalakaran at estratehiya upang magampanan nang ganap ang kanyang
layunin.

May kaugnayan ito sa teorya nina Good at Brophy (1987) ayon sa
pag-aaral ni Lartec (2001) na maraming edukador ang nakakaalam sa
kahalagahan ng interaksyong pangklase. Ang mabuting interaksyon ng
mga guro at mag-aaral ay malaking salik sa pagkakaroon ng kalidad na
edukasyon. Sa interaksyong ito, ang kadalasan ng pagsasalita ng guro at
ng mga mag-aaral ay kalimitang ginagamit bilang sukatan.

Anupa’t hindi biro ang responsibilidad na nakaatang sa mga guro
kaya kailangan niya ng mga kaalamang hindi lamang sa sariling larangan
kung di gayundin sa sikolohiya upang higit na maging magaan para sa
kanya ang unawain at tanggapin ang indibidwal na pagkakaiba-iba ng
mga mag-aaral gaya ng kanilang mga kahinaan at kalakasan, tunguhin at
aspirasyon tungo sa pagkamit ng pagkatuto.

Malamang na ang pagsasagawa ng iba’t ibang estratehiyang
pangkomunikasyon ay magbibigay ng bagong direksyon sa paggawa ng
malaking pagbabago sa loob ng klasrum. Ang pinakamalawak na
pagbabago sa klasrum ay magbubukas ng lalong pinaigting na gawaing
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


8
intelektwal at pang-akademiko. Tulad halimbawa, kung gagamitan ng guro
ng iba’t ibang estratehiyang pangkomunikatibo ang mga mag-aaral sa
pagtatanong at hayaang mag-isip ang mga ito ng mga kasagutan o tugon
ay mahahasa niyang palawakin ang kanilang pag-iisip at kasabay nito ang
kanilang pagkatuto.
Talagang kinakailangang magkaroon ng mga karampatang
karunungan at estratehiya upang lalong mapahusay ang pamamaraan sa
pagtuturo at mapaganda ang karanasan sa pag-aaral ng mga mag-aaral.

Totoong nasa guro ang madali at mabisang pagkatuto ng mga
mag-aaral. Bukod sa paksa at pamamaraang dapat niyang matutuhan,
may mga katangian siyang dapat na laging isaisip upang maging lalo
siyang magtagumpay (Villanueva, 1991).

Paglalahad ng Suliranin


Layunin ng mananaliksik na suriin ang estratehiyang
pangkomunikasyong ginagamit ng mga guro sa pagtuturo ng Filipino sa
antas tersyarya ng Palawan State University. Sasagutin ng pag-aaral na
ito ang mga sumusunod na katanungan:
1. Anu-ano ang estratehiyang pangkomunikasyon sa pagtuturo ng
Filipino ng mga guro sa antas tersyarya ng Palawan State University?
2. Ano ang estratehiyang pangkomunikasyon sa pagtuturo ng
Filipino na karaniwang ginagamit ng mga guro ayon sa:
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


9
a. antas ng edukasyong natapos
b. unang wika
c. kolehiyong kinabibilangan ng mga mag-aaral
3. Ano ang antas ng persepsyon ng mga mag-aaral sa mga
estratehiyang pangkomunikasyon sa pagtuturo ng Filipino ng mga guro
sa antas tersyarya ng Palawan State University?

Layunin

Nilalayon ng pag-aaral na:
1. Matukoy ang estratehiyang pangkomunikasyon sa pagtuturo ng
Filipino ng mga guro sa antas tersyarya ng Palawan State University.
2. Masuri ang estratehiyang pangkomunikasyon sa pagtuturo ng
Filipino na karaniwang ginagamit ng mga guro ayon sa:
a. antas ng edukasyong natapos
b. unang wika
c. kolehiyong kinabibilangan ng mga mag-aaral
3. Masuri ang antas ng persepsyon ng mga mag-aaral sa mga
estratehiyang pangkomunikasyon sa pagtuturo ng Filipino ng mga guro
sa antas tersyarya ng Palawan State University.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang resulta sa pag-aaral na ito ay inaasahang makatutulong sa
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


10
pagpapaunlad ng estratehiyang pangkomunikasyon na bubuo ng isang
makabuluhan at mabungang pang-akademikong gawain.

Sa tagapagtaguyod ng edukasyon, makatutulong ito bilang
mapagkukunan ng impormasyon sa kanilang pagsasagawa ng plano at
pagpapatupad ng kanilang kurikulum ayon sa pangangailangan, upang
maiagapay sa pamantayang pandaigdig ang pagpapataas ng uri ng ating
edukasyon sa Pilipinas.

Sa mga administrador, superintendente at superbisor na
tagapangasiwa ng mga guro, makatutulong ito sa kanilang paggawa ng
mga makabuluhang programa para sa pagpapainam ng mga guro tungo
sa mabisang pagkatuto ng mga mag-aaral.

Sa mga guro, magiging gabay nila ito sa pagpapahalaga ng mga
napapanahong estratehiya sa pagtuturo ng wika upang makasabay sa
modernisasyon at globalisasyon upang maiangat ang pamantayang
pangwika. Magsisilbi rin itong paalaala sa kanila na huwag nilang
payagang mapalitan ang kanilang papel bilang guro sa klasrum ng mga
makabagong teknolohiya at multimediang kagamitan na bagama’t
mahalaga sa pagkatuto ay kailangan pa ring maipakita ng mga guro na
moderno, makabago at pangglobal ang kanilang estratehiya upang
makasabay sa mga napapanahong makabagong teknolohiya.
Sa mga mag-aaral, ito ay magbibigay ng kabatiran sa kanila
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


11
tungkol sa mga estratehiyang pangkomunikasyong ginagamit ng mga
guro upang kanilang mapabuti at mapahusay pang lalo ang pagiging
malikhain at mapanuring pag-iisip na nagdudulot ng higit na tagumpay sa
kanilang propesyon sa hinaharap.

Sa mga mananaliksik, magiging instrumento ito sa pagsasagawa
ng kahalintulad o anumang kaugnay na pag-aaral gaya nito. At upang
magkaroon din ng kaalaman sa mga makabagong estratehiya at gawain
sa edukasyon.

Sadyang napakahalagang matalakay ang relasyon ng
estratehiyang ginagamit at pagkakagamit ng wika upang masuri ang papel
na ginagampanan ng estratehiyang pangkomunikasyon sa pagpapanatili
ng usapan sa klasrum.

Saklaw at Delimitasyon

Nakatuon ang pag-aaral na ito sa pagtukoy sa mga estratehiyang
pangkomunikasyon sa pagtuturo ng Filipino ng mga guro sa antas
tersyarya ng Palawan State University, Puerto Princesa City, Palawan.

Sinuri rin sa pag-aaral na ito ang estratehiyang
pangkomunikasyong karaniwang ginagamit ng mga guro ayon sa antas
ng edukasyong natapos, unang wika at kolehiyong kinabibilangan ng mga
mag-aaral at antas ng persepsyon ng mga mag-aaral sa mga
estratehiyang pangkomunikasyon sa pagtuturo ng Filipino.
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


12

Ginamit ng mananaliksik ang modelo ni Tarone (1997) upang
pagbasehan sa pagtukoy at pagsuri ng mga estratehiyang
pangkomunikasyong ginagamit ng guro sa pagtuturo.

Ang sabjek ay mga guro ng Filipino sa antas tersyarya ng Palawan
State University at ang mga respondente ay kanilang mga mag-aaral.

Sa pagkuha ng persepsyon ng mga mag-aaral sa mga
estratehiyang pangkomunikasyon, ginamit ang Kolmogorov-Smirnov-Z
test at 5 point scale. Ang 4.50-5.00- palagi, nangangahulugang ang
estratehiyang pangkomunikasyon ay ginamit ng guro sa halos lahat ng
pagkakataon sa kanyang pagtuturo; 3.50-4.49-malimit,
nangangahulugang ang estratehiyang pangkomunikasyon ay ginamit ng
guro nang madalas sa kanyang pagtuturo ngunit hindi kasindalas ng
palagi; 2.50-3.49-minsan, ito naman ay nangangahulugang ang
estratehiyang pangkomunikasyon ay ginamit lamang ng guro nang pana-
panahon. Ibig sabihin may pagkakataong nagagamit ito ngunit may
pagkakataon ding hindi; 1.50-2.49- bihira, ito ay nangangahulugang ang
paggamit ng guro ng mga estratehiyang pangkomunikasyon ay madalang
sapagkat nabibilang lamang ang pagkakataong iyon at 1.00-1.49-hindi,
ibig sabihin ay hindi nagamit ang mga estratehiyang pangkomunikasyong
nabanggit.
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL



Kaugnay sa pagsasagawa ng pag-aaral na ito, sinikap ng
mananaliksik na makabasa ng mga literatura at kaugnay na pag-aaral na
magsisilbing giya sa pagtahak sa pagtuklas ng mga kasagutan sa
kanyang mga suliranin. Sa kabanatang ito ay malalaman kung ano ang
wika at ang mga gamit nito sa pang-araw-araw na realidad. Malalaman
ding hindi lang kung paano nabubuo ang wika kundi kung ano pa ang
ginagawa ng nagsasalita sa paraan ng wikang gamit niya para epektibo
siya sa kanyang pakikipagtalastasan.

Teorya sa Pagtatamo ng Wika

Ayon kay Paz (2003), natural lamang sa tao ang pagkatuto,
pagkakaroon at tuluyang paggamit ng kanyang wika mula pagkabata. Ito
ay kung wala siyang naging kapansanan para hindi matuto ng wika o
kaya’y para matigil ang kanyang paggamit ng wikang kinagisnan. Mariin
itong sinang-ayunan ni Sauco ,Atienza at Papa (1998) sapagkat ayon sa
kanila, ang wika at pagsasalita ay bahagi at gawain ng tao sa pang-araw-
araw na buhay kaya ipinalalagay na likas, katutubo at payak. Ito ang
dahilan kung bakit bihira itong mapag-ukulan ng pansin sapagkat natural
lamang ito na gaya ng ating paghinga at paglakad. Ayon pa sa kanila,
dapat nating pakaisipin na ang pagkalikas ng ating pagsasalita ay may
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


14
kaibahan sa paraan ng ating pagkatutong humakbang. Ang kultura o
kalinangan ay hindi lubhang kailangan sa ating pagsisimulang lumakad.
Bawat bata ay nasasangkapan ng mga salik o bahaging tinatawag nating
mga minanang pambiyolohiya, kaya kusa itong tumatagilid, tumatakbo,
gumagapang, umuupo, tumatayo at humahakbang. Ang kanilang
organismo, mga ugat at kalamnan sapul pa sa pagiging tao ay handa sa
napipintong paglakad. Samantala, sa wika at pagsasalita ay iba, mariin
mang sinang-ayunan ni Sauco (1998) ang unang pahayag ni Paz (2003),
binigyang linaw niya naman na totoong ang isang tao ay natatalagang
makapagsalita subalit hindi lamang sa dahilang ipinanganak siyang may
sangkap para dito kundi sa dahilang siya ay nasa gitna ng lipunan o ng
mga taong katututuhan niya ng pagsasalita. Alisin ang lahat ng tao sa
kanyang paligid; matututo siyang lumakad ngunit hindi siya
makapagsasalita.

Kung susuriin ang paliwanag ng dalawang grupo ng dalubwika,
mauuring sumang-ayon sa paniniwala ng mga innativist ang paliwanag ni
Paz (2003) sapagkat nakasaad sa
teoryang
innative
na ang pagkatuto ay batay sa paniniwalang lahat ng bata ay ipinanganak
na may “likas na salik” sa pagkatuto ng wika kaya hindi na kailangang
suportahan ang bata sa pagtamo ng wika dahil likas na niya itong
matututunan.
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


15

Umaayon ito sa pahayag ni Daniels sa kanyang Siyam na Ideya sa
Wika sa pagbanggit ni Austero (1999), na natututuhan ng mga bata ang
kanilang wika nang mabilis at episyente kahit walang nagtuturo. Sinang-
ayunan pa ito nina Skinner (1957) at Corder (1983) sa pagbanggit ni
Abad (1996), na binibigyang-diin sa pinalatuntunang pagtuturo ang
simulaing bawat isang indibidwal ay may sariling bilis ng pagkatuto at
maaaring matuto kahit walang gurong magtuturo.

Samantala, ang paliwanag naman nina Sauco (1998) ay nakabatay
sa teoryang behaviorist na nagsasaad na ang mga bata ay ipinanganak
na may kakayahan sa pagkatuto at ang kanilang kilos at gawi ay maaaring
hubugin sa pamamagitan ng pagkontrol ng kanilang kapaligiran.

Ayon pa rin sa mga behaviorist sa pagbanggit ni Lartec (2001), ang
tao ay ipinanganak na may “tabula rasa” o “blank sheet”. Ibig sabihin
walang laman ang utak at walang kaalaman sa wika, magkakalaman
lamang ito habang nakikisalamuha sa kapwa sa kanyang paglaki.
Maaaring matuto ang isang nilalang sa tamang pagtugon sa stimulus na
nadarama at nakikita sa paligid.

Naaayon ito sa paniniwala ni Chomsky (1957,1965) na ang
kakayahan sa wika ay kasama na pagkapanganak ng tao at likas itong
nalilinang habang ang mga bata ay nakikipag-interaksyon sa kanyang
kapaligiran.
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


16

Inilarawan ni Chomsky ang prosesong ito sa pamamagitan ng
analohiya ng isang likhang-isip na “aparato” na taglay ng mga bata,
tinawag niya itong Language Acquisition Device (LAD). Ang LAD ay
tumatanggap ng mga impormasyon mula sa kapaligiran sa anyo ng wika.
Ang wikang ito ay sinusuri at pagkatapos marinig, bubuuin na sa isipan
ang mga tuntunin ay inilalapat habang nakikipag-usap ang mga bata. Ang
LAD ay patuloy na ginagamit ng mga bata bilang sistema ng pagbuo ng
mga tuntunin hanggang sa marating nila ang kaganapan ng kanilang edad
(maturation).

Sa madaling salita, ayon sa LAD, ang tao’y marunong kumilala ng
tunog na naririnig at nakabubuo ng kalagayang panlinggwistika sa iba’t
ibang anyo na maaring maiwasto sa pagdaan ng panahon. Batid din
niyang magkakaiba ang wika sa kalikasan, kasaysayan at istruktura.
Makakaya rin niyang bumuo ng mga pamantayang panlinggwistika na
kailangan sa pagkatuto ng wika sa ibang tao.

Sang-ayon ito sa paniniwala nina Abad at Ruedas (1995) na ang
mga bata ay natututo ng wika sa pamamagitan ng pagmamasid at
panggagaya sa mga taong nakakasalamuha nila kaya sa paaralan ay
madali silang natututo sa pakitang-turong pamamaraan ng guro. Nagiging
konkreto at tumatagal ang natututuhan nila dahil namamasdan at
nagagaya nila ang mga itinuturo ng guro (Ngamoy,2002).
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


17
Linggwistika
Napakatagal nang panahon na pinag-aaralan ng tao ang mga wika
ng tao. Sa pagtatapos ng ikalabinsiyam na sentyuri itinakda ang
pagsisimula ng mga unang linggwistiks na pag-aaral ng mga wika. Iba’t
iba ang depinisyon ng linggwistika, kalimitan ay ayon sa oryentasyon at
pinaniniwalaang disiplina ng linggwistang nagbibigay ng depinisyon.
Subalit mapapansin na lahat sila ay nagkakaisa kabilang na si Santiago
(1979) sa pagsasabing ang linggwistika ay ang maagham na paraan ng
pag-aaral sa wika. Manapa, higit na angkop sabihin na ang linggwistika ay
isang maagham na paraan sa pagtuklas ng impormasyon at kaalaman
tungkol sa wika. Ang pinakasanligan ng lahat ng maagham na pagsusuri
ay nagdaraan sa proseso ng pagmamasid sa wika at sa epekto ng wika
sa tao kung saan ang pagtitipon ng obhektibo at walang kinikilalang mga
datos at mga obserbasyon ang hindi nakukulayan ng emosyon ng isang
linggwista.
Ayon kay William G. Moulton sa pagbanggit ni Tayao sa kanyang
modyul, ang linggwistika ay sangay ng pakakatuto ng wika ng tao at ng
buong lipunan: kung paanong nabuo ang wika; paano nagkakaiba-iba sa
mga lugar at nagbabago sa paglipas ng panahon; ano ang kaugnayan sa
iba pang wika; at kung paano ginagamit ng mga spikers.
May dalawang pangunahing sangay ang linggwistika, ang
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


18
theoritical (teoretiko) at applied (nilapat). Ang teoretikong linggwistika ay
nauukol sa kalikasan ng wika at sangkap nito. Samantala, ang nilapat
naman ay nauukol sa paggamit ng wika, paano ito natamo at natutunan at
kung paano ito ituturo. Patunay ito sa pahayag ni Hemphill (1962),
sapagkat ayon sa kanya, ang applied (nilapat) na linggwistika ay yaong uri
ng linggwistikang maaaring pakinabangan ng mga guro sa pagtuturo ng
wika. Kabilang dito ang iba’t ibang dulog sa pagtuturo ng wika, paglalapat
ng mga metodolohiya at pamamaraan sa pagtuturo ng unang wika,
pagtuturo ng metodolohiya sa pagtuturo ng wikang banyaga at ikalawang
wika. At bilang karagdagan, saklaw nito ang materyal produksyon na may
diin sa mga alituntuning pinagbabatayan ng mga materyal na disenyo,
pagpapatupad at ebalwasyon. Dalawang uri ang kinakailangan, ang mga
ito ay ang mga kagamitang pampagtuturo o mga kagamitan at
ebalwasyon sa pagkatuto ng wika o mga kagamitan sa pagsubok ng wika.
Ang mga dalubwika namang nag-aaral ng mga mahahalagang
yunit ng wika at mga disenyo ng pag-ayos nito ay maaaring mauri sa
teoretikong linggwistika, sapagkat sinubok nilang gumawa ng panuntunan
ukol sa tamang gamit ng wikang kanilang pinag-aaralan at itinatala ang
mga natuklasan.
Ayon naman sa isang artikulo ng wikipedia sa internet, ang pag-
aaral ng linggwistika ay maaaring isadiwa sa tatlong malalaking aksis; 1).
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


19
synchronic at diachronic kung saan ay binabahala ng synchronic na pag-
aaral ng wika ang anyo nito sa isang bigay na sandali samantala,
sinasakop naman ng diachronic na pag-aaral ang kasaysayan ng isang
(grupo ng) wika at ang pagbabago ng kayarian sa paglipas ng panahon.
2). Teoretiko at nilapat kung saan binabahala ng linggwistikang teoretiko
ang mga framework para ilarawan ang kanya-kanyang wika at teorya
tungkol sa unibersal na aspekto ng wika samantala, nilalapat naman ng
linggwistikang nilapat ang mga teoryang ito sa ibang larangan. 3).
Kontekstwal at malaya kung saan ay binabahala ng linggwistikang
kontekstwal kung paano iaangkop ang wika sa mundo: ang kanyang
tungkulin sa lipunan, paano ito nakuha, paano ito nilikha at namataan.
Binabahala naman ng malayang linggwistika ang wika para sa kanyang
sariling kapakinabangan maliban sa panlabas na kaugnay na wika. Bilang
karagdagang paliwanag hango sa modyul ni Tayao, ang mga pag-aaral sa
teoretikong linggwistika ay nakatuon sa sangkap ng wika sa isang
takdang panahon, ito ang tinatawag na synchronic na linggwistika. Ang
synchronic na pag-aaral ay nakatuon sa paglalarawan ng isang tanging
wika. Ang mga paglalarawang ito ay binubuo ng corpus of descriptive
linguistics. Sa kabilang banda, sa synchronic ay maari ring maghambing
ng dalawa o higit pang wika gamit ang contrastive analysis para malaman
ang pagkakapareho at pagkakaiba ng mga ito. Ito ang tinatawag na
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


20
comparative linguistics. Ang heograpiyang pagkakaiba-iba sa wika ng
mga dayalekto ang halimbawa nito.
Taliwas sa snychronic na pag-aaral kung saan ay pag-iimbestiga
ng mga wikain sa isang itinakdang panahon, may mga pag-aaral naman
sa teoretikong linggwistika na may kinalaman sa mga pagbabagong
nagaganap sa wika sa paglipas ng panahon. Ito ang tinatawag na
diachronic na pag-aaral. Isa sa mga pag-aaral dito ay ang historikal na
linggwistika. Ayon kay Santiago (1979), ang tinuturing na kauna-
unahang disiplina sa linggwistika ay ang linggwistikang historikal na
naglalayong magpatotoo na ang wika sa daigdig ay nagmula sa iba’t
ibang angkan. Ang ganitong simulain ay pinatunayan sa pamamagitan ng
pag-alam sa pagkakatulad-tulad at pagkakaiba-iba ng iba’t ibang wika.
Ang isang pinakakaraniwang paraan ay ang pag-alam sa mga salitang
magkakaugat (cognates) sa mga wika. Sa payak na pagpapakahulugan,
ang mga wikang katatagpuan ng sapat na dami ng mga salitang
magkakaugat, bukod sa malaking pagkakahawig sa palatunugan,
palabuuan, at palaugnayan, ay pinapangkat sa isang angkan. Para sa
lubos na pag-unawa ng linggwistika, tunghayan ang kabuuang
paglalarawan nito sa figyur 1.
Sa descriptive linguistics ay inaalam ang sangkap ng wika sa itinak-
dang panahon. Kasama rito ang tunog o palatunugang sangkap, ang ma-
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007






Psycholinguistic

Linguistics
Sociolinguistics


Neurolinguistics




Theoretical
Applied linguistics

linguistics



Language
Materials
Synchronic
Diachronic
Teaching
Production




Historical

Descriptive
Comparative
linguistics
Native
Instructional

linguistics
linguistics
language



Phonology
Morphology
Syntax
Discourse


Foreign
Evaluation

language


Articulatory
Free
Structural
Text

Phonetics
morphemes
grammar
analysis

* IC
Second

* TG
Acoustic
Bound
language

* Case
Phonetics
morphemes


Genre

Semantic
analysis

grammar




Padagogical

grammar

























22
kabuluhang yunit ng tunog, ang balarila at retorikang ayos ng wika. Ang
pag-aaral ng palatunugang sangkap ng wika ay tinatawag na ponolohiya.
Ang sangay ng ponolohiya na tumatalakay sa pagbuo ng mga tunog ay
tinatawag na articulatory phonetics samantala, ang tumatalakay sa
pagtanggap ng mga tunog ay tinatawag na acoustic phonetics.

Morpolohiya naman ang tawag sa makahulugang yunit ng wika.
Saklaw nito ang malayang anyo ng salita o mga salitang nagbibigay ng
kahulugan at ang pinalawak na kinakabitan ng mga panlapi upang
matukoy at magkaroon ng karagdagang kahulugan ang salita. Ang una
ay tinatawag na free morphemes samantala ang huli ay bound
morphemes.

Ang pag-aaral naman ng grammatical pattern ng wika ay may
kinalaman sa ayos ng mga salita. Tinatawag ito bilang sintaksis
samantala ang linggwistikang nauukol sa pagsusuri ng buong teksto at
genre ay tinatawag namang diskurso.

Tunghayan ang figyur 2 upang lalong maunawaan ang sangay na
ito ng linggwistika pati ang saklaw nito.

Ang pag-aral at pag-alam ng mga ito ay nagsimula sa structural
Grammar tulad ng kay Bloomfield (1917) immediate constituents o IC
grammar patungo sa transformational-generative o TG ni Chomsky
(1962) Patungo sa case grammar ni Fillmore (1987), ang dalawang huling
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007







Phonology











Phonetics









Articulatory
Acoustics
Auditory


phonetics
phonetics
Phonetics






The study of the
the study of the
The study of the
production of
transmission and
perception of


speech sounds
the physical
speech sounds.


properties of


speech sounds

































24
nabanggit ay patungo sa semantic o communicative grammar at ang
pinakahuli ay ang kasalukuyang pedagogical grammar.

Ayon pa rin kay Santiago (1979) sa Pilipinas, masasabing ang
modelong istruktural pa rin ang pinakapalasak. Bukambibig man ang
modelong transformational-generative ni Chomsky (1962) at ng
kanyang mga kasamahan ngunit waring ang modelong ito ay hindi
makapasok sa larangan ng pagtuturo ng wika sa mga paaralan. Panahon
na lamang ang makapagsasabi kung aling modelo ang sa dakong huli ay
totohanang papalit sa modelong istruktural.

Sa kasalukuyan ay marami pang lumilitaw na modelo sa
linggwistika. Ang pinakahuli at malamang na siyang maging
pinakamalaganap at gamitin sa darating na mga araw ay tinatawag na
mathematical linguistics o linggwistikang matematikal. Kung minsan ay
tinatawag itong computational linguistics. Bagama’t ang disiplinang ito ay
hindi pa gaanong nalilinang sa ngayon, halos natitiyak nang ito ay
magiging palasak sa malapit na hinaharap dahil sa pagdatal ng computer
sa halos lahat ng larangan ng pag-unlad. Makikita sa figyur 3 ang
paglalarawan ng sakop ng pag-aaral na ito.
Sa kabuuan, ang pagmamasid sa wika ay maaring tungkol sa mga
katangian ng wika mismo o maaari rin namang sa nagiging epekto ng
wika sa tao – sa ating mga gawi at paniniwala; at ang ating pagbibigay-ka-
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007





Linguistics








Theoretical
Applied


(nature and
(how language is

component of
taught and


language)
learned)



Theoretical

(nature and
Diachronic
component of
(across time)
language)

Descriptive
Comparative

linguistics
Linguistics
Historical
(one language)
(two or more
linguistics
languages
Phonology
Morphology
Syntax
Discourse
Articulatory
free
Structural
Text analysis
phonetics
morphemes
Grammar
bound
Genre
Acoustic
morphemes
Analysis
phonetics
Semantic
(communicative
Grammar)
Pedagogical
grammar


26
hulugan sa mga bagay-bagay at pangyayari sa ating paligid ay
masasalamin sa wika (Santiago, 1979). Nangangahulugan lamang na
ang linggwistika ay ang pagsasaalang-alang at paggamit ng mga
maagham na paraan sa pag-aaral at pagsusuri ng wika.

Sang-ayon din ito sa ideya ni Hockett (1947) dahil ayon sa kanya,
sa tradisyunal na pag-aaral ng wika, di tinututukan ang istruktura ng salita.
Pinagsama-sama lamang ang mga salita sa listahan at tinawag na
bokabularyo. Nakita lang muli ang importansya ng ganitong pag-aaral
noong nagkaroon ng emfasis sa mga pag-aaral na singkronik at
nabigyang pansin ang istruktura ng salita (Nida, 1957).

Ayon kay Paz (2003), ang palaging isyu sa linggwistika ay ang
paghahanap ng relasyon sa pagitan ng eksternal na mga tunog at internal
na mga kahulugan kaya nga para kay Chomsky (1957), may sistema na
nagrereleyt ng kahulugan sa mga tunog sa isipan ng tao. Para
madeskrayb ang isang pangungusap, kailangang may paraan ang
gramatika para madeskrayb ang aktwal na mga tunog, para marepresent
ang kahulugan, at para madeskrayb ang sintaktik-straktyur na nag-uugnay
sa dalawa.
Sosyolinggwistika

Ayon kay Hufana (1994) sa pagbanggit ni Lartec (2001), ang
kalikasan ng wika ay hindi lamang estatikong paglalarawan ng tuntunin at
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


27
sistema kundi pati sa proseso at estratehiyang ginagamit ng tao sa
pakikipagtalastasan at pakikipag-interaksyon. May kaugnayan ito sa
sinabi ni Paz (2003) na ang wika ay isang sistema ng mga simbolo at
senyales na binibigyan ng kahulugan ng mga miyembro ng grupo. Ang
simbolo ang nagbibigay ng identidad o pagkakakilanlan sa mga tao at
mga bagay sa lipunan.

Tumutugma ang ideya ni Gleason (1998) sa mga naunang
pahayag sapagkat ayon sa kanya, ang wika ay isang eksklusibong pag-
aari ng tao dahil tangan niya ito at instrumento sa pakikipagtalastasan
kaya kapangyarihang taglay niya ito kung paano niya ito gagamitin, kailan
at kanino.

Umaayon ito kay Daniel sa pagbanggit ni Austero (1999) na
nagsasabing iniaakma ng tao ang kanyang wika sa kanyang mga kakilala
at di-kilala, sa kanyang “boss” o pinuno, sa bata o matanda. Iba rin ang
wika natin sa loob ng tahanan at paaralan kaysa sa loob ng husgado.
Mahalaga kung gayon hindi lamang ang pagsasalita kundi papaano,
kailan at kanino sasabihin.

Sa kabilang banda, ang katangin o baryabol gaya ng yaman,
paniniwala, oportunidad, kasarian, edad at iba pa ay nagdudulot ng
katangian ng varayti ng wikang dala ng relasyong sosyal ng mga
miyembro nito. Kaya nga may sosyal-dayalek na gamit lang ng
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


28
nakaaangat sa buhay na kaiba sa mga varayti ng wika ng mga mahihirap
kung paanong may pagkakaiba rin sa varayti ng mga nakapag-aral sa
mga hindi nakapag-aral.

Bilang karagdagan, sa pamamagitan ng wika, ang isang bata ay
nahahanda sa haharaping papel niya sa kinabukasan. Ayon kay Stratus at
Denzin, sa pagbanggit nina Aguilar atbp. (1995), ang isang bata ay
nagiging sosyal sa sandaling nagkakaroon na siya ng kakayahang
makipag-usap sa iba at makaimpluwensiya o maimpluwensiyahan ng iba
sa pamamagitan ng salita. Ito ay sa dahilang natututuhan niya ang
pamantayan ng pagkilos at pag-uugali na siyang umaayos ng mga
relasyong panlipunan.

Ayon kay Finocchiaro (1974), social roles ang kalimitang tumutukoy
sa linguistic roles (katulad halimbawa ng pag-uusap sa pagitan ng guro sa
estudyante, doktor sa pasyente) at varayti ng wika na magagamit sa
speech act. Bawat isa sa atin ay naiiba ang paraan ng pakikipag-usap sa
maraming pagkakataon depende sa ating sosyal na kalagayan – ang
sosyal o propesyunal na sitwasyon na ating ginagampanan; ang
kinakailangang antas—pormal o impormal; ang paksa ng pinag-uusapan
at iba pang salik na nakaaapekto sa ating verbal behavior.

Sang-ayon ito sa pahayag ni Lachica (1998), na bawat pakikipag-
usap ng tao ay maaaring maganap sa isang lugar at panahon. Ayon na
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


29
rin sa unibersal na kasabihan, ang mga naroroong bagong pangyayari,
sitwasyon at panahon ang bumubuo sa konteksto ng pakikipagtalastasan.
Na maaaring makaimpluwensya sa mga taong nag-uugnayan. Ang
masayang usapan ng dalawa o higit pang tao ay maaaring biglang
magbago kapag may dumating na estranghero—nagbabago ang

konteksto ng kanilang komunikasyon. Nagbabago rin ang takbo ng
kanilang isipan kung ang pag-uusap ay paksang nakalulungkot o taong
kinamumuhian, ganun din ang pag-uusap sa loob ng isang tahimik o
sagradong lugar kaysa sa magulo at maingay na lugar, ganoon din sa
pag-uusap kung may namumuong galit at masakit na paghihinala at iba
naman kung naroon ang tiwala at katapatan sa isa’t isa.

Idinagdag pa ni Tumangan (2000) na ang antas ng wika ay isang
mabisang palatandaan kung anong uri ng tao siya at kung sa aling antas-
panlipunan siya nabibilang. Katanggap-tanggap ang pahayag na ito ni
Tumangan sapagkat kung nauunawaan nga naman natin ang antas ng
wika, magiging madali para sa atin ang pag-agpang ng paggamit ng wika
sa katayuan ng buhay, hinihingi ng pagkakataon, lugar o maging sa
anumang okasyong dinadaluhan.

Akma rin ito sa Limang Istilo sa Wika ni Joas (1957) sa pagbanggit
ni Austero (1999), na ang wika ay may relasyon sa mga lipunan at
indibidwal na ginagamit nito. Nangangahulugan lamang na ang wika ay
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


30
nahuhulma o lumilitaw dala ng pangangailangan ng lipunang nagsasalita.

Sa kabuuang tanaw, nagiging makabuluhan ang mga varyant kung
nagkakaroon ito ng halagang sosyal o importansya sa interaksyong
sosyal.

Ang mga dalubwika ay nagkakaisa sa pagsasabing ang wika ay
may kalikasan, kakayahan at katangian sa iba’t ibang panig ng mundo. At
sapagkat ang lahat ng wika ay may kanya-kanyang gamit sa loob ng
lipunang ginagalawan, ito ang nagiging kasangkapan ng mga tao para sa
materyal na pag-unlad, maging sa pagsulong ng kultura, edukasyon,
agham, sining at humanidades.

Tumutugma ito sa pahayag ni Fanon (1977), ayon sa pagbanggit ni
Almario (1996), na ang pagsasalita ng isang wika ay pagpasok sa isang
daigdig at isang kultura—na ang wika ay hindi maihihiwalay sa “daigdig” at
sa ‘kultura” na pinag-ugatan nito at nagbibigay-buhay dito.

May kaugnayan din ito sa pahayag ni Aguilar (1995) na ang
edukasyon ay isang pamamaraan ng sosyalisasyon at pagpapalitan ng
kultura. Ito raw ay isang anyo ng interaksyong pangkatauhan, isang
gawaing panlipunang nagaganap sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan
sa isa’t isa sa kanyang tungkulin sa lipunan.

Ipinahihiwatig lamang dito na ang edukasyon ay lumilinang ng
isang tunay na tao – pangkatawan, pangkaisipan, panlipunan, kabutihang-
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


31
asal at pangkaluluwa. Gayundin, ito ay ang paglinang ng tao upang siya
ay magkaroon ng sapat na kaalaman, kasanayan at mga pagpapahalaga
o mga valyu sa buhay; bagay na lubhang kailangan upang maging
maayos at matiwasay ang pakikipamuhay ng tao sa kanyang lipunang
ginagalawan.

Ang pakikipagkontak sa kultura at wika ng ibang grupo ang isa
pang bagay na nagbabago sa envayronment at ito ay nagkakaroon ng
impak sa isang wika. Dala ng mga bagong aytem sa kulturang pisikal
tulad ng pang-araw-araw na gamit o arkitektyur, o ng mga gawi, mga
ritwal o di kaya relihiyon, hindi maiiwasang magbago ang wika.

Maraming dalubwika ang nagpatunay na ang wika ay buhay o
dinamiko sa pagdaan ng panahon. Ito ang masasabing permanenteng
katangian ng wika. Ang pagbabago ay maaring tungo sa pag-unlad o
pagkawala mismo ng wika.

Ang pagsasaalang-alang ng sosyolinggwistika ay di gaanong
makabuluhan subalit nakapagbibigay diin sa katotohanan ang mga mag-
aaral at ang komunidad na kanyang kinabibilangan, kinagisnan at
pinamalagian ang siyang sentro sa proseso ng pagkatuto.

Ang Guro at mga Mag-aaral

Ayon kay Lachica (1998), masasabing ang komunikasyon ay
intensyonal na naglalayong maimpluwensyahan ang isipan, galaw at kilos
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


32
ng kausap o kaharap sa pamamagitan ng mga epektibong tekniko sa
pakikipagtalastasan.

Ayon sa mga dalubwika at ilang tagamasid, malaon nang
napagtanto ng mga pantas sa pagtuturo na ang dapat pag-ukulan ng
paglilimi ay hindi ang guro o ang paksang aralin kundi ang mga mag-
aaral. Ito ay walang iba kundi ang mga layunin ng pagtuturo ay para sa
kapakinabangan ng mga mag-aaral. Ang mga mag-aaral ay dapat na
lubos na maunawaan ng guro sapagkat sila ang sukat ng lahat ng bagay
sa pagtuturo.

Sinang-ayunan din ito ni Villanueva (1991), na dapat isaalang-
alang ng guro ang mga mag-aaral at ang paksa sa pagpili ng
pamamaraan ng pagtuturo.

Dahil magkakaiba ang mag-aaral, kailangang pag-iba-ibahin din ng
guro ang kanyang pamamaraan. Binigyang diin ni Villanueva (1991) na
dapat ay higit na alamin at unawain ng guro ang bawat mag-aaral
sapagkat dapat niyang ibagay ang mga paksa at pamamaraan ng
pagtuturo sa tunuturuan. Subalit nilinaw ni Mariano (1991) na hindi ang
paksa ang ibabagay kundi ang pamaraan ang ibabagay sa likas na paksa.

Gayunpaman, kailangan ding ang guro ay may sariling paniniwala
tungkol sa kalikasan ng mga mag-aaral at kung paano niya ito
mapapanuto. Mahalaga ang kabatiran sa mga teorya dahil ang mga ito
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


33
ang magsasabi ng mga tamang gawain sa pagtuturo.

Makatutulong nang malaki sa guro kung malalaman niya ang iba’t
ibang pamamaraan sa paglalahad ng mga aralin. At upang maging
matagumpay ang pagtuturo, ang guro ay dapat na pumiling mabuti ng
pamamaraang gagamitin. Ngunit gamitin lamang sa pagtuturo ang
pinakaangkop na estratehiya upang maging epektibo (Finocchiaro, 1974).

Ayon kay Pineda (2004), ang ikalawang bagay na dapat isaalang-
alang sa pagtuturo ay ang mga uri at katangian ng mga mag-aaral sa
bawat uri, mapagbubukod-bukod din ang mga estudyante ng tulad sa mga
kategoryang pag-uri-uri ng mga guro. Sa bawat kategorya ay iba-ibang
klase ng estudyante ang makikita. Nagkakaisa sila ni Villanueva (1991)
dahil ayon sa kanya ang pagkakaiba-iba ng mga mag-aaral ay
makabuluhan sa pagtuturo at tungkulin ng gurong kilalanin at gamitin ang
mga naturang kaibahan.

Dagdag pa ni Santiago (1979), ang edad, kakayahan, mithiin,
pangangailangan, unang wika at karanasan sa wika ay makatutulong sa
paghahanda ng aralin sa pagsasagawa at pag-iipon ng nararapat ng
gamit sa pagtuturo. Ang mga ito ay ilan lamang sa magiging gabay para
pumili ng metodolohiya at kagamitan sa pagtuturo tungo sa ikapapanuto
ng mga mag-aaral. Kabilang dito ang estratehiyang pangkomunikasyong
karaniwang ginagamit ng mga guro tungo sa pagkakaroon ng mag-aaral
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


34
ng agarang pagkatuto ng mag-aaral.

Ang pagtatanong ay ang pinakapuso ng metodolohiya ng
pagtuturo. Ang maayos na pananalita at maingat na paghahanda ng mga
tanong ang nagdadala sa pagpapatuloy ng aralin. Ang di maayos na
pahayag at di makatotohanang katanungan ay nakapagpapahinto o
nakapagpapaantala ng talakayan.

Ayon pa kay Barayuga(1992) sa pagbanggit ni Ngamoy (2002),
ang pagsasalita ng guro ay may malaking impluwensiya sa mga mag-
aaral dahil maaari itong makaganyak o makabawas ng kanilang sigla sa
pakikinig at pakikiisa kaya nararapat lamang ng mag-ingat siya sa mga
binibitiwang salita upang magsilbi siyang inspirasyon at hindi depresyon
sa mga tinuturuan. Kaya nga dapat na iwasan ng guro ang paggamit ng
mga estratehiyang nagbubunga sa pagiging pasibo ng mga mag-aaral at
marapat lamang na gamitin ang mga estratehiyang makalilinang sa
aktibong paggamit ng wika.

Sa pag-aaral na isinagawa ni Lartec, (2001) nabanggit niya ang
sinabi nina Bloomfield (1966) na ang pagkatuto at pag-unawa ng mga
bata ay nakasalalay sa iba’t ibang estratehiyang pinagsama-sama at hindi
sa isang paraan lamang. Madaling makaunawa ang mga mag-aaral kung
iiba-ibahin ng guro ang kanyang estratehiya sa pag-aangkop sa kanilang
kalagayan.
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


35

Ayon pa rin sa kanya, nahahati sa tatlong aspekto ang pagsasalita
ng guro; pisikal, interpersonal at pedagogikal. Ang aspektong pisikal ay
tumutukoy sa tinig at estratehiyang pangkomunikasyon ng guro. Saklaw
nito ang lakas, linaw at hindi maligoy na pagsasalita sa klase at ang
paggamit ng mapangganyak na estratehiyang pangkomunikasyon na
kailangan para sa kawili-wiling pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral.
Ang aspektong interpersonal ay kinasasalaminan ng hangarin at pag-
uugali ng guro na nakaaapekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral.
Samantala, ang padagogikal na aspekto at kumakatawan naman sa
layunin ng guro sa pagsasalita.

Tumutugma itong kanyang pag-aaral sa ideya ni Garmston
(1996), na ang guro ay may dalawang paraan ng pagsasalita-personal at
pampagtuturo. Kung ang pokus ng guro ay sa pagpapadama ng
simpatiya, pag-unawa at pagtanggap sa mga mag-aaral, ang ginagamit
niya ay personal na pamamaraan. Ngunit kung ang pokus ay para
gumabay at tulungang matuto sa klase ang mag-aaral, pampagtuturong
pamamaraan naman ang kanyang gamit.

Sinang-ayunan ito ni Espiritu (2004), sapagkat ayon sa kanya, kung
ang guro ang susi sa may kalidad na pagkatuto ng mga mag-aaral,
marapat lamang na pagsikapan niyang mapaunlad ang kanyang
propesyunal at pedagogikal na kasanayan sa pagtuturo. May pananagu-
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


36
tan siya sa edukasyon ng mga mag-aaral at ng bayan.

May kaugnayan din ito sa pahayag ni Badayos (2004), na ang
isang epektib na programa sa pagtuturo ng Filipino ay hindi dapat
nakabatay lamang sa mga batayang aklat at mga pagsusulit, kailangang
ito’y nakapokus sa mga mag-aaral at binabalangkas ayon sa pinanaligang
mga prinsipyo o sa pagkatuto at mga teoryang pangwika at pagtatamo ng
literasi.

Maraming depinisyon ng estratehiyang pangkomunikasyon ang
iminungkahi simula nang ipakilala ni Selinker (1972) ang konseptong ito.
Isa sa mga depinisyong malimit tukuyin ay ang ibinigay ni Tarone (1980),
na siyang kumilala ng estratehiyang pangkomunikasyon bilang di
pangkaraniwang interaksyonal.

Ayon kay Finocchiaro (1974) ang mga sumusunod ay ilan sa mga
estratehiyang ginagamit ng guro, gaya ng substitusyon, pagpapalit-coda,
pagpapares ng pangungusap, pagbabaliktad, pagdaragdag, pagbabawas,
pagpapalawak, pagsasalin at tanong-sagot.

Sa substitusyon ay gumagamit ang guro ng iba pang salitang kauri
o kahalintulad bilang panghalili sa isang salitang ginagamit sa loob ng
pangungusap upang maipaunawang maigi ang aralin sa mga mag-aaral.

Ang pagpapalit-wika o code switching ang karaniwang tawag sa
halinhinang paggamit ng dalawa o higit pang wika. Isa ito sa mahahala-
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


37
gang tunguhin ng sosyolinggwistika sa paglikha at pagbuo ng mga
alituntunin sa pagsasalita (Hymes, 1977)

Sa papapares naman ng pangungusap, ang guro ay nagbibigay ng
pangungusap at pagkatapos ay magtatanong. Halimbawa, Kung ang bata
sa kwento ay nakakaawa, ano naman ang ama nito?

Sa pagbabaliktad ay nagbibigay ang guro ng modelong
pangungusap. Halimbawa ay pasalaysay, pagkatapos ay hihilingin sa
mag-aaral na gawin itong patanong.

Sa pagdaragdag ay gumagamit ang guro ng pagdurugtong sa
ideya ng mag-aaral upang palawakin ang kaisipang tinatalakay.

Sa pagbabawas ay gumagamit ang guro ng mga bitin o hindi tapos
na pangungusap o kaisipan at pinadudugtungan na lamang ito sa mga
mag-aaral.

Kung ang layunin naman ng guro ay makipag-interak ang lahat
niyang mag-aaral ay napakainam na gamitin ang estratehiyang tanong-
sagot. Dito ay magtatanong ang guro sa mag-aaral 1. Sasagot ang mag-
aaral 1 at pagkatapos ay magtatanong sa mag-aaral 2. Sasagot ang
mag-aaral 2 at pagkatapos ay magtatanong sa mag-aaral 3 hanggang
makapagsalita ang lahat.

Kaugnay pa rin nito, tinukoy ni Mitchell (1988) ang ilang mga
estratehiyang pangkomunikasyon na ginagamit ng guro para pagtibayin
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


38
ang pang-unawa ng mga mag-aaral sa ilang hindi kilalang aytem. Hinati
niya ito sa dalawa bilang L2 medium at L1 based medium. Sa L2 medium,
kasama dito ang mga sumusunod na estratehiya: pag-uulit, inuulit ng guro
ang isang aytem; paghahalili, nagbibigay ang guro ng salitang panghalili
sa isang aytem; pagpapaliwanag, ipinaliliwanag ng guro ang kahulugan ng
isang aytem; pag-iiba, nagbibigay ang guro ng ibang aytem na maaaring
kapangkat din ng aytem; at pagbibigay tanda, nagbibigay ang guro ng
mga aytem na may kaugnayan sa nabanggit na aytem. Sa L1 based
medium naman, kasama dito ang pagpapakahulugan kung saan

nagbibigay ang guro ng pagpapakahulugan o pagsasalin sa isang aytem
at pagpapalit-wika, nagsasalita ang guro sa paraang bilinggwal. Inuulit
niya ang mensahe sa unang wika na naunang nasabi sa pangalawang
wika.

Naitala nang pabuod ni Scotton (1979), ang mga dahilan ng
pagpapalit-wika. 1). kakulangan ng kaalaman sa isang wika o kahirapang
magsalita sa isang wikang iyon ukol sa natatanging paksa. Ang
kakulangang ito ang nagbubunsod sa tagapagsalitang magpalit-wika sa
ilang bahagi ng kumbersasyon; 2). Eksklusibong pakikipag-usap sa taong
nakakaalam ng wika. Nangyayari ito kung may paksang nais ipaalam sa
kaibigan o kausap nang hindi nauunawaan ng iba pang kasama sa grupo;
3). Mala-estilong hudyat—pagbabago sa daloy ng pakikipag-usap, mula
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


39
sa pagiging pormal tungo sa pagiging impormal o bise-bersa; 4).
pagpapakitang-husay sa maraming wika o sa kilalang wika.

Nagbigay naman si Hatch (1979) ng tatlong estratehiyang
pangkomunikasyon na nakatutulong sa pagkatuto ng mga mag-aaral.
Una, paggamit ng ilustrasyon, dibuho at krokis; Pangalawa, paggamit ng
maraming halimbawa sa pagpapakita ng konsepto o ideya; at pangatlo,
muling pagpapahayag sa katanungan sa ibang paraan (Espique, 2005).

Ang mga estratehiyang pangkomunikasyon ayon kay Tarone (!980)
ay lumalabas kung hindi naihahatid ng tagapagsalita ang kanyang nais
ipahayag sa paraang nauunawaan ng mga tagapakinig. Dahil dito,
gumagamit siya ng iba’t ibang estratehiyang nakatutulong sa pag-unawa.
Sa taksonomiya ni Tarone (1980), limang pangunahing kategorya ang
kinilala: Pag-iiwas o paglilihis, pagbibigay hiwatig/clue, paglilipat-wika,
pagtatama at paggagagad. Sa estratehiyang pangkomunikasyon na
paglihis o pag-iwas, minamabuti na lamang ng tagapagsalita na huwag
nang magsalita para maiwasan ang suliraning pangkomunikasyon.

Dalawa ang dahilan nito, 1). Pag-iwas sa paksa o tapik upang maiwasan
ang suliranin at 2). Pag-iwan sa mensahe kung saan ang mag-aaral ay
nagsisimulang magtukoy ng bagay o salita ngunit sumsusuko dahil
sadyang napakahirap nito. Sa pagbibigay hiwatig/clue, ayon kay Tarone
(1980), dito ay binabago ang mga salita ng mensahe sa paghalili,
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


40
katanggap-tanggap na pagbuo ng target na wika, sa mga sitwasyong
kung saan ang angkop na anyo o palabuuan ay hindi kilala o hindi pa
matatag. Ang pagbibigay hiwatig/clue ay nahahati sa pagtatantiya,
paglikha ng salita at circumlocution. Paglilipat-wika, pagsasalin ng salita
sa salita mula sa unang wika, literal na pagsasalin o paggamit ng unang
wika sa termino at pagpapalit-coda. Sa pagtatama naman, ang mga mag-
aaral ay hinihingian ng tamang termino samantalang sa paggagad ay
ginagamitan ng di-berbal na estratehiya.

Inilalagay ni Faerch at Kasper (1983) ang estratehiyang
pangkomunikasyon sa modelo ng paglikha ng pananalita. May dalawang
anyo ang modelong ito, ang anyo ng paghahanda kung saan ang mga
balakin ay binuo at ang anyo ng pagsasakatuparan kung saan ang binalak
ay isasagawa. Kapag nagkaroon ng problema o hadlang upang di
maisakatuparan ang balakin, ang mag-aaral ay umiiwas sa problema na
maaaring magdulot ng pagbabago sa komunikatibong tunguhin na
tinatawag na reduction strategies o pagharap sa problema at
nakadedebelop ng alternatibong balakin/plano na tintawag na
achievement strategies.
Sa formal reduction, ang mag-aaral ay nakikipagtalastasan sa pa-
magitan ng masistemang pagbawas fonolojikal, morfolojikal, sentaktikal o
leksikal, samantalang sa fuctional reduction ay sangkot ang pagbawas sa
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


41
komunikatibong tunguhin. Kabilang dito ang kay Tarone (1980), ang pag-
iwas sa tapik/paksa at pag-iwan o pagbalewala sa mensahe. Isinama rin
ni Faerch at Kasper (1983) ang paghalili ng kahulugan bilang pagbabawas
na fanksyunal. Ang gamit ng estratehiyang meaning replacement ay
nagpapahiwatig ng lalong pangkalahatang tukoy sa sabjek. Ang
achievement strategies ay maaaring paglutas ng problema sa anyong
pabalak na tinatawag na compensatory strategies o kaya naman ay ang
paghagilap, pagbawi o pagpapanatili ng nawawalang termino at
katawagan na tinatawag na retrieval strategies. Ang bahagi ng
estratehiyang kompensatori ay batay sa iba’t ibang kowd (code switching
at interlingual transfer), ang naiibang kowd at ang interlingual code
lamang (generalization, paraphrase,word coinage at restructuring),
diskursong di pangkaraniwan o di-berbal na komunikasyon (mime,
gestures atbp.) Paglalahat, pagbibigay hiwatig at paglikha ng salita
lamang ang tumutugma sa pagtatantiya, paglikha ng salita at
circumlocution ni Tarone (1980).

Tinukoy ni Kellerman (1991) na ang ibang mga estratehiyang
nagpapakita ng pagkakapareho ay saklaw ng prosesong kognitib kaya
hindi dapat uriing ibang estratehiya kahit pa ang mga ito ay may
pagkakaiba sa pag-unawaang pangwika. Pinagtalunan din na ang mga
estratehiya ay hindi nilahat sa ilalim ng tungkulin, wika at mag-aaral. ang
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


42
Pinakakaraniwang suliranin na may kinalaman sa depinisyon ng
estratehiya minsan ay masyadong malabo o hindi malinaw ang paliwanag
at ang pagpili ng pamantayan, halimbawa: Ang pagbuo ng bagong salita
bilang isang depinisyon para sa isang likhang salita ay binabalewalang
lahat ang mga salitang nilikha ng mag-aaral kahit na ito ay dati nang
wikang ginagamit.

Ayon kay Cohen (1990), walang estratehiyang likas na mabuti o
masama dahil mayroon silang kanya-kanyang kakayahan sa paggamit
nito nang epektibo. Ayon pa sa kanya, ang kabuuang bilang sa paggamit
ng iba’t ibang estratehiya at ang kadalasan ng paggamit ng mga ito ay
hindi indikasyon ng tagumpay sa mga gawaing pagtuturo ng wika. May
ilang baryabol na nakaiimpluwensya sa paggamit ng mga ito. Maaaring
ito ay may kaugnayan sa demograpiko ng mga mag-aaral gaya ng gulang,
kaligirang pangkultura, kasarian at mga isyu tulad ng katatasan sa wika,
istilo ng pag-aaral, konteksto, pangangailangan ng gawain at pakikitungo
ng mga mag-aaral. Alinman sa mga ito ang dahilan, ang paggamit ng
mga estratehiyang pangkomunikasyon ay may malaking tulong para sa
matagumpay na interaksyon sa klase.
Mga Lokal na Pananaliksik

Sa pananaliksik ni Ngamoy (2002) ng Mga Estratehiyang
Pangkomunikatibo sa Pagtuturo ng Filipino sa Kumbinasyong klase sa
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


43
Distrito ng Bagulin, La Union, tinukoy niya ang mga estratehiyang
pangkomunikatibong ginamit ng mga guro sa pagtuturo tungo sa
pagkatuto ng mga mag-aaral ng paksang aralin. Naging batayan ng
pagsusuri sa pag-aaral na ito ang inirekord na pangkaklase at dito ay
natuklasang ang mga guro sa kumbinasyong klase ay gumagamit ng mga
estratehiyang pangkomunikatibo gaya ng pag-uulit, pagbibigay ng clue,
substitusyon, pagpapalit-coda, pagpapaliwanag at pagbibigay-
interpretasyon sa pagtuturo sa Filipino.

May mga estratehiyang pangkomunikatibong madalas gamitin ng
mga guro sa pagtuturo upang maging malinaw ang paglalahad ng aralin
sa mga mag-aaral.

Natuklasan ding may kabuluhang pagkakaiba ang mga
pinakagamiting estratehiyang pangkomunikatibo ng ga guro sa pagtuturo
ng Filipino sa mga kumbinasyong klase ayon sa edad, baitang na
tinuturuan at bilang ng taon sa pagututro.

Ang pag-aaral ng Interaksyong Pangklase sa Filipino sa Antas
Tersyarya ng Benguet State University ay isinagawa naman ni Lartec,
(2001). Sinuri sa pag-aaral ang nakarekod na pangkaklase ng mga guro
sa iba’t ibang kolehiyo at kasama rito ang talatanungang pinasagot sa
mga mag-aaral upang matukoy at masuri ang kanilang guro. At dito’y
natuklasan na ang mga guro sa Filipino sa antas tersyarya ng BSU ay
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


44
gumagamit ng iba’t ibang estratehiyang pangkomunikasyong gaya ng
pag-uulit, pagbibigay ng clue, pagpapalit – coda pagpapaliwanag at
substitusyon upang maging malinaw at madaling maunawaan ng mga
mag-aaral ang paksang itinuturo.

Napatunayan ding positibo ang persepyon ng mga estudyante sa
paggamit ng guro ng wika sa pakikipag-ugnayan sa kanila.

Nabatid naman sa pag-aaral ni Carias (2000) na gumagamit ang
mga guro ng mababang paaralan ng Baguio Colleges Foundation, ng mga
teknik o estratehiya sa pagtatanong upang masagot at maganyak na
makipag-interaksyon ang mga mag-aaral. Lumabas sa pag-aaral na ang
pinakaepektibo at madalas gamitin ng mga guro ay ang paggamit ng likas,
kawili-wili at may himig na pananalita sa pagtatanong. Hindi rin
tinatanggap ng mga guro ang sabayang pagsagot. Natuklasan din na
walang pagkakaiba ang mga teknik ayon sa mga asignatura ng mga mag-
aaral.

Sinuri naman si Valerio (1999) ng interaksyong pangklase sa
Ingles, Agham at Matematika sa hayskul sa ilan sa mga paaralan sa La
Trinidad, Benguet. Inobserbahan at inirekord niya ang interaksyong
pangklase ng 12 guro bilang respondente upang masuri ang interaksyong
pangklase. Ginamit niya ang modelo ni Mitchell at scale ng modelo ni
Brophy at Good at nina Johnson, Chan at Shek..
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


45

Natuklasan sa pag-aaral na gumagamit ng iba’t ibang estratehiya
ang mga guro sa pakikipagkomunikasyon sa mga mag-aaral. Ang mga ito
ay pagpapalit-coda, pagpapaliwanag, pag-uulit, pagbibigay ng clue at
pagbibigay interpretasyon. May kabuluhang pagkakaiba ang dalas ng
paggamit ng pag-uulit at pagpapalit-coda sa Ingles at Agham ngunit hindi
sa Matematika.

Napag-alaman din na ang mga guro ay gumagamit ng panlabas at
panloob na pagganyak sa pagtuturo. Kabilang dito ang pagtatanong at
pagpapasagot sa mga tinuturuan, pagpupuri, pag-oorganisa, pagpapaikli
at paggamit ng feedback.

Sa pag-aaral ni Dumo (1992) tungkol sa interaksyong pangklase ng
mga mag-aaral sa Science at Mathematics sa Unang Taon sa Hayskul ng
Saint Louis University, Baguio City, napatunayan na ang mga guro ay
gumagamit ng mga estratehiyang pangkomunikasyon. Ginagamit nila ang
pagpapaikli, pagdidiin sa mahalagang salita, matagal na paghinto, pag-
aantala, intonasyon at pagbigkas sa estratehiyang ponolojikal; pagpapalit-
coda, repetisyon ng salita o parirala, pagbabago sa kahulugan ng mga
salita, pagsisiguro, paggamit ng contextual clues at ilustrasyon naman ang
ginagamit sa estratehiyang leksikal. Samantala, sa estratehiyang
sintaktika naman ay pagwawasto sa gramatika, pag-uulit, restatement,
pagpapalit-coda, pagbubuod ng konsepto at sagot ng mga mag-aaral ang
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


46
ginagamit ng mga guro.
Ang ibang estratehiya gaya ng pag-uulit, pagkakaroon ng
malinaw, at madalas na pagpapaliwanag, pagtatanong, pagpapahalaga,
pagtataya, pagwawasto at pagpapadali sa mga katanungan ay nabibilang
sa estratehiyang pandiskurso.

Tatlong modelo ang ginamit sa pagsusuri ng datos; ang modelo
nina Sinclair at Coulthard (1978) para sa pagsusuring pandiskurso; ang
aspekto ng input sa pag-unawa ni Krashen (1981); at ang modelo sa
pagwawasto ng mali ni Chaudron (1985).

Natuklasan sa pag-aaral na ang mga guro ay gumagamit ng mga
estratehiyang pag-unawa tulad ng fonolojikal, leksikal, sintaktikal at
pandiskurso. Ang kabilang sa estratehiyang fonolojikal ay pagpapaikli,
pagdidiin sa mahabang salita, mas matagal na paghinto, pag-aantala,
intonasyon at pagbigkas. Saklaw naman ng estratehiyang leksikal ang
pagbabago ng kahulugan ng salita, paggamit ng context clues at
ilustrasyon, pagsisiguro, code-switching at pag-uulit ng salita o parirala.
Samantala, sakop naman ng estratehiyang sentaktik ang pag-uulit,
restatement, pagbubuod ng konsepto, pagbubuod ng sagot ng mag-aaral,
code switching at pagwawasto sa maling gramatika. At nabibilang naman
sa estratehiyang pandiskurso ang pag-uulit, pagkakaroon ng malinaw at
madalas na pagpapaliwanag, pagtatanong, pagpapahalaga, pagtataya,
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


47
pagwawasto at pagpapadali ng mga katanungan.

Samantala, sa pag-aaral naman na isinagawa ni Bailon (1998),
isinama niya ang mga estratehiyang pangkomunikasyong ginagamit ng
mga guro sa pagtuturo ng Mathematics upang makuha ang berbal o di-
berbal na pagtugon. Talatanungan ang ginamit na instrumento upang
makuha ang persepsyon ng mga mag-aaral sa pangkalahatang pattern ng
pagsasalita at mga mag-aaral at ang atityud ng guro ayon sa aspektong
pisyolohikal, interpersonal at pedagogikal.

Sinuri rin ni Casingal (2000) ang interaksyong pangklase sa
kursong Engineering at Architecture sa Pangasinan State University at
batay sa nai-videong pagkaklase ng siyam na guro, natuklasan niyang
ang pinakagamiting communication adjustments ng mga guro ay
pagpapalit-coda, pag-uulit at paggamit ng guhit o sketches.


Balangkas ng Konsepto

Sa pag-aaral na ito, ang mga estratehiyang pangkomunikasyon ay
ibinatay sa mga teoryang pangwika na nag-uugnay ng mga aktwal na
sitwasyon upang magbigay linaw at makapagpaliwanag ng paraan sa
pagkatuto ng wika. Ang mga ito ay ang teoryang pangwika, linggwistiks at
sosyolinggwistiks.

Ang pag-aaral ng wika ay nakatuon sa mga konseptong
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


48
nagpapatibay sa malaking papel na ginagampanan ng wika sa isang
indibidwal at bansa.

Sa paraan ng linggwistiks, binigyang diin ang malaking gampanin
sa pagkatuto at pagtuturo sa pag-aaral ng wika gamit ang maagham na
paraan at pagsusuri nito.

Batay naman sa sosyolinggwistiks, nakafokus ito sa paggamit ng
wika na siyang namamagitan upang maintindihan ang sarili, karanasan,
kapwa-tao, ibang tao, paligid, mundo, obhetibong realidad, pulitikal,
ekonomiks at kultural.
Binigyang
pansin
din
sa pag-aaral na ito ang pagkakaroon ng mga
guro ng mga kaalaman sa teorya, pananaw at simulain sa pagtuturo, sa
mga estratehiya at paraan ng pagtuturo na siyang gagabay sa kanila sa
pagtuturo upang palaging mabisa ang pagtuturo tungo sa mabilis na
pagkatuto ng mga mag-aaral.

Makikita sa Figyur 4 ang paradim ng pag-aaral na batay sa
teoryang linggwistiks at sosyolinggwistiks na makaaapekto sa pagtatamo
ng pagkatuto.Idaragdag ang mga nakateyp na pagtuturo ng mga guro sa
Filipino upang masuri ang ginagamit na estratehiyang pangkomunikasyon.
Kinuha rin ang kanilang profile.

Nakuha ang persepsyon ng mga mag-aaral sa mga estratehiyang
pangkomunikasyon sa pagtuturo ng Filipino ng mga guro sa pamamagitan
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


49
ng talatanungan.

Sa proseso sinuri ang mga estratehiyang pangkomunikasyong
ginagamit ng guro sa antas tersyarya na siyang pinakapangunahing
proseso sa pananaliksik na ito. Sinuri rin ang lawak ng pagkakagamit ng
mga estratehiyang pangkomunikasyong karaniwang ginagamit ng guro
ayon sa antas ng edukasyong natapos, unang wika at kolehiyong
kinabibilangan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng nakateyp na
pangklase at antas ng persepsyon ng mga mag-aaral sa mga
estratehiyang pangkomunikasyong ginagamit ng mga guro. Talatanungan
din ang ginamit sa pagtukoy ng antas ng edukasyong natapos at unang
wika ng guro bilang mga sabjek ng pag-aaral na ito, gayundin ang
pagtukoy ng kolehiyong kinabibilangan ng mga tinuturuang mag-aaral
bilang mga respondente ng pag-aaral na ito.

Makikita sa output ang mga estratehiyang pangkomunikasyon sa
pagtuturo ng Filipino na ginagamit ng mga guro, lawak ng mga
estratehiyang pangkomunikasyong karaniwang ginagamit ng mga guro
ayon sa kanilang profile at antas ng persepsyon ng mga mag-aaral sa
mga estratehiyang pangkomunikasyon sa pagtuturo ng Filipino ng mga
guro sa antas tersyarya.


Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


50

INPUT
INPUT
A. Mga Teoryang Pangwika
1. Pagtatamo sa wika
2. Linggwistika
3. Sosyolinggwistika
B. Nakateyp na pagtuturo
C. Profile ng guro
D. Talatanungan










PROSESO
Pagsusuri sa:
A. Estratehiyang pangkomunikasyon sa pagtu-
ng Filipino na ginagamit ng mga guro.
B. Lawak ng pagkakagamit ng mga estratehi-
yang pangkomunikasyon sa pagtuturo ng
Filipino ng mga guro
C. Antas ng persepsyon ng mga mag-aaral sa
mga estatrehiyang pangkomunikasyon sa
pagtuturo ng mga guro.
1. Palagi 4. Bihira
2. Malimit 5. Hindi
3. Minsan

AWTPUT
Pagkilala sa:
A. Mga estratehiyang pangkomunikasyong
ginagamit ng mga guro sa pagtuturo
ng Filipino.
B. Lawak ng pagkakagamit ng mga estratehi-
yang pangkomunikasyon sa pagtuturo ng
Filipino ng mga guro

C. Antas ng persepsyon ng mga mag-aaral
sa mga estratehiyang pangkomunikasyon

sa pagtuturo ng Filipino ng mga guro .

Figyur 4. Paradim sa estratehiyang pangkomunikasyon sa pagtuturo ng
Filipino ng mga guro
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


51
Katuturan ng mga Katawagan

Dahil may mga salitang nagamit ang mananaliksik na maaaring
hindi gaanong malinaw para sa ilang mambabasa, sinikap ng may-akda
na bigyang kahulugan ang mga salitang ito para sa lubos na ikauunawa
ng mga mambabasa at susunod pang mananaliksik.
Acoustic
Phonetics. Pag-aaral ng wika na tumatalakay sa
pagtanggap ng mga tunog.
Applied
Linguistics. Nauukol sa paggamit ng wika, paano ito
natamo at natutunan at kung paano ito ituturo.
Articulatory
Phonetics. Ito ay pag-aaral ng wika na tumatalakay sa
pagbuo ng mga tunog.
Bound
Morphemes. Ito ay tumutukoy sa mga salitang kinakabitan o
dinudugtungan ng mga panlapi.
Context
clue. Ito ay mga salitang nagtataglay ng mga pahiwatig sa
mga kasama nitong salita sa loob ng pangungusap upang maging
malinaw ang kahulugan nito nang madali itong maunawaan ng mga mag-
aaral.
Computational
Linguistics. Tumutukoy sa mathematical linguistics.
Dalubwika.
Tawag sa mga taong may sapat na kaalaman sa
pinagmulan, uri, katangian at pag-unlad ng iba’t ibang wika.
Descriptive
Linguistics. Ito ay pag-aaral ng mga sangkap ng wika
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


52
kasama na ang tunog, balarila at retorikang ayos ng wika sa isang bigay
na panahon.
Diachronic
Linguistics. Pag-aaral ng wika na may kinalaman sa
mga pagbabagong nagaganap sa wika sa paglipas ng panahon.

Di- istandard na Wika. Tumutukoy ito sa wikang palasak na
ginagamit sa karaniwang pakikipag-usap sa araw-araw. Ang wikang ito
ay kakikitaan ng mga magagaspang, sunod sa uso at brutal na pananalita.
Diskurso. Pag-aaral ng wikang nauukol sa pagsusuri ng buong
teksto.
Edukasyon.
Tumutukoy sa pagtuturo, pagpapanuto, pagbibigay,
pagtatamo ng karunungan, kaalaman, kasanayan atbp.
Estratehiya.
Mga pamamaraang ginagamit ng mga guro nang ang
mga mag-aaral ay maganyak at sumigla sa pagtatamo ng mabungang
pagkatuto.
Estratehiyang Pangkomunikasyon. Pamamaraang ginagamit ng
mga guro sa pagtuturo upang mahikayat ang mga mag-aaral na makipag-
interaksyon sa klase nang malinang ang kanilang kakayahan sa pagsa-
lita at pagsulat.
Free
Morphemes. Tumutukoy sa mga salitang nagbibigay ng
kahulugan.
Grammatical
Pattern. Ito ay pag-aaral tungkol sa ayos ng mga
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


53
salita.

Istandard na Wika. Tumutukoy ito sa wikang kinikilala, tinatanggap
at patuloy na ginagamit ng mayorya lalo na sa mga pormal na
pakikipagkomunikasyon.
Kultura. Tumutukoy sa saloobin at kabuhayan ng isang lahi o
bansa.
Linggwistika.
Maagham na pag-aaral tungkol sa mga wika.
Linggwistikang
Historikal. Pag-aaral ng mga wika at paghahanap
ng mga patunay na ang wika sa daigdig ay nagmula sa iba’t ibang
angkan.
Literasi.
Karunungang bumasa at sumulat.
Mathematical
Linguistics. Isa pang sangay ng pag-aaral ng wilka na
inaasahang papalit sa structural grammar sa malapit na hinaharap dahil
sa patuloy na pag-unlad ng mga teknolohiya.
Morpolohiya. Pag-aaral ng makahulugang yunit ng salita.
Pagbabago/restatement.
Pagpapalit ng guro ng isang elemento ng
isa pang elemento. Halimbawa, binabago ang pangungusap gamit ang
kahalintulad na ekspresyon.
Pagbabaligtad.
Estratehiya ng guro kung saan siya ay nagbibigay
ng modelong pangungusap halimbawa ay pagsasalaysay, pagkatapos ay
hihilingin sa mag-aaral na gawin itong patanong.
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


54
Pagbabawas.

Paggamit ng guro ng mga pangungusap na bitin o
hindi tapos at pinadudugtungan na lamang ito sa mag-aaral.
Pagbibigay-clue.
Ito ang pagbibigay ng guro ng paglalarawan at
karagdagang impormasyon sa paksang tinatalakay.
Pagbibigay
interpretasyon.
Ito ang paggamit ng guro ng sariling
mga halimbawa at pamamaraan sa pagtuturo (Ngamoy, 2002).
Pagdaragdag.
Pagpapalawak ng guro ng ideya sa pamamagitan ng
pagdaragdag ng mga kaisipan.
Paglilipat-wika.
Tumutukoy sa estratehiyang pangkomunikatibo sa
pamamagitan ng pag-iiba-iba ng wika ng guro sa mag-aaral tulad ng
paggamit ng Ingles, Ilokano at iba pang diyalekto upang mabigyang-linaw
ang mahihirap na konsepto. (Lartec, 2001).
Pagpapaliwanag.
Ang pagbibigay ng guro ng dagdag na kaalaman
at paglilinaw sa kahulugan ng paksang tinatalakay.

Pagpapares ng Pangungusap. Ang guro ay nagbibigay ng
pangungusap at pagkatapos ay nagtatanong. Halimbawa: Kung ang bata
sa kwento ay nakakaawa, ano naman ang ama nito?
Pagsasalin.
Isinasalin ng guro sa Filipino ang mga salita o
pangungusap na ibinigay ng mag-aaral gamit ang unang wika nito o kaya
naman, isinasalin ng guro sa unang wika ng mga mag-aaral ang may
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


55
malalim na kahulugang salita sa Filipino hango sa aklat na nabanggit sa
talakayan.
Pag-uulit.
Tumutukoy ito sa pag-uulit ng guro ng kanyang pahayag
upang siya’y lalong maunawaan ng mga mag-aaral.

Pamamaraan ng Guro. Paraan at gawi ng guro sa pagtuturo na
angkop sa bunga ng pagkatuto na nais makamtan ng mag-aaral.
Pangalawang
Wika. Tumutukoy ito sa wikang pinag-aralan at natu-
tunang gamitin sa pakikipagtalastasan ng isang guro o mag-aaral.
Persepsyon. Ito ay ang pagkakaunawa ng isang mag-aaral ayon
sa kanyang sariling pananaw tungkol sa mga estratehiyang
pangkomunikasyong ginamit ng guro.
Ponolohiya. Pag-aaral ng pinakamaliit ng yunit ng tunog.
Sintaksis. Pag-aaral ng wika na nauukol sa ayos ng mga salita.
Sosyolinggwistika. Ito ay pag-aaral ng wika ayon sa kontekstong
gamit nito sa komunikasyon ng mga miyembro o grupo ng mga guro at
mag-aaral.
Substitusyon.
Ito ang pagtutumbas sa mga mahihirap na salitang
ginagamit ng guro sa pagtuturo.
Synchronic
Linguistics. Pagsaliksik ng mga wikain sa isang bigay
na panahon.

Teknik. Pamamaraan sa pagbibigay ng mga detalye sa pagganap
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


56
ng anumang sining o ang pamamaraang nangangailangan ng tanging
kaalaman o kasanayan.
Teoretikong
Linggwistika. Pag-aaral na nauukol sa kalikasan ng
wika at sangkap nito.
Teorya. Ito ay tumutukoy sa mga haka-haka o pala-palagay
tungkol sa wika.
Unang
Wika. Ito ay tumutukoy sa wikang kinagisnan at kinalakhan
ng isang guro o mag-aaral.
Wika.
Tumutukoy sa salita ng tao o pangungusap na sinasabi ng
isang nagsasalita.

Haypotesis ng Pag-aaral
1. Ang mga guro ng Palawan State University ay gumagamit ng
iba’t ibang estratehiyang pangkomunikasyon sa pagtuturo ng Filipino sa
antas Tersarya.
2. May makabuluhang pagkakaiba ang mga estratehiyang
pangkomunikasyon sa pagtuturo ng Filipino na karaniwang ginagamit ng
mga guro ayon sa antas ng edukasyong natapos, unang wika, at
kolehiyong kinabibilangan ng mga mag-aaral.

3. May makabuluhang pagkakaiba sa antas ng persepsyon ng
mga mag-aaral sa mga estratehiyang pangkomunikasyon ng mga guro sa
pagtuturo ng Filipino sa antas tersarya.
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007

PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK



Kaganapan ng Pag-aaral

Isinagawa ang pag-aaral na ito sa Palawan State University (main
campus), Puerto Princesa City, Palawan. Ang naturang paaralan ay ang
kauna-unahan, pinakamalaki at prestihyosong unibersidad na binubuo ng
siyam na kampus sa buong lalawigan ng Palawan. Ang pangunahing
kampus ay matatagpuan sa Tiniguiban Heights, Puerto Princesa City na
binubuo naman ng walong kolehiyo; ang College of Arts and Humanities,
College of Business and Accountancy, College of Nursing and Health
Services, College of Engineering, Architecture and Technology, College of
Teacher Education, College of Sciences at School of Law. Bawat kolehiyo
ay nag-aalok ng iba’t ibang kurso. Ang College of Education ay
tinaguriang sentro ng kahusayan sa edukasyon (Center of Excellence) sa
rehiyon IV-B.

Mga Respondente

Ang mga respondente ng pag-aaral ay walong guro na nagtuturo
ng iba’t ibang asignaturang Filipino sa antas tersarya kung saan ay
oobserbahan, iteteyp at susuriin ang pakikipag – interaksyon sa mga mag-
aaral na tinuturuan na nabibilang sa iba-ibang kolehiyo.
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


58





















Figyur 5. Mapa ng lokasyon ng pag-aaral.
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


59
Paraan ng Pananaliksik


Ang ginamit na pamamaraan sa pag-aaral ay palarawan.
Inilarawan ang mga estratehiyang pangkomunikasyong ginagamit ng mga
guro sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto sa loob ng klasrum. Upang
masuring ganap ang interaksyong nagaganap, gumamit ang mananaliksik
ng audio tape recorder at aktwal na pag-oobserba sa klase.

Ginamit ang modelo ni Tarone (1980) upang pagbasehan sa
pagtukoy at pagsuri ng mga estratehiyang pangkomunikasyong ginagamit
ng guro sa pagtuturo. Batay sa obserbasyong isinagawa at nakateyp na
pagkaklase, anim na estratehiya ang kinuha; ang pagpapaliwanag,
pagpapakahulugan,pag-uulit, substitusyon, paglilipat-wika (Language
Switch) at pagbibigay ng clue (Paraphrasing).

Gumamit din ng talatanungan ang mananaliksik sa pagkuha ng
impormasyon tungkol sa mga guro gaya ng antas ng edukasyong
natapos, unang wika at kolehiyong kinabibilangan ng mga mag-aaral na
tinuturuan at persepsyon ng mga mag-aaral sa estratehiyang
pangkomunikasyon ng mga guro sa pagtuturo.

Pangungulekta ng mga Datos


Pinakinggan at sinuri ang mga nakateyp na pagkaklase ng mga
guro upang matukoy ang mga estratehiyang pangkomunikasyon sa
pagtuturo ng Filipino na kanilang ginamit. Gumamit ng talatanungan
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


60
upang makuha ang persepsyon ng mga mag-aaral.

Istatistikong Pagsusuri

Kinuha ang frequency counts, mean at niranggo upang matukoy
ang mga estratehiyang pangkomunikasyon sa pagtuturo ng Filipino sa
antas tersarya ng Palawan State University sa level of significance na .01.
Sa paghahambing ng lawak ng pagkakagamit ng iba’t ibang estratehiyang
pangkomunikasyon sa pagtuturo ng Filipino ayon sa antas ng
edukasyong natapos, unang wika at kolehiyong kinabibilangan ng mga
mag-aaral ay ginamit naman ang Analysis of Variance sa level of
significance na .05. Sa pagkuha ng persepsyon ng mga mag-aaral sa
mga estratehiyang pangkomunikasyon, ginamit ang Kolmogorov-Smirnov-
Z test at 5 point scale. Ang 4.50 – 5.00 – palagi; 3.50 – 4.49 madalas;
2.50 – 3.49 minsan; 1.50 – 2.49 bihira; at 1.00 – 1.49 hindi.

Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007

PAGTALAKAY SA MGA RESULTA




Ang bahaging ito ng pananaliksik ay nakatuon sa pagsusuri,
interpretasyon ng mga datos, resulta at diskusyon batay sa mga
sumusunod na tiyak na suliranin.
1.Anu-ano ang estratehiyang pangkomunikasyon ng mga guro sa
pagtuturo ng Filipino sa Antas Tersyarya ng Palawan State University?
2.Ano ang estratehiyang pangkomunikasyon sa pagtuturo ng
Filipino na karaniwang ginagamit ng mga guro sa pagtuturo ayon sa:
a.antas ng edukasyong natapos
b.unang wika
c.kolehiyong kinabibilangan ng mga mag-aaral.
3. Ano ang antas ng persepsyon ng mga mag-aaral sa mga
estratehiyang pangkomunikasyon ng mga guro sa pagtuturo ng Filipino sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University.


Mga Estratehiyang Pangkomunikasyon
ng mga Guro Sa Pagtuturo
ng Filipino

Nakasaad sa talahanayan 1 ang mga estratehiyang
pangkomonikasyong ginamit ng mga sabjek na guro sa pagtuturo ng
Filipino sa antas tersyarya batay sa modelo ni Tarone (1980). Ang mga ito
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


62
Talahanayan 1. Mga Estratehiyang Pangkomunikasyon ng mga Guro sa
Pagtuturo ng Filipino (N-8)

Mga Estratehiyang
Mean
Ranggo



Pagpapaliwanag
23.25
2
Pag-uulit
43.38
1
Substitusyon
15.50
4
Paglilipat-wika
10.25
5
Pagbibigay-clue
20.00
3
Pagpapapkahulugan 9.38
6
Kabuuang Mean
20.29

F-Value=
9.92**
Probability+
<
.01
ay pagpapaliwanag, pag-uulit, susbstitusyon, palilipat-wika, pagbibigay-
clue at pagpapakahulugan. Ang tugon ng mga guro ay sinuri sa
pamamagitan ng frequency, mean at saka ranking.

Mababatid sa talahanayan na nangunguna sa ranggo ang pag-
uulit na may mean na 43.38, pangalawa ang pagpapaliwang 23.25,
pangatlo ang pagbibigay-clue 20.00, pang-apat ang subsitusyon na may
mean na 15.50, Panlima naman ang paglilipat-wika sa mean na 10.25
samantalang pang-anim ang pagpapakahulugan na umabot lamang sa
mean na 9.38.
Pag-uulit. Makikita sa talahanayan 1 na sa anim na estratehiyang
pangkomunikasyon, nangunguna ang pag-uulit sa pagtuturo ng Filipino ng
mga guro sa antas tersyarya ng Palawan State University. Indikasyon
lamang na madalas ulitin ng mga guro ang kanilang pahayag sa kanilang
pagtuturo ayon sa iba’t ibang layunin sa pagtalakay ng paksang-aralin.
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


63

Sa transkripsyon, ginamit ng guro ang estratehiyang pag-uulit
upang bigyang diin ang pagpapaliwanang ng aralin (na nauna nang
ipinaliwanag ng mag-aaral) nang lalo itong maunawaan ng buong klase.
G: Anong patern mayroon dito class? Basahin ninyo nga
itong dalawa ,ano ang pagkakaiba nitong dalawa?

M: Sir, kapag ang salitang – ugat ay nagsisimula sa
patinig, mauuna ang panlapi , ngunit kapag ang
salitang –ugat ay nagsisimula sa katinig, ilalagay ang
panlapi sa pagitan ng unang letra, at ikalalawang letra
ng unang pantig. Halimbawa, ang salitang –ugat na
inom ay magiging umiinom-nauuna ang panlapi, Sa
salitang – ugat naman na nagsisimula sa katinig
tulad ng bata ay magiging bumata-inilalagay ang
panlapi sa pagitan ng una at ikakalawang letra ng
unang pantig.

G:
Ok, kapag ang salitang – ugat ay nagsisimula sa
patinig, mauuna ang panlapi ngunit kapag ang
salitang – ugat ay nagsisimula sa katinig, ilalagay
ang panlapi sa pagitan ng una at ikalawang letra ng
unang pantig. Ito ay hinidi lamang sa dahilang
walang salitang umbata at iumnom, kundi dahil
mayroon tayong pattern na sinusunod sa pagbubuo
ng salita.



Sa punto namang ito, gumagamit ng pag-uulit ang guro upang
mabatid kung talagang tiyak sa naging kasagutan nila ang mga mag-
aaral.
G: Magbigay pa ng pangungusap Bb. Guevarra.

M: Ikinatuwa ng lahat ang kanyang tagumpay.

G: Ikinatuwa ng lahat ang kanyang Tagumpay. Ok, ano
ang paksa dito?
M: Ang kanyang tagumpay.
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


64
G: Pandiwa?

M: Ikinatuwa!

G: Paksa?

M: ang kanyang tagumpay

G: Pandiwa?

M: Ikinatuwa!


Ipinakikita sa transkripsyong nasa ibaba na ginamit din ng guro
ang pag-uulit upang bigyang-pansin at linawin ang alinlangan sa panig ng
mga mag-aaral hinggil sa kanilang naging kasagutan.
G: Nasa anong, paksa ang “Ako ay nagsulat sa papel”?

M1 tagaganap!

M2: Maa’am tagatanggap?

G: Hanapin nyo kasi ang simuno klas kaya nga ano
yan, tagaganap o tagatanggap?

M: Tagaganap!

G: Tagaganap!


Sa transkripsyon namang ito ginamit ng guro ang pag-uulit upang
kunin ang atensyon ng mga mag-aaral hinggil sa kanyang naging
katanungan na hindi tinugon ng mga mag-aaral.
M1: Pinagkainan ko ang saha ng saging.

M2: Ma’am ano po ang saha?

G: Saha ng saging? Hindi nyo alam ang saha ng saging?
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


65
(pause) Ang tanong ko, hindi niyo alam ang saha
ng saging
?

Sa punto namang ito, ginamit ng guro ang pag-uulit bilang
pagbibibgay – puna sa naging tugon ng mag-aaral upang iwasto ito.
G:
Magbigay ng salitang maylaping kabilaan, Ms. San

Diego.

M1: Kasiyahan po!

G: kasiyahan! Kasiyahan. tama ba class?

M2: Ma’am kasayahan po!

G:
Ok, kasayahan.


Batay sa mga transkripsyong nabanggit, pinatutunayan lamang na
malimit gumamit ng pag-uulit ang mga guro sa kanilang pagtuturo ng
Filipino sa antas tersyarya upang bigyang-diin ang ilang bahagi ng
paksang-aralin sa kanilang pagpapaliwanag, upang bigyang linaw ang
pag-aalinlangan ng mga mag-aaral sa naging tugon, upang kunin ang
atensyon ng mga mag-aaral sa pagkuha ng angkop na kasagutan at
bilang pagpuna sa maling kasagutan ng mga-aaral.

Gaya ng pag-aaral na isinagawa ni Ngamoy, B.C. (2002) sa
kanyang “Mga Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino
sa kumbinasyong klase, “nangunguna rin ang pag-uulit sa anim na mga
estratehiyang pangkomunikasyong nabanggit. Sumang-ayon ito sa pag-
aaral ni Lartec, J.K (2001) na pinamagatang “Interaksyong Pangklase sa
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


66
Filipino sa Antas Tersyarya ng Benguet State University, “sapagkat
napag-alaman niya sa resulta ng kanyang pag-aaral na pag-uulit din ang
nangungunang estratehiyang pangkomunikatibo ng mga guro sa kanilang
pagpapaunawa ng mga konseptong tinatalakay sa mga mag-aaral.

Batay sa naging resulta sa pag-aaral na isinagawa ni Bailon (1998),
natuklasan niyang talagang gamitin ang estratehiyang pag-uulit hindi
lamang sa pagtuturo ng Filipino kundi gayundin sa pagtuturo ng Agham
sapagkat napatunayan niyang pangatlo ito sa pinakaepektibong
estratehiya at pangalawa naman sa mga communication adjustment ng
mga guro sa klase ng Engineering at Architecture batay sa pag-aaral ni
Casingal (2000) samantalang sa pag-aaral naman ni Dumo (1992), ang
pag-uulit ang nangungunang pandiskurso at pansintaktikang estratehiya
ng mga guro. Tumugma ito sa resulta ng pag-aaral ni Valerio (1999) na
ang pag-uulit ay siyang estratehiyang pinakagamitin ng mga guro ng
English, Science at Math upang maunawaan sila ng mga mag-aaral.

Pagpapaliwanag. Mababatid mula sa talahanayan 1 na pangalawa
sa pinakagamiting estratehiya sa pagtuturo ng Filipino sa antas tersyarya
ang pagpapaliwanag.

Mababatid sa huling bahagi ng transkripsyong nasa ibaba ang
pagpapaliwanag ng guro hingil sa naging reaksyon ng ika – 4 na mag-
aaral ng may kinalaman sa naging kasagutan ng klasmeyt niya (ika-3
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


67
mag-aaral) kaugnay sa naging takbo ng talakayan sa bahagi ng paksang
aralin.
G:
Magbigay ng isa pang pangunahing batayan.
M1: Ma’am, ang lahat ng Ilokano ay kuripot!
G: Ano ang pangalawang batayan nito, Mr. Lachica!

M2: Si G. Veranda ay Ilokano!

G: Ibigay ang konklusyon, Ms. Orosco.

M3: Therefore si G. Veranda ay Ilokano!

M4: Ma’am hindi po lahat ng Ilokano ay kuripot!

G:
Tama! Kaya nga masasabi nating ito ay hindi mabisa.
Diba nabanggit ko na kanina na masasabi lamang na
mabisa ang isang silohismo kung ang isang pototoo
ay tinatangkilik ng lahat? Tulad nitong isa, totoo ito
hindi ba? Lahat kasi ng tao ay mamamatay, kaya ito
ay mabisang pagmamatuwid.


Sa punto namang ito, nagpaliwanang ang guro sa pamamagitan ng
pagpapalawak ng ibinigay na kaisipan ng mag-aaral ukol sa nilalaman ng
akda ni Rizal na Noli Me tangere.
G: Magbigay ng halimbawa …..(pause) . Sino ang
Makapag- bibigay ng halimbawa class? (pause).
Wala ba kayong halimbawa? Ok, isa na rito ang akda
ni Rizal na Noli Me Tangere ano ang nilalaman ng
akda na ito? Ms. Del Rosario!

M:
Tungkol po sa mga kalupitan ng mga kastila

G:
Tungkol sa mga kalupitan ng mga kastila o pang-aapi
sa mga Pilipino. Ipinagtanggol ni Rizal ang mga
mamamayang Pilipino hindi sa talim ng tabak kundi
sa pamamagitan ng kanyang mga isinulat na akda o
aklat.

Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


68
Sa transkripsyong ito, gumamit ng pagpapaliwanag ang guro upang
linawin sa mga mag-aaral ang bahagi ng paksang – aralin na nagdulot ng
kaunting kalituhan sa kanila.
G: Ano ang panlapi Ms. Dreo?

M1: Mga salita po…(pause)

G: Mga salita na idinadagdag sa ano…Ms. Dreo?

M1: Mga salitang-ugat na may lapi po.

G: Mga salitang-ugat na may lapi! Yon ang panlapi?

M2: Ma’am ang panlapi….yon po ang….(pause)

G:
Class, ang panlapi ay ang salita o katagang ikinakabit
sa unahan, gitna at hulihan ng isang salita. Ang
salitang-ugat naman ang nilalagyan o kinakabitan ng
lapi at ito ang tinatawag nating salitang maylapi o
nilalapiang salita. Naintidihan niyo class?

Sadyang napakalaking tulong ng estratehiyang pagpapaliwanag sa
pagtuturo ng Filipino at ito ay malinaw na ipinakita sa mga transkripsyong
nabanggit. Ang mga ito ay upang magpaliwanag sa naging reaksyon ng
ibang mag-aaral ukol sa paksang aralin, upang palawakin ang kaisipang
ibinigay ng mag-aaral sa paksang aralin, at upang baguhin ang naging
maling konsepto ng mag-aaral o pawiin ang kanilang agam-agam.Patunay
lamang na ang guro ay hindi iyong tipo na tanggap lamang nang tanggap
ng mga kasagutan ng mga mag-aaral sapagkat pagkatapos niyang
makuha ang kaisipan mula sa mga mag-aaral ay agaran naman niyang
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


69
sinusuportahan ng karagdagang ideya o itinutuwid ang maling konsepto
ukol sa aralin.
Tumugma ito sa pahayag ni Crookes at Chaudron (1991) sa
pagbanggit ni Lartec (2001) na kailangang mulat ang guro sa
kahalagahan ng kalinawan at katumpukan ng kanilang pagpapaliwanag
lalo na sa pagpapaunawa ng mga kaisipan. Kailangang bigyan ang mga
mag-aaral ng pagkakataong maipahayag ang anumang kanilang
naiintindihan sa pinag-aaralan at hindi lamang ito sa pamamagitan ng
pagkuha ng sapat na pagsang-ayon. Kaugnayan nito, ipinaliwanag ni
Allwright (1976), na dapat isaisip ng guro ang pag-angkop sa paraan ng
kanyang pagsasalita at ang mga salitang gagamitin ayon sa antas at
kakayahan ng mga tinuturuan sa pagpapaliwanang ng aralin. Ito ay
kailangan upang matiyak ang pag-unawa ng mga mag-aaral sa inilalahad
na aralin.
Ang resulta ng estratehiyang ito (pagpapaliwanag) ay tumugma sa
pag-aaral na isinagawa ni Ngamoy, B.C. (2002) dahil pareho itong
pangalawa sa ranggo. Samantalang, sa pag-aaral naman ni Bolalet
(1991) na isinagawa sa Bauko at Sabangan, Mountain Province ay
natuklasan niyang pang-apat sa ranggo ang pagpapaliwanag at panlima
naman sa pag-aaral ni Casingal (2000) na pinamagatang “An Interaction
Analysis of Classroom Language in Engineering and Architecture Classes.
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


70
Pagbibigay-clue. Makikita sa talahanayan 1 na pangatlo ang
estratehiyang ito sa mga pinakagamitin ng mga guro sa pagtuturo ng
Filipino sa antas tersyarya.
Sa transkripsyong ito, ginamit ng guro ang estratehiyang pag-
bibigay- clue upang bigyang – gabay ang mga mag-aaral sa pagtugon ng
akmang kasagutan.
G:
Ano ang pagkakaiba ng diligin sa diligan?

M1: Pareho lang po!

G: Ha? Pareho lang? (pause) Ano? Alin dito sa dalawa
ang kasunod ay tanim Ms. Villanueva?

M2: Diligin mo ang tanim.

G: Diligin mo ang tanim…ang diligan ay ano? Diligan mo
ng ano ang tanim? Diba may mga pandilig sa tanim?
Ano ang pinandidilig ninyo sa tanim? (pause) Paano
tumaba ang tanim, Ms. Peria?


M3: Abono!

G: Ok, so ano ang tama?

M4: Diligan mo ng abono ang tanim


Sa punto namang ito makikita sa transkripsyong nasa ibaba na
sa pamamagitan ng paggamit ng clue ng guro sa pagtuturo, naibibigay ng
mag-aaral ang tamang kasagutan sa pamamagitan ng pagdurugtong nito.
G:
Maliban sa paghahawan ng balakid at talalasalitaan
na binanggit ng klasmyte ninyo, saan pa natin
pwedeng gamitin ang tambalang salita, Ms. Ferido?

Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


71
M:
Sir sa ano po (pause)
G:
Sa pag-aaral ng ano? (pause). Kayarian ng mga…?
M:
salita!

Sa transkripsyon namang ito, nagbigay ng clue ang guro upang
malimi ng mag-aaral ang kanyang tinutukoy.
G:
Diba sa kompyuter may imbakan ng alaala? Tayo
ganun din, mayroon din tayong alaala na kapag
nabura yong alaalang iyon..ito ang tinatawag nating
ano?
(pause) Tayo ay may ano (pause) Ha? Anong
sakit iyon?


M:
Amnesia po!
Batay sa naging resulta ng pag-aaral na ito, natuklasang
tumutugma ito sa pag-aaral na isinagawa ni Ngamoy (2002) bilang
pangatlo sa pinakagamiting estratehiyang pangkomunikasyon ng mga
guro sa kanilang pagtuturo ng Filipino sa kumbinasyong pagkaklase.
Samantalan, sa pag-aaral naman ni Lartec, J.K (2001)., pangalawa ito sa
pinakagamitin ng mga guro sa Benguet State University sa antas
tersyarya. Indikasyon ito na kahit sa aling antas ng edukasyon ay
talagang gamitin ng mga guro sa kanilang pagtuturo ang estratehiyang
pagbibigay –clue.
Mababatid mula sa mga traskripsyon na sa pamamagitan ng
paggamit ng clue ng mga guro sa pagtuturo ay nahihikayat nilang patuloy
na makipag-interaksyon ang mga mag-aaral sa klase at ang hindi agarang
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


72
pagtugon ng mag-aaral sa tanong ng guro ay hindi nagiging balakid sa
daloy ng talakayan sapagkat sa pamamagitan ng clue ay nahihiwatigan
agad ng mag-aaral ang tinutukoy ng kanilang guro at bunga nito,
naihahanda nila ang kanilang sarili sa pagsagot ng tama, naiuugnay ang
dating kaalaman sa bagong paksang tinatalakay at nalilinang din ang
kasanayan ng mga mag-aaral na mag-isip nang may kaugnayan sa
paksang-aralin.
Sang-ayon kay Freeman at Freeman (1993) habang nagbibigay ng
clue ang guro, nabibigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na iugnay
ito sa kanilang imbak na kaalaman para maipahayag ang kanilang ideya
at kaisipan na siyang nagbubunga ng masigasig na pakikipagtalakayan.
Substitusyon. Sa pananaliksik na ito ay pang-apat sa ranggo ng
mga estratehiyang pangkomunikasyon ng mga guro ang substitusyon. Ito
ay may mean na 15.50 samantala, pang-anim naman sa ranggo sa pag-
aaral na isinagawa ni Casingal (2000).
Sa transkripsyong ito, malinaw na hindi agarang nasagot ng mag-
aaral ang katanungan ng guro. Dahil dito, nahiwatigan ng guro na hindi
naunawaan ng mag-aaral ang kanyang katanungan kaya gumamit siya ng
ibang termino upang makuha ang tugon ng mag-aaral.
G:
Magbigay pa nga isang pangungusap Miss, Lucero.
M:
Binaril si Rizal sa Luneta.
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


73
G: Alin
ang
paksa Miss Villaroel? (pause) Ha? Alin ang
sabjek?

Dito naman sa ikalawang transkripsyon sa pag-aaral ng sanhi at
bunga ay ginamit ng guro ang substitusyon upang madaling maunawaan
ng mga mag-aaral ang tinutukoy sapagkat ang tinuran ng mag-aaral na
balik-aral ng hindi gaanong gamitin sa araw-araw na pag-uusap.
M:
Hindi siya nagbabalik –aral kaya siya bumagsak.
G: Ok, dahil hindi siya nagbalik-aral o nagrebyu kaya
siya lumagpak.

Ang resulta ng pag-aaral na ito ay sumasang-ayon sa natuklasan ni
Valerio (1999) na ang substitusyon ang isa sa mga estratehiyang
ginagamit ng mga guro sa pagpapaunawa ng paksa na kanilang
tinatalakay.
Ang mga salitang hindi na gamitin ay malaking hadlang sa pag-
unawa ng mga mag-aaral sa paksang tinatalakay at nagdudulot ito ng
kawalan ng interes sa panig ng mga mag-aaral na mag-isip, umunawa at
makipag-interak sa klase. Sa ganitong kalagayan, malaking pakinabang
ang nagagawa ng estratehiyang substitusyon tungo sa pagkatuto ng mga
mag-aaral sapagkat ang mga salitang ginagamit ng guro ay simple at
madalas na narinig o ginagamit sa pag-aaral kaya madali nang makuha at
maintidihan ng mga mag-aaral aral ang tanong ng guro.
Nagbigay sina Faerch at Kasper (1983) ng ilang mga dahilan kung
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


74
bakit gumagamit ng substitusyon ang mga guro. Ayon sa kanila, may
mga salitang mahirap maunawaan at upang maipaliwanag ang
kahulugang taglay ng mga salita, kailangan gumamit ng substitusyon ang
guro. Samantala, ayon naman kina Blum-kulka at Levenston (1983),
gumagamit ng iba pang salita ang guro na ang kahulugan ay malapit sa
salitang nabanggit upang matiyak ang pagpapanatili sa orihinal na
kahulugan ng salita. Ginagamit din ng mga guro ang sustitusyon upang
ang wikang ginagamit ay maiangkop sa antas ng mga mag-aaral. Sang-
ayon ito sa tinuran ni Ellis (1990) na ang mga guro na sensitibo ay mulat
sa pangwikang pangangailangan ng mga mag-aaral. May kaugnayan ito
sa paniniwala ni Allwright at Bailey (1991), na isa sa mga nagagawa ng
substitusyon ay ang pagsasanay sa mga mag-aaral na maharap sa iba’t
ibang barayti ng mga konsepto.
Paglilipat-wika. Batay sa resulta ng pag-aaral na ito, natuklasang
panlima sa mga estratehiyang pangkomunikasyon ng mga guro sa
Filipino ng Palawan State University ang paglilipat –wika. Indikasyon
lamang na sa anim na estratehiyang nabanggit ay pangalawa ito sa hindi
gaanong gamitin sa Palawan State University. Halos kapareho sa naging
resulta sa pag-aaral ni Ngamoy (2002) na pumang-anim sa ranggo.
Taliwas sa naging resulta sa pag-aaral ni Lartec (2001) sa Benguet State
University na pumangatlo sa ranggo. Samantala, sa pag-aaral ni Valerio
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


75
(1999), pinakagamiting estratehiyang pangkomunikasyon ng guro ang
paglilipat-wika sa English, Science at Math para maunawaan sila ng mga
mag-aaral. Nanguna rin ang estratehiyang ito sa pag-aaral na isinagawa
ni Casingal (2000) sa mga communication adjustments ng mga guro sa
klase ng Engineering at Architecture.
Ang dalawang transkripsyong ito ay kakikitaan ng paggamit ng
paglilipat-wika upang madali siyang maunawaan ng kanyang mga mag-
aaral.
G:
Ibig sabihin, yong sabjek yon ang receiver ng verb.

G: Ang anyo ng ganitong uri ng pangangatwiran ay
tinatawag na syllogism. Isang anyo ng pagmamatuwid
na binubuo ng major premise, minor premise at
conclusion.


Batay sa transkripsyong nakasaad sa itaas, ang paglilipat-wikang
ginamit ng guro sa pag-aaral na ito ay sa pamamagitan ng paggamit ng
wikang Ingles at hindi sa unang wika ng mga mag-aaral na kagaya ng sa
pag-aaral nina Ngamoy (2002) at Lartec (2001). Ito ay sa dahilang ang
mga Palaweňo ay sanay nang gumamit ng wikang Filipino na batay sa
Tagalog kaya nauunawaan na nila ang wikang ginagamit ng guro sa pag-
tuturo nang hindi na kinakailangan pang isalin sa kanilang unang wika.
Ang paglilipat-wika ng guro sa wikang Ingles ay indikasyon na
madali siyang maunawaan ng kanyang mga mag-aaral dahil ginagamit
ang mga terminong ito sa iba pa nilang asignatura gaya ng English at
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


76
Logic.
Sumang-ayon ito sa pahayag ni Fillmore (1987), na upang matiyak
ng guro na siya ay mauunawaan ng mga mag-aaral, gumagamit siya ng
mga salitang nakasanayan na at alam na alam ng mga mag-aaral.
Pinatunayan ito Valerio (1999) sapagkat kanyang natuklasan sa kanyang
pag-aaral na naglilipat-wika ang mga guro sa kani-kanilang pagtuturo
upang maunawaan sila ng mga mag-aaral sa kanilang mga
ipinaliliwanag.Tumugma ito sa pag-aaral ni Bucu (2000) na pinamagatang
“Analysis of Classroom Discourse” inamin ng mga mag-aaral na madalas
maglipat wika sa Filipino o Ilokano ang kanilang guro upang mapadali ang
pag-unawa sa mga konseptong tinatalakay.
Ayon kay Hughes (1979), ang paglilipat-wika ay estratehiyang may
kalikasan ng magandang resulta sa mga mag-aaral. Sinang-ayunan ito ni
Ellis (1990) sa kanyang aklat na “Understanding Second Language
Acquisition” sapagkat ayon sa kanya, kung nahihirapan ang mga mag-
aaral sa konseptong pinag-aaralan, naglilipat-wika ang guro upang
maging malinaw sa mga mag-aaral ang mensaheng ipinahahayag. Tugma
ito sa paniniwala ni Varadi (1983), na kailangang isalin ng guro ang mga
sitwasyon sa wikain ng mga mag-aaral upang maintindihan ng mga mag-
aaral ang aktwal na kahulugan.
Pagpapakahulugan. Makikita sa talahanayan 1 na ang estratehi-
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


77
yang ito ang pang-anim o pinakahuli sa mga nabanggit na estratehiya.
Sa transkripsyon ay binigyang kahulugan ng mga mag-aaral at
guro ang paggamit o pagsuot ng mga alahas.
G:
Bakit nagsusuot ng mga ganito ang tao? (pause) Ha?
yong gaya ng mga binanggit ninyo kanina tulad ng
anklet at hikaw?

M1: Ma’a m for fashion po!.
G: Fashion bang matatawag yon? Ganun ba sa
kalakaran natin ngayon? Is it merely part of fashion?
Pero alam nyo ba na noong unang panahon ito ay
tanda ng…

M2: (biglang sasagot) Pagkamaykaya po sa buhay!
Mayaman!

G:
Pagiging alipin ika mo!
M:
(lahat Ha…….ha…..ha!
G: Ngayon, iyan ang ating persepsyon na kapag
naninilaw ka, (ibig sabihin ay puro ginto sa katawan)
a… may hepa ka! (naninilaw dahil sa ginto).(Sa
puntong pabiro) Mayaman ka! Pero noon, the more
na punung-puno ka ng alahas, the more na alipin ka!


M3: Ma’am bakit po?
G:
E, ganon talaga ang kultura e, Noon upang maipakita
ang pagiging mayaman at kabayanihan, ginagamit
ang tattoo at hindi alahas dahil ang alahas ay
ginagamit sa pagiging alipin. Baligtad na hindi ba?
Ang tattoo sa ngayon ay ginagamit ng mga bilanggo
at addict samantalang ang alahas na ginto ay
makikita sa mga mayayaman.

Dahil ito ang pinakahuling gamiting estratehiya, indikasyon lamang
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


78
na ang pagpapakahulugan ay hindi gamitin ng mga guro sa pagtuturo ng
Filipino sa antas tersyarya ng Palawan State University. Ito ay sa dahilang
ang mga mag-aaral mismo ang nagbibigay kahulugan sa maraming
bahagi ng paksang-aralin at hindi ang guro sapagkat ang mga mag-aaral
sa antas tersyarya ay may kakayahan nang magpakahulugan di tulad ng
mga mag-aaral sa elementarya at sekundarya. Sa pananaliksik na ito ay
natuklasang nagbibigay clue lamang ang mga guro at ito ang nagiging
gabay ng mga mag-aaral sa pagpapakahulugan kaya sa halip na guro ang
gumamit ng estratehiyang pagpapakahulugan, mag-aaral ang madalas na
gumagamit nito. Datapwa’t nagagamit pa rin ito ng mga guro paminsan-
minsan.
Ayon kay Villanueva at Mariano (1968), ang isang estratehiya ay
makatutulong sa pagkatuto kung ito ay naaangkop at nababagay sa
kakayahan at kawilihan ng mga mag-aaral. Ipinaliwanag ni Simeon
(1996) na ang uri ng mga mag-aaral ay siyang basehan ng guro sa
paraan ng kanyang pagsasalita. Ang paggamit ng wika sa pakikipagko-
munikasyon ay iniaangkop sa antas ng mga nakikinig.
Ito ay may kaugnayan sa paniniwala ni Olpindo (1998) na ang mag-
aaral ang itinuturing na “educative process” kaya ang estratehiyang dapat
gamitin ng guro sa pagtuturo ay dapat angkop sa gulang, baitang,
kakayahan, interes at pangangailangan ng mga mag-aaral.
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


79
Mga Estratehiyang Pangkomunikasyong karaniwang
Ginagamit ng mga Guro sa Pagtuturo
ng Filipino Ayon sa Kanilang Profile


Antas ng Edukasyong Natapos


Sa seksyong ito, sinuri ang mga estratehiyang pangkomunikasyong
karaniwang ginagamit ng walong sabjek na guro sa kanilang pagtuturo ng
Filipino sa antas tersyarya ng Palawan State University ayon sa antas ng
edukasyong kanilang natapos. Pinangkat sa tatlo ang walong sabjek na
guro. Ang mga gurong nagsisimula pa lamang
kumuha ng yunits sa MA ay pinangkat sa titulong BS samantalang ang
mga gurong nakapagtapos ng MA at MAT (diploma) ay pinangkat naman
sa titulong MA at ang mga gurong may yunits sa Ph. D at tapos ng Ph. D
ay isang pangkat din, sa titulong Ph.D.
Nakahantad sa talahanayan 2 ang dalas ng pagkakagamit ng iba’t
ibang estratehiyang pangkomunikasyon ayon sa antas ng edukasyong
natapos ng guro.
Makikita na ang pinakagamiting estratehiya ng mga gurong may
titulong BS ay pag-uulit sa mean na 29.00. Nangunguna rin ang
estratehiyang pag-uulit bilang gamiting estratehiya ng mga gurong may
titulong MA at sa katunayan ay napakataas ng mean nito na umabot ng
hanggang 55.00 di gaya ng mga may titulong PhD na umabot lamang
mean na 34.50. Bagaman mas mataas ang mean sa MA kaysa Ph D at
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007

Talahanayan 2. Mga estratehiyang pangkomunikasyon sa pagtuturo ng Filipino na karaniwang
ginagamit ng mga guro ayon sa antas ng edukasyong natapos.
ANTAS NG EDUKASYON
ESTRATEHIYA
BS
MA
PhD
F-Value
PROBABILITY
Pagpapaliwanag
26.00 24.0

0
19.00
23
0.3
0.738
Pag-uulit
29.00 55.0

0
34.50
19
1.3
0.347
Substitusyon
13.50 16.7

5
15.00
87
0.1
0.835
Paglilipat-wika
14.00 6.0
0
15.00
76
1.0
0.409
Pagbibigay-clue
19.50 14.7

5
11.00
25
1.8
0.250
Pagpapakahulugan
9.50 6.7
5
14.50
77
0.7
0.508


81
BS, ang dalas ng pagkakagamit ng estratehiyang pag-uulit ng mga
sabjek na guro ayon sa edukasyong natapos ay di kakikitaan ng
estatistikong pagkakaiba batay sa F-value na 1.319,P>.05
Pangalawa namang pinakagamitin ang estratehiyang
pagpapaliwanag sa mga gurong may titulong BS sa mean na 26.00 at
19.00 naman sa mga titulong PhD. Samantala, naging pangatlo naman
ang estratehiyang ito sa mga gurong may titulong MA sa mean na 24.00.

Ang pangatlong estratehiyang pangkomunikasyong karaniwang
ginagamit ng mga gurong may titulong BS ay pagbibigay-clue (19.50)
samantala pagpapaliwanag (24.00) naman sa mga may titulong MA at
substitusyon at paglilipat – wika naman sa mga may titulong PhD sa
parehong mean na 15.00. Batay sa estatistikong resulta, ang dalas at
lawak ng pagkakagamit ng pagbibigay-clue, pagpapaliwanag,
substitusyon at pagpapalit- wika ay walang kabuluhang pagkakaiba.

Pang-apat ang estratehiyang paglilipat-wika sa mga gurong may
titulong BS na may mean 14.00, substitusyon sa may titulong MA na may
mean na 16.75 at pagpapakahulugan naman sa mga gurong may titulong
PhD sa mean na 14.50

Panlima sa mga BS gradweyt ang estratehiyang substitusyon sa
mean na 13.50, paglilipat-wika sa mga MA gradweyt sa mean na 6.00 at
pagbibigay-clue naman sa mga may titulong PhD sa mean na 11.00.
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


82

Ang pang-anim at pinakahuling estratehiyang karaniwang
ginagamit ng mga guro sa pagtuturo ng Filipino ay pagpapakahulugan sa
mga may titulong BS at MA. Sa PhD ay wala nang pumang-anim
sapagkat nakasaad sa pangatlong estratehiya nito na pareho ang mean
ng mga estratehiyang substitusyon at paglilipat-wika.

Sa kabuuan, ang walong sabjek na guro na may titulong BS, MA at
PhD ay pare-parehong gumagamit ng iba’t ibang estratehiyang
pangkomunikasyon nang walang kabuluhang pagkakaiba. Pinatutunayan
ito ng computed F-value sa pag-uulit na 1.319 at probability na .347;
pagpapaliwanag , F-value na .323 at probability na .738; pagbibigay-clue,
1.825 (.250); paglilipat-wika, .1.076 (.409); substitusyon, .187 (.835);
pagpapakahulugan, .777 (.508).

Batay sa mga estatistikong resulta, makikitang ang computed F-
value at probability ng lahat ng mga estratehiyang pangkomunikasyong
ginagamit ng mga guro ay mas mataas sa .05 level of significance.
Samakatuwid, hindi tinatanggap ang haypotesis na may kabuluhang
pagkakaiba ang mga estratehiyang pangkomuniksyong ginagamit ng mga
guro sa pagtuturo ng Filipino ayon sa antas ng edukasyong natapos.

Inilalarawan sa estatistikong resulta nito na ang mga estratehiyang
pangkomunikasyon gaya ng pagpapaliwanag, pag-uulit, substitusyon,
paglilipat-wika, pagbibigay-clue at pagpapakahulugan ay pare-parehong
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


83
ginamit ng mga sabjek na guro na may titulong BS, MA at PhD. Patunay
lamang na anuman ang antas ng edukasyong natapos ay kapwa
gumagamit ng mga estratehiyang nabanggit. Indikasyon lamang na ang
paggamit ng mga estratehiyang pangkomunikasyon ay walang kinalaman
sa antas ng edukasyong natapos.

Ayon sa Unang Wika


Mababatid sa seksyong ito ang lawak ng paggamit ng iba’t ibang
estratehiyang pangkomunikasyon ng mga guro na pinangkat ayon sa
kanilang unang wika. Ang mga wikang tinutukoy ay ang Cuyunon,
Cebuano, Ilonggo, at Tagalog.

Makikita sa Talahanayan 3 ang dalas at lawak ng pagkakagamit ng
mga guro ng mga estratehiyang pangkomunikasyon at batay sa istatisti-
tikong pagsusuri mula sa nakalap na datos sa pamamagitan ng nakateyp
na pagkaklase, natuklasang nangunguna sa mga gurong gumagamit ng
wikang Cuyunon ang estratehiyang pag-uulit sa mean na 42.50, sumunod
ang pagpapaliwanag na may mean na 19.50, pagbibigay- clue 15.00,
substitusyon 13.00, paglilipat-wika 10.00 at pagpapakahulugan 10.50.
Sa mga gurong Cebuano nangunguna rin ang pag-uulit na may
mean na 29.00, pagpapaliwanag 24.50, pagbibigay – clue 20.50, substi-
tusyon 16.50, pagpapakahulugan 10.00 at pang-anim naman ang
paglilipat-wika sa mean na 8.50.
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007

Talahanayan 3. Mga estratehiyang pangkomunikasyon sa pagtuturo ng Filipino na karaniwang
ginagamit ng mga guro ayon sa unang wika
UNANG WIKA
ESTRATEHIYA
CUYUNON CEBUANO ILONGGO TAGALOG F- Value PROBABILITY
Pagpapaliwanag
19.50
24.50
21.00
25.67
0.174
.909
Pag
Pag-uulit
uulit
42.50
29.00
28.00
56.33
0.496
0.496
.704
Substitusyon
13.00
16.50
9.00
18.67
0.925
.506
Paglilipat-wika
10.00
8.50
2.00
14.33
0.462
.724
Pagbibigay-clue
15.00
20.50
19.00
23.33
0.222
.877
Pagpapakahulugan
10.50
10.00
1.00
11.00
0.423
.747


85

Batay pa rin sa talahanayan 3, makikitang pinakapangunahing
estratehiya pa rin ang pag-uulit sa mga gurong Ilonggo na may mean na
28.00, pangalawa ang pagpapaliwanag 21.00 pagbibigay-clue 19.00,
substitusyon 9.00, paglilipat-wika 2.00 at pang-anim ang
pagpapakahulugan sa mean na 1.00.

Samantala, sa mga gurong Tagalog nangunguna rin ang

estratehiyang pangkomunikasyong pag-uulit na may mean na 56.33,
pangalawa ang pagpapaliwanag 25.67, pangatlo ang pagbibigay –clue
23.33, pang-apat ang substitusyon 18.67, panlima ang paglilipat-wika
14.33 at pang-anim ang pagpapakahulugan sa mean na 11.00.

Sa kabuuan, mababatid na ang mga guro na ang unang wika ay
Cuyunon, Ilonggo, at Tagalog, ay pare-pareho lamang ang lawak ng
pagkakagamit ng mga estratehiyang pangkomunikasyon sa kanilang
pagtuturo ng Filipino sa antas ng tersyarya ng Palawan State University.
Makikita sa talahanayan 3 na ang unang apat na mga estratehiyang
nabanggit ay pareho rin ang lawak ng pagkakagamit ng mga gurong
Cebuano maliban na lamang sa panlima at pang-anim sapagkat kapansin-
pansin na sa puntong ito ay naiba ang huling dalawang estratehiya kung
ihahambing sa unang tatlong unang-wika- ang Cuyunon, Ilonggo, at
Tagalog.

Batay sa istatistikong pagsusuri ng ebidensya, natuklasang ang
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


86
lawak ng pagkakagamit ng mga sabjek na guro ng mga estratehiyang
pag-uulit , pagpapaliwanag, pagbibigay-clue at substitusyon ay walang
kabuluhang pagkakaiba. Maging ang pagkakagamit ng dalawang huling
estratehiya, ang pagpapakahulugan at pagpapalit-wika ay natuklasan ding
walang kabuluhang pagkakaiba ayon sa unang wikang gamit.

Sa gayon, pinatutunayan ng resulta ng pag-aaral na ito na anuman
ang unang wikang gamit ng guro, ang lawak ng pagkakagamit ng iba’t
ibang estratehiyang pangkomunikasyon ay magkakapareho sa lahat ng
neytib na spiker. Indikasyon lamang na ang unang wika ay walang
kinalaman sa lawak ng paggamit ng iba’t ibang estratehiyang
pangkomunikasyon.

Pinatutunayan ng F-value sa pag-uulit .496 at probability nitong
(.704); pagpapaliwanag 174 (.909); pagbibigay-clue .222 (.877),s substi-
tusyon .925 (.506); pagpapakahulugan .423 ( .747) at paglilipat-wika .462
(.724).

Batay sa mga estatistikong resulta, makikitang ang computed F-
value at probability ng lahat ng mga estratehiyang pangkomunikasyong
ginagamit ng mga guro ay mas mataas sa .05 level of significance nas ibig
sabihin lamang ay sakop ito ng rejection region. Samakatuwid, hindi
tinatanggap ang haypotesis na may kabuluhang pagkakaiba ang mga
estratehiyang pangkomunikasyong ginagamit ng mga guro sa pagtuturo
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


87
ng Filipino ayon sa kanilang unang wika.


Kolehiyong Kinabibilangan
ng mga Mag-aaral


Ang mga sabjek na guro sa pag-aaral na ito ay pare-parehong
nanggaling sa College of Arts and Humanities (Service College) na
itinalagang magturo sa iba’t ibang kolehiyo. Sila ay pinangkat ayon sa
kolehiyong kanilang tinuturuan na kinabibilangan ng mga respondenteng
mag-aaral.
Ihahantad sa seksyon ito ang talahanayan 4 upang makita kung
ano ang mga estratehiyang pangkomunikasyong karaniwang ginagamit ng
mga guro sa pagtuturo ng Filipino sa antas tersyarya ng Palawan State
University ayon sa kolehiyong kinabibilangan ng mga mag-aaral.

Makikita sa Talahanayan 4 na sa College of Business and
Accountancy (CBA) ay nangunguna ang pag-uulit na may mean na 35.00
pangalawa ang pagpapaliwanag 27.50, pangatlo ang substitusyon 17.00,
pang-apat ang pagbibigay-clue 16.00. panlima ang pagpapakahulugan
14.50 at pang-anim ang paglilipat-wika sa mean na 9.50
Sa College of Nursing and Health Services (CNHS), nanguna
naman ang pagbibigay – clue na may mean na 24.00, parehong
pumangalawa ang pag-uulit at pagpapaliwanag sa mean na 23.00,
pumangatlo ang substitusyon at paglilipat- wika na may mean na 13.00 at
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007

Talahanayan 4. Estratehiyang pangkomunikasyon sa pagtuturo ng Filipino na karaniwang ginagamit
ng mga guro ayon sa kolehiyong kinabibilangan ng mga mag-aaral
KOLEHIYONG KINABIBILANGAN NG MGA MAG-AARAL
ESTRATEHIYA
CBA
CNHS
CS
CEAT
CTE
F- Value
Pagpapaliwanag
27.50
23.00

21.00
14.00
23.23
0.290
Pag-uulit
35.00
23.00

38.00
64.00
50.67
0.428
Substitusyon
17.00
13.00

9.00
12.00
18.76
0.613
Paglilipat-wika
9.50
13.00

2.00
2.00
15.33
0.638
Pagbibigay-clue
16.00
24.00

19.00
25.00
20.00
0.107
Pagpapakahulugan
14.50
5.00

1.00
6.00
11.33
0.713


89
pang-apat ang pagpapakahulugan sa mean na 5.00.

Sa College of Sciences (CS), una ang pag-uulit na may mean na
38.00, pangalawa ang pagpapaliwanag 21.00, pangatlo ang pagbibigay-
clue, 19.00, pang-apat ang substitusyon 9.00, panlima ang paglilipat-wika
2.00 at pang-anim ang pagpapakahulugan sa mean na 1.00
Sa College of Engineering, Architecture and Technology (CEAT),
nanguna rin ang pag-uulit na may mean na 64.00, pagbibigay –clue
25.00, pagpapaliwanag 14.00, substitusyon 12.00, pagpapakahulugan
6.00 at pang-anim ang paglilipat-wika na may mean na 2.00
Sa College of Teacher Education (CTE) naman ay una rin ang pag-
uulit na may mean na 50.67, pangalawa ang pagpapaliwanag 24.33,
pangatlo ang pagbibigay-clue 20.00, pang-apat ang substitusyon 18.67,
panlima ang paglilipat–wika 15.33 at pang-anim ang pagpapakahulugan
sa mean na 11.33.

Batay sa resulta ng estatistikong pagsusuri, ang mga gurong
nagtuturo sa College of Engineering, Architecture and Technology (CEAT)
ang siyang may pinakamataas na bilang sa paggamit ng estratehiyang
pag-uulit na umabot sa mean na 64.00. Pangalawa ang mga nagtuturo sa
College of Teacher Education (CTE) 50.67, pangatlo ang mga nagtuturo
sa College of Sciences (CS) na may mean na 38.00, pang-apat ang mga
nagtuturo sa College of Business and Accountancy (CBA) sa mean na
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


90
35.00 at panlima ang mga nagtuturo sa College of Nursing and Health
Services (CNHS) sa mean na 23.00
Makikita rin sa talahanayan na ang mga gurong nagtuturo sa
College of Sciences (CS) ang may pinakamababang bilang ng mean sa
paggamit ng estratehiyang pagpapaliwanag na umabot lamang sa 1.00
Gayun pa man, ang mga resultang nabanggit ay walang
kabuluhang pagkakaiba. Patunay lamang na bagama’t may pagkakaiba
sa mga value ng computed mean, mababatid pa rin na lahat ng gurong
sabjek sa pag-aaral na ito, saanmang kolehiyo sila magturo o saan mang
kolehiyo nabibilang ang kanilang mga mag-aaral, ang mga estratehiyang
pangkomunikasyong pag-uulit, pagpapaliwanag, substitusyon, paglilipat-
wika, pagbibigay-clue at pagpapakahulugan ay pare-parehong nilang
nagagamit sa kanilang pagtuturo ng Filipino nang walang kabuluhang
pagkakaiba.
Pag-uulit. Nabatid sa pag-aaral ni Ngamoy (2002) na nakatutulong
nang malaki sa pag-unawa ng mga mag-aaral ang pag-uulit ng guro sa
kanyang pagpapaliwanag at pagtatanong kaya sila ay nahihikayat na
sumagot sa mga katanungan at makipag-interaksyon sa klase. Sinang-
ayunan ito ni Bik-May (1986) sa pagbanggit ni Bito (1999) na sa
pamamagitan ng estratehiyang pag-uulit ay napapasimple nito at
napadadali ang pagpapaunawa ng aralin sa mga mag-aaral. Pinatunayan
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


91
ito ni Chaudron (1985) sa pagbibigay-diin na ang pag-uulit at
pagpapasimple ng pahayag ay nakapagpapabilis ng pag-unawa sa pinag-
aaralan dahil sa pamamagitan nito ay napag-uugnay-ugnay ng mga mag-
aaral ang kahulugan ng kanilang naririnig.
Pagpapaliwanag. Ayon kay Lardizabal (1977), nakasasalay sa
guro ang pagpapanatili ng interes ng mga bata. Bunga nito, napakalaki
ng tungkuling ginagampanan ng guro sa paggabay sa pag-iisip ng mga
mag-aaral kaya sa pagpapaliwanag ng aralin ay dapat na tiyaking
malinaw at madali itong maunawaan ng mga mag-aaral.
Sa kabilang banda, pinagdiinan nina Blount at Klausmeler (1968)
na hindi gaanong mabisa ang pagpapaliwanag sa pagdedebelop ng
masusing pag-iisip at kasanayan sa pamamagitan ng pagtatanong sa mga
mag-aaral. Gayunpaman, ipinaliwanag nina Dumas At Beckner (1968)
na mahalaga ang pagpapaliwanag sa paglilinaw sa mga ideya na hindi
masyadong nauunawaan ng mga mag-aaral. Pinatotohanan ito ni Scholl
(1977) na nakatutulong ang pagpapaliwanag upang maipabatid ng guro
nang malinaw sa mga mag-aaral ang mga mahahalagang kaisipan
tungkol sa paksang tinatalakay.
Pagbibigay-clue. Natuklasan sa pag-aaral ni Ngamoy (2002) na
nagbibigay-clue ang mga guro habang nagtuturo sapagkat nagaganyak
nilang mag-isip at sumagot sa mga katanungan nila ang mga mag-aaral
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


92
sa pamamagitan ng estratehiyang ito; nakapagbibigay ng tamang
kasagutan o kaya ay nakapaghuhula ng sagot ang mga mag-aaral at
bunga nito ay unti-unting nalilinang ang kakayahan ng mga mag-aaral na
makipag-interak sa loob ng klase. Pinatotohanan ito sa pag-aaral nina
Clarke at Nation ( 1980) na ang kakayahang manghula ng kahuilugan ng
salita o pahayag na narinig ay isang pagsasanay sa pagkatuto ng mga
mag-aaral. Ayon pa kay Lartec (2001), nagbibigay ng clue ang mga guro
ng Benguet State University sa mag-aaral upang sila ay makasagot sa
mga katanungan. Sa tulong ng mga clue na ibinigay ng guro, mabibigyan
ng karagdagang impormasyon ang mga mag-aaral upang masabi ang
hinihingi mula sa kanila.
Paglilipat-wika. Ayon naman kay Crystal (1992) sa pagbanggit ni
Cadias (2001), ang paglilipat-wika ay ibinabase sa uri ng mga mag-aaral,
sa paksa at sa kalagayang pinangyayarihan ng komunikasyon.

Nagpapatunay ito na hindi sa lahat ng pagkakataon ay gumagamit ng
paglilipat-wika ang mga guro sa pagkakataong batid nila na nakauunawa
ang mga mag-aaral sa tinatalakay na aralin gamit ang target na wika.
Iniiwasan nilang gumamit ng ibang wika lalung-lalo na ang unang wika ng
mga mag-aaral.
Inilahad nina Hufana at Jimenez (1995) na naglilipat-wika o
naghahahu-halo ng wika ang guro sa klase upang bigyang-diin ang
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


93
kanyang pagpapaliwanag na nagbibigay ng pag-unawa sa mga mag-
aaral. Iminungkahi naman ni Mohammad (1997) ang limitadong paggamit
ng bernakular sa klase. Hangga’t maaari ay gamitin ang pangalawang
wikang pinag-aaralan maliban na lamang kung ang wika ng mga-aaral
ang kailangang-kailangan sa pagpapaunawa sa araling tinatalakay.
Substitusyon. Ipinaliwanag ni Ngamoy (2002) na gumagamit ng
substitusyon ang mga guro upang matulungan ang mga mag-aaral na
palawakin ang kanilang kaalaman at bokabularyo.
Ayon kay Lartec (2001), substitusyon ang estratehiyang
pangkomunikatibo ng mga guro sa pagpapalawak ng talasalitaan ng mga
mag-aaral na kailangan sa kanilang ikauunawa ng aralin. Sumang-ayon
din ditto ang natukalasan ni Casingal (2000) na gumagamit ang mga guro
ng substitusyon sa pagtuturo sa Engineering at Architecture upang
maipaunawa ang mga mahihirap na konseptong itinuturo. Ang isang
pangunahing dahilan ng paggamit ng substitusyon ay pagpapaunawa sa
kahulugan ng mga mahihirap na salitang ginagamit sa diskusyon (Faerch
at Kasper, 1983).
Pagpapakahulugan. Gaya ng sa pag-aaral ni Ngamoy (2002),
natuklasang gumagamit ng estratehiyang pagpapakahulugan ang mga
guro sa pamamagitan ng paggamit ng wikang madaling maunawaan ng
mga mag-aaral upang matulungan silang umunawa lalung-lalo na sa
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


94
mahihirap na konsepto. Ipinahihiwatig nito na gumagamit ng sariling
pagpapakahulugan ang mga guro sa pagtuturo ng Filipino upang
madaling maunawaan ang kanilang pahayag o mensahe. Makatutulong
ang gawaing ito ng guro sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Sinang-ayunan
ito ni Long (1983), sa pagbanggit ni Bito (1999) na ang isang paraan sa
pagkatuto ng wika ay ang pagkakaroon ng nauunawaang pahayag o
pagpapaliwanag sa pinag-aaralang wika.
Pinatutunayan ng computed F-value sa pag-uulit na .428 at
probability nitong (.785); pagpapalilwanag .290 (.869); substitusyon .613
(.684); paglilipat-wika .638 (.671); pagbibigay-clue .107 (.972) at
pagpapakahulugan .713 (.635).
Batay sa mga estatistikong resulta, makikitang ang computed F-
value at probability ng lahat ng mga estratehiyang pangkomunikasyong
ginagamit ng mga guro ay mas mataas sa .05 level of significance. Ibig
sabihin lamang na ang mga resulta ay sakop pa ng rejection region.
Samakatuwid, hindi rin tinatanggap ang haypotesis na may makabuluhang
pagkakaiba ang mga estratehiyang pangkomunikasyong ginagamit ng
mga guro sa pagtuturo ng Filipino ayon sa kolehiyong kinabibilangan ng
mga mag-aaral.



Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


95
Persepsyon ng mga Mag-aaral Sa mga Estratehiyang
Pangkomunikasyon ng Mga Guro sa Pagtuturo
ng Filipino sa Antas Tersyarya



Makikita sa Talahanayan 5 ang presentasyon ng kabuuang antas
ng persepsyon ng mga respondenteng mag-aaral sa mga estratehiyang
pangkomunikasyong ginagamit ng mga guro sa kanilang pagtuturo ng
Filipino. Inilalarawan sa Kolmogorov-Smirnov Z-test na ang mga mag-
aaral ay significant na nadistribyut nang hindi magkakapareho sa limang
scales na palagi, malimit, minsan, bihira at hindi.

Sa pag-uulit (A1) maraming mag-aaral ang nagsabing malimit
gamitin ng kanilang guro ang estratehiyang ito. Pinatutunayan ito sa
bilang na 193 (36.6%); minsan 150 (28.5%); palagi 96 (18.6%); bihira 59
(11.2%) at hindi na 29 (5.5%) lamang.

Sa pagpapaliwanag (A2), maraming mag-aaral ang nagsabing
palagi itong ginagamit ng kanilang guro. Pinatutunayan ito sa bilang na
286 (54.3%); malimit 158 (30.0%); minsan 66 (12.5%); bihira 15(2.8%) at
hindi na 2 (0.4%) lamang.

Sa substitusyon (A3) , marami namang mag-aaral ang nagsabing
minsan lamang gamitin ng kanilang guro ang estratehiyang ito. Bilang
patunay, umabot ito sa bilang na 220 (41.7%); malimit 177 (33.6%); palagi
57 (10.8%); bihira 50 (9.5%) at hindi na 23 (4.4%) lamang.

Sa paglilipat wika (A4), marami ring mag-aaral ang nagsabing
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007

Talahanayan 4. Estratehiyang pangkomunikasyon sa pagtuturo ng Filipino na karaniwang ginagamit
ng mga guro ayon sa kolehiyong kinabibilangan ng mga mag-aaral
KOLEHIYONG KINABIBILANGAN NG MGA MAG-AARAL
ESTRATEHIYA
CBA
CNHS
CS
CEAT
CTE
F- Value
PROBABILITY
Pagpapaliwanag
27.50 23.00

21.00
14.00
23.23
0.290
.869
Pag-uulit
35.00 23.00

38.00
64.00
50.67
0.428
.785
Substitusyon
17.00 13.00

9.00
12.00
18.76
0.613
.684
Paglilipat-wika
9.50 13.00

2.00
2.00
15.33
0.638
.671
Pagbibigay-clue
16.00 24.00

19.00
25.00
20.00
0.107
.972
Pagpapakahulugan
14.50 5.00

1.00
6.00
11.33
0.713
.635

Talahanayan 5. Antas ng persepsyon ng mga mag-aaral sa mga estratehiyang pangkomunikasyon
sa pagtuturo ng Filipino ng mga guro.
ESTRATEHIYANG PANGKOMUNIKASYON
ANTAS
A1
%
A2
%
A3
%
A4
%
A5
%
A6
%
Palagi
96
18.2
286
54.3
57
10.8
47
8.9
71
13.5
204
38.7
Malimit
193
36.6
158
30.0
177
33.6
139
26.4
166
31.5
163
30.9
Minsan
150
28.5
66 12.5
220
41.7
170
33.3
195
37.0
132
25.0
Bihira
59
11.2
15
2.8
50
9.5
109
20.7
51
9.7
20
3.8
Hindi
29
5.5
2
0.4
23
4.4
62
11.8
44
8.3
8
1.5
K-S-Z-Test 5.13**
*
7.46*
4.82**
2**
4.0
4.68**
5.37**
Prob.
0.00
0.00
0.00
0.00
0.00
0.00
Legend
100 - 1.49
=
Hindi 2.50 - 3.49
=
Minsan
4.50 - 5.00
=
Palagi
1.50 - 2.49
=
Bihira 3.50 - 4.49
=
Malimit


97
minsan lamang gamitin ng kanilang guro ang estratehiyang ito umabot ito
sa bilang na 170 (32.3%); malimit 139 (26.4%); bihira 109 (20.7%); hindi
62 (11.8%) at palagi na 47 (8.9%) lamang.

Sa pagbibigay-clue (A5), nanguna rin ang grupo ng mga mag-aaral
na nagsabing minsan lamang gamitin ng kanilang guro ang estratehiyang
ito. Umabot ang bilang nito sa 195 (37.0%); malimit 166 (31.5%); palagi
71 (13.5%); bihira 51 (9.7%) at hindi na 44 (8.3%) lamang.

Sa pagpapakahulugan (A6), nanguna naman ang grupo ng mga
mag-aaral na nagsabing palagi ang pagkakagamit ng kanilang guro ng
estratehiyang ito. Pinatutunayan ito sa resulta na umabot sa bilang na 204
(38.7%); malimit 163 (30.9%); minsan 132 (25.0%); bihira 20 (3.8%) at
hindi na 8 (1.5%) lamang.
Pag-uulit. Sadyang mabisa ang estratehiyang ito sa pagtatamo ng
interaksyon ng mga mag-aaral sa klase sapagkat natuklasan ni Lartec
(2001), na sa pamamagitan ng pag-uulit ng guro ng kanyang mga
pahayag ay nabibigyan ng sapat ng panahon ang mga pag-aaral na suriin
at intindihin ang pahayag upang makasagot nang tama sa mga
katanungan. Binigyang-diin naman ni Long (1983) sa kanyang patotoo na
ang pag-uulit ay estratehiyang lunas sa mahinang pang-unawa ng mga
mag-aaral at ginagamit din ito upang masiguro ng mga guro na ang
kanilang pahayag ay narinig at naunawaan ng mga mag-aaral. Ayon
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


98
naman kay Ellis (1990), sa pamamagitan ng pag-uulit ay nauunawaang
maigi ng mga mag-aaral ang pahayag ng guro at bunga nito ay lumalakas
ang kanilang loob ng magtanong at sumagot sa mga katanungan at sa
pagpapahayag ng kaisipan tungkol sa pinag-aaralan. Ayon naman kay
Bito (1999), sa pamamagitan ng estratehiyang ito ay nabibigyan ng
panahon ang mga mag-aaral na pag-isipan at intindihin ang narinig na
pahayag. Pinatutunayan ni Olban (1999) na mabisa ang pag-uulit sa
pagtuturo ng Filipino dahil sa pamamagitan nito ay natututo at
nakasasagot ang mga mag-aaral sa mga katanungan.
Pagpapaliwanag. Nabatid sa pag-aaral ni Lartec (2001) na ang
mga guro sa Filipino sa antas tersyarya ng Benguet State University ay
malimit magpaliwanag sa paraang nauunawaan ng mga mag-aaral;
nagbibigay ng mga halimbawa at nag-uulit ng kanilang pahayag upang
maging malinaw ang kanilanng pagtuturo. Kaugnay nito, idinagdag ni
Dillon (1981) na napapanatili ng guro ang kasiglahan at kasigasigan ng
mga mag-aaral kung magaling siyang gumamit ng wika sa
pagpapaliwanag. Natuklasan naman sa pag-aaral ni Sumakey (1996) na
ang nasabing estratehiya ay mabisa sa pagtuturo ng Filipino sa mga
paaralang sekundarya ng Benguet. Napag-alamang ang estratehiyang ito
ay ginagamit ng mga guro upang madali nilang maipaunawa sa mga mag-
aaral ang aralin at nang makasagot sila nang tama sa mga katanungan.
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


99

Iminungkahi naman ni Takinan (1999) na kinakailang may sapat
na kaalaman ang guro sa mga araling kanyang itinuturo upang maging
mabisa ang kanyang pagtuturo.

Sa pananaliksik ni Ngagan (1996), kanyang nabatid na
katamtaman ang bisa ng ng pagpapaliwanag sa pagtuturo ng Matematika
sa ikaapat na baitang gayundin sa naging resulta ng pag-aaral ni Suma-il
(1999) na katamtaman din ang bisa sa pagtuturo ng Filipino sa mga
mataas ng paaralan sa Distrito ng Timog Tabuk, Kalinga. Tanuklasan
naman sa pananalilksik ni Parnacio (1998) na mabisa ang estratehiyang
ito sa pagkakaroon ng interaksyon sa asignaturang HEKASI sa mga
mababang paaralan sa Baguio City. Naging mabisa rin ang estratehiyang
pagpapaliwanag sa pag-aaral na isinagawa ni Chaiphuag (1996) sa
pagtuturo ng Ingles sa Saint Louis University. Ang pagpapaliwanag ay
simpleng estratehiya na talagang nakatutulong sa mga guro upang
maihatid at maipaunawa ang mahalagang kaisipan sa mga mag-aaral
(Scholl, 1977).
Substitusyon. Nabatid sa pananaliksik na ang mga guro ay
gumagamit ng estratehiyang substitusyon upang maiangkop ang mga
salitang ginagamit sa klase sa pagpapaunawa ayon sa antas ng mga
mag-aaral nang mapukaw ang kanilang interes na makiisa sa talakayan at
makipag-interaksyon nang kusa. May kaugnayan ito sa pahayag ni
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


100
Takinan (1996) na dapat isaalang-alang ng guro ang pagkakaroon ng
sapat na interes ng mga mag-aaral dahil ang interes at pagkatuto ay
magkabalikat sa ikakamit ng mabuting rsulta ng pagkatuto.
Paglillipat-wika. Gaya sa pag-aaral na ito, natuklasan din ni Olban
(1999) sa kanyang pag-aaral na ang pagsasalin ng wika ng mga guro ay
nagiging daan upang makasagot ang mga bata sa mga katanungan.
Mabisa rin ang grammar translation sa pagtuturo ng pangalawang wika sa
unang baitang sa mga distrito ng Mt. Province ayon kay Marcelo (2001).
May kaugnayan ito sa natuklasan ni Catriz (1998) na kaya naglilipat-wika
ang mga guro ay upang kanilang makuha ang atensyon, aksyon at tugon
mula sa mga mag-aaral ayon sa hinihingi ng kalagayang pagtuturo at
pagkatuto. Ayon pa kina Gumperz at Hymes (1972), ginagamit ang
paglilipat-wika sa pagtuturo upang bigyang-diin ang mahalagang bahagi
ng pahayag at upang maging matagumpay ang komunikasyon sa klase.
Pagbibigay-clue. Sa mapapagitan ng estratehiyang ito ay

nagagawang iugnay ng mga mag-aaral ang pinag-aaralang konsepto sa
kanilang imbak na kaalaman at malaki ang nagagawa nito sa pagganyak
ng mga mag-aaral upang ibahagi ang kaalaman at makipag-interaksyon
sa klase (Freeman at Freeman, 1993).
Pagpapakahulugan. Mabisa ang pagpapakahulugan sa pagkuha
ng tugon ng mga mag-aaral. (Ngamoy, 2002). Ayon naman kay Lartec
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


101
(2001), dapat na gumamit ng sariling interpretasyon ang guro sa
pagtalakay na nakapagpapaunlad sa pag-unawa ng mga mag-aaral
upang mabigyan sila ng epektibong karanasan sa pagkaklase.

Batay sa pagsusuri, may ilan ding mag-aaral ang nagsabing hindi
gumagamit ng iba’t ibang estratehiyang pangkomunikasyon ang kanilang
guro. Marahil sila ang mga mag-aaral na hindi nakikinig o nakikipag-
interak sa klase o kaya naman ay sila ang mga mag-aaral na hindi binasa
ang talatanungang pinasagutan sa kanila, bagkus ay sinagot nalang nila
ito nang basta-basta.

Magkagayunman, makikita ang kabuuang paglalarawan sa
talahanayan 5 na 54.3% ng mag-aaral ang nagsabing ang estratehiyang
pagpapaliwanang (A2) ay palagi nilang naoobserbahang ginagamit ng
kanilang guro sa pagtuturo gayundin, ang 38.7% ng mag-aaral ay
nagpahayag din ng parehong obserbasyon sa estratehiyang pagpapaka-
hulugan (A6).

Samantala, ang mga estratehiyang pangkomunikasyong
substitusyon (A3) paglilipat-wika (A4) at pagbibigay-clue (A5) ay minsan
lamang gamitin ng mga guro sa pagtuturo ayon sa 41.7; 32.3 at 37.0
bahagdan ng mga mag-aaral ayon sa pagkakasunod-sunod.

Malimit namang gamitin ng mga guro ang pag-uulit (A1) sa kanilang
pagtuturo, ayon sa 36.6% ng mga mag-aaral.
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


102

Batay sa resulta ng talahanayan 1 na nakalap sa nakateyp na
pagtuturo ng guro sa Filipino, ang una at pinakagamiting estratehiyang
pangkomunikasyon ng mga guro ay ang pag-uulit kung saan dito sa
talahanayan 5 ay naging malimit lamang ang pagkakagamit ayon sa mga
mag-aaral. Pangalawa sa ranggo ang estratehiyang pagpapaliwanag (sa
talahanayan 1 pa rin), pangatlo ang pagbibigay clue, pang-apat ang
substitusyon at panlima ang paglilipat- wika samantala dito sa
talahanayan 5, ang tatlong estratehiyang ito ay magkakaparehong
minsan lamang ginamit ng kanilang guro ayon sa mga mag-aaral. Ang
pagpapakahulugan ang estratehiyang pinakahuli sa ranggo at hindi
gaanong gamitin ng guro kung ibabatay sa talahanayan 1 ngunit dito sa
talahanayan 5, ito ay lumalabas na pinakagamitin ng mga guro dahil
palagi itong naoobserbahan ng mga mag-aaral.

Dahil sa mga resultang ito, malinaw na may kabuluhang pagkaka-
iba ang antas ng persepsyon ng mga mag-aaral sa paraan ng paggamit
ng mga guro ng mga nabanggit na estratehiyang pangkomunikasyon sa
kanilang pagtuturo.

Pinatutunayan ito sa resulta ng Kolmogorov-Smirnov Z-test; pag-
uulit (A,) 5.13 (probability 0.00); pagpapaliwanag (A2) 7.46 (0.00);
substitusyon (A3) 4.82 (0.00); paglilipat-wika (A4) 4.03 (0.00); pagbibigay-
clue (A5) 4.68 (0.00) at pagpapakahulugan (A6) 5.37 (0.00).
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


103

Sapagkat matataas ang resulta ng K-S-Z test, nangangahulugang
ito ay may makabuluhang pagkakaiba at dahil ang resulta ng mga
probability ay 0.00, ito ay pumasok sa acceptance region ng .01 level of
significance samakatuwid, tinatanggap ang haypotesis na may
makabuluhang pagkakaiba ang antas ng persepsyon ng mga mag-aaral
sa mga estratehiyang pangkomunikasyon ng mga guro sa pagtuturo ng
Filipino sa antas tersyarya ng Palawan State University.
Pag-uulit. Batay sa pagsusuri, natuklasang malimit gamitin ng mga
guro ang estratehiyang ito ayon sa 36.6% na mag-aaral. Gaya ng pag-
aaral na isinagawa ni Lartec (2001) pinatotohanan niya sa kanyang pag-
aaral na mabisa ang pag-uulit ng guro ukol sa naging kasagutan ng mga
mag-aaral upang malinang ang kasanayan ng mga mag-aaral sa
pagsagot ng kompletong pangungusap.

Ayon pa rin kay Lartec (2001), ginagamit ng mga guro ang pag-
uulit upang siguraduhing madaling maunawaan ng mga mag-aaral ang
pahayag ng guro. Tugma ito sa pahayag ni Long (1983) sa pagbanggit ni
Ngamoy (2002) na ang estratehiyang pag-uulit ay tugon sa kakulangan ng
pag-unawa ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan pa rin ng estratehiyang
ito, nalilinang ng mga mag-aaral ang kanilang kakayahan sa pag-unawa.
Sang-ayon ito sa pahayag ni Ellis (1990) na sa pamamagitan ng pag-uulit
ay naiintindihang maigi ng mga mag-aaral ang paksang-araling tinatalakay
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


104
ng guro.
Pagpapaliwanag. Sa pag-aaral na ito ay palagi ang naging resulta
sa pagsusuri samantalang sa pag-aaral naman ni Lartec (2001) ay
katamtaman lamang gayundin sa pag-aaral ni Suma-il (1999) na
katamtaman ang bisa ng estratehiyang ito sa pagtuturo ng Filipino sa mga
mataas na paaralan sa Distrto ng Timog Tabuk, Kalinga. Sa pag-aaral
naman ni Sumakey (1996) napag-alamang mabisa ang nabanggit na
estratehiya sa pagtuturo ng Filipino sa sekundarya. Dagdag pa ni Scholl
(1977), malaking tulong para sa mga guro ang estratehiyang ito sa
kanilang pagpapaunawa ng mahalagang kaisipan sa mga mag-aaral.
Sinang-ayunan ito ni Lartec (2001) na ang pagpapaliwanag ay
nakatutulong sa pag-unawa ng mga mag-aaral.
Substitusyon. Naobserbahan ng mga mag-aaral sa pag-aaral na
ito na minsan lamang ginamit ng guro ang substitusyon samantalang sa
pag-aaral naman ni Lartec (2001) ay bihira lamang gamitin ng mga guro
sa antas tersyarya ng Benguet State University ang estratehiyang ito.

Ang substitusyon ay nakapagpapalawak ng bokabularyo hindi
lamang ng guro kundi pati na rin ng mga mag-aaral na siyang salik sa
pag-unawa sa mga paksang tinatalakay. Isa sa mga nagagawa ng
substitusyon ay ang pagsasanay sa mga mag-aaral na maghanap ng iba’t
ibang barayti ng mga konsepto (Allwright at Bailey, 1991). Ginagamit din
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


105
ito ng guro upang maiangkop ang wikang ginagamit sa antas ng mga
mag-aaral. May kaugnayan ito sa paniniwala ni Ellis (1990) na ang mga
guro ay sensitibo at mulat sa pangangailangang pangwika ng mga mag-
aaral.
Paglilipat-wika. Naobserbahan ng mga mag-aaral na minsan
lamang gamitin ng kanilang guro ang estratehiyang ito. Batay naman sa
resulta ng pag-aaral ni Lartec (2001) ay malimit itong gamitin samantala
sa pag-aaral naman ni Bucu (2000) ay pinatotohanan niyang ang
paglilipat-wika bilang estratehiya sa pagtuturo ay ginagamit sa
pagpapaliwanag ng konsepto, pagkuha ng atensyon, pagbibigay-diin,
pagganyak sa mga mag-aaral upang magsalita, pagpapadali ng input,
pag-uulit, pagpapakahulugan at pagpapanatili ng katiwasayan sa loob ng
klasrum (Hufana at Jimenez, 1995).
Pagbibigay-clue. Minsan lamang ginamit ng guro ang
estratehiyang ito sa resulta ng pagsusuri samantala sa pag-aaral ni Lartec
ay (2001) ay natuklasan niyang malimit itong gamitin ng mga guro sa
Benguet State University. Ayon pa sa kanya, malimit magbigay ng clue
ang guro sa mga mag- aaral upang makasagot ang mga ito sa mga
katanungang ibinabato sa kanila ng kanilang guro. Mahalaga ang
pagbibigay ng clue upang ang mag-aaral ay mapilitang sumagot o
magsalita. Sa pamamagitan nito ay nabibigyan ng karagdagang
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


106
impormasyon ang mga mag-aaral upang makasagot ayon sa hinihinging
ideya. Sa pamamagitan ng estrathiyang ito ay nabibigyan ng oras ang
mga mag-aaral na iugnay ang kanilang imbak na kaalaman upang
makasagot.

Sumang-ayon dito si Johnson (1985) nang matuklasan niyang ang
pagbibigay ng clue sa mga mag-aaral ay isang tungkulin sa pagtuturo na
humihimok sa kanilang makipag-interaksyon. Nakita niya sa kinalabasan
ng kaniyang pag-aaral na ang mga guro ay nagtataglay ng iba-ibang
tungkulin sa pagututro. Isa rito ay ang pagbibigay ng clue na
nakatutulong sa mga mag-aaral na makapag-isip at makasagot lalo na
kung may suliranin sa pagpapaunawa ng tanong.


Ayong kina Richard at Rodgers (1986), nabibigyan ng pagkakataon
ang mga mag-aaral na maunawaan ang kanilang pinag-aaralan sa
tulong ng clue. Ito ang daan upang magamit ang imbak na kaalaman ng
mga mag-aaral tungo sa lalong ikauunawa ng mga konsepto. Habang
nagbibigay ng clue ang guro, nagagabayan ang mga mag-aaral na mag-
ugnay sa dating kaalaman upang makapagpahayag sila ng ideya,
makadiskubre ng kasagutan at magkaroon ng kumpiyansang makipag-
interaksyon sa klase (Freeman at Freeman, 1993).
Pagpapakahulugan. Batay sa naging resulta ng pag-aaral na
ito,palaging ginagamit ng guro ang pagpapakahulugan ayon sa 38.7% ng
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


107
mag-aaral Kung saan ay hindi nalalayo sa naging resulta ng pag-aaral ni
Lartec (2001) sapagkat natuklasan niyang malimit itong gamitin ng guro
sa pagtuturo sa antas tersyarya ng Benguet State University. Ito ay
nakakagaganyak at nakatutulong sa mga mag-aaral na pagyamanin ang
talasalitaan na nagbubunga sa lalong ikadadali ng aralin. Ang
kahalagahan ng pagpapakahulugan, ayon kina Allwright at Bailey (1991),
ay nabibigyan ng kasanayan ang mga mag-aaral na maging mulat sa iba’t
ibang barayti ng wika. Pahayag pa nina Faerch at Kasper (1983) na ito
ay nakatutulong sa pagpapaunlad ng kakayahang morpolohikal, sintaktikal
at leksikal na pagkatuto.












Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


108
PAGLALAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON


Paglalagom


Ang isinagawang pag-aaral ukol sa mga estratehiyang pang-

komunikasyong ginagamit ng mga guro sa pagtuturo ng Filipino sa antas

tersyarya ng Palawan State University ay ibinatay sa mga sumusunod na

layunin:

1. Anu-ano ang mga estratehiyang pangkomunikasyon ng mga

guro sa pagtuturo ng Filipino sa antas tersyarya ng Palawan State Uni-

versity?

2. Ano ang estratehiyang pangkomunikasyong karaniwang ginaga-

mit ng mga guro sa pagtuturo ayon sa:

a. antas ng edukasyong natapos

b. unang wika

c. kolehiyong kinabibilangan ng mga mag-aaral.

3. Ano ang antas ng persepsyon ng mga mag-aaral sa mga estra-

hiyang pangkomunikasyon ng mga guro sa pagtuturo ng Filipino sa antas

tersyarya ng Palawan State University?

Sa pag-aaral na ito ay tinukoy at sinuri ang mga estratehiyang
pangkomunikasyon ng mga guro batay sa nakateyp na aktwal na
pagtuturo ng Filipino sa antas tersyarya ng Palawan State University.
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


109
Pinagbasehan ang talatanungan sa pag-alam ng antas ng
edukasyong natapos, unang wika ng guro, kolehiyong kinabibilangan ng
mga mag-aaral at antas ng persepsiyon ng mga mag-aaral ukol sa mga
estratehiyang pangkomunikasyon sa pagtuturo ng Filipino sa antay
tersyarya.
Para sa estatistikong pagsusuri ng mga estratehiyang ginamit ng
guro ay kinuha ang mean, frequency counts at saka niranggo ito sa .01
level of significance.
Sa paghahambing ng lawak ng pagkakagamit ng iba’t ibang
estratehiyang pangkomunikasyon ng mga guro ayon sa antas ng
edukasyong natapos, unang wika at kolehiyong kinabibilangan ng mga
mag-aaral ay ginamit sa pagsusuri ang analysis of variance sa level of
significance na .05.

Sa paglalarawan ng persepsyon ng mga mag-aaral sa mga
estratehiyang pangkomunikasyon ng guro, ginamit ang Kolmogorov-Smir-
nov Z-test sa .05 level of significance at 5-point scale na may tiyak na
deskripsyon.

Range



Deskripsiyon
1.00-1.49

Hindi
1.50-2.49
Bihira
2.50-3.49
Minsan
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


110
3.50-4.49


Malimit
4.40-5.00


Palagi
Sa pag-aaral ay natuklasan ang mga sumusunod:
1. Gumamit ng mga estratehiyang pangkomunikasyon ang mga
guro sa pagtuturo ng Filipino sa antas tersyarya upang maging magaan
ang pagtuturo tungo sa matagumpay na pagkatuto ng mga mag-aaral. Sa
anim na estratehiyang ginamit ng mga guro, unang pinakagamitin ang
pag-uulit sa mean na 43.38, pagpapaliwanag 23.25; pagbibigay-clue
20.00, substitusyon 15.50 at pagpapakahulugan 9.38. Dahil sa resultang
ito, tinatanggap ang haypotesis na ang mga guro sa Palawan State
University ay gumagamit ng iba’t ibang estratehiyang pangkomukasyon
sa pagtuturo ng Filipino sa antas tersyarya.
2. Sa paghahambing ng lawak ng pagkakagamit ng iba’t ibang
estratehiyang pangkomunikasyon ng mga guro sa pagtuturo ng Filipino
sa antas tersyarya, pinagbasehan ang salik na antas ng edukasyong
natapos, unang wika at kolehiyong kinabibilangan ng mga mag-aaral.
a. Tungkol sa karaniwang estratehiya ng mga guro ayon sa antas
ng edukasyong natapos, ang walong sabjek na guro ay pare-parehong
gumamit ng mga estratehiyang pangkomunikasyon nang walang
kabuluhang pagkakaiba batay sa F-value na 1.319, sa .05 level of
significance. Samakatuwid hindi nito tinatanggap ang haypotesis.
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


111
b. Hinggil naman sa estratehiyang karaniwang ginagamit ng guro
ayon sa unang wika, muli ay hindi tinatanggap ang haypotesis na inilhad
sapagkat natuklasan ding walang kabuluhang pagkakaiba ang lawak ng
pagkakagamit ng mga estratehiya ayon sa unang wikang gamit.
c. Kaugnay naman sa estratehiyang karaniwang ginamit ng mga
guro ayon sa kolehiyong kinabibilangan ng mga mag-aaral, natuklasan
ding bagaman may pagkakaiba sa value ng computed mean,
pinatunayan pa rin dito na ang pagkakagamit ng mga estratehiya ay
walang kabuluhang pagkakaiba. Muli ay hindi tinanggap ang haypotesis.
3. Sa pagsusuri ng antas ng persepsyon ng mga mag-aaral sa
mga estratehiyang pangkomunikasyon ng mga guro sa pagtuturo,
ginamit sa talatanungan ang anim na mga estratehiya: 1) pag-uulit (A1); 2)
pagpapaliwanag (A2); 3) substitusyon (A3); 4) paglilipat-wika (A4); 5)
pagbibigay-clue (A5) at 6) pagpapakahulugan (A6 ). Ipinakikita sa resulta
ng pagsusuri ang sumusunod:
a. Ang pag-uulit (A,) ay malimit gamitin ng guro sa kanilang
pagtuturo ayon sa malaking bilang ng mag-aaral (36.6%).
b. Ang pagpapaliwanag (A2), ay palaging ginagamit ng mga
guro sa pagtuturo ayon sa (54.3%) ng mag-aaral.
c. Ang substitusyon (A3), ay minsan lamang ginamit ng mga guro.
d. Ang paglilipat-wika (A4), ay minsan din lamang naobserba-
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


112
han ng (32.3%) na mag-aaral mula sa pagtuturo ng kanilang guro.
e. Ang pagbibigay-clue (A5), ay minsan lamang ginamit ng
kanilang guro sa pagtuturo ng Filipino ayon sa (37.0%) na mag-
aaral.
f. Ang pagpapakahulugan (A6) ay palaging ginagamit sa pagtuturo
ayon sa (38.7%) na mag-aaral.
Batay sa mga resultang ito, tinatanggap ang haypotesis na may
kabuluhang pagkakaiba ang antas ng persepsiyon ng mag-aaral sa
paraan ng paggamit ng mga guro ng mga estratehiyang
pangkomunikasyon sa kanilang pagtuturo.


Konklusyon
Batay sa mga natuklasan sa mga pag-aaral na ito, nabuo ang mga
sumusunod na konklusyon.
1. Ang mga guro sa antas tersyarya ng Palawan State University ay
gumagamit ng iba’t ibang estratehiyang pangkomunikasyon sa kanilang
pagtuturo ng Filipino. Anim sa mga ito ang binigyang diin; ang pag-uulit,
pagpapaliwanag, substitusyon, paglilipat-wika, pagbibigay-clue at
pagpapakahulugan.

2. Ang estratehiyang pag-uulit ay ginamit ng guro sa pagtuturo
nang may iba’t ibang tukoy.
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


113
a. Tungkol sa estratehiyang pangkomunikasyon ng mga guro ayon
sa antas ng edukasyong natapos, ginamit nila sa kanilang pagtuturo nang
walang kabuluhang pagkakaiba ang anim na estratehiyang nabanggit.
b. Tungkol sa mga estratehiyang pangkomunikasyong ginamit ng
guro ayon sa unang wika, wala rin itong kabuluhang pagkakaiba
sapagkat anumang wika ang kanilang gamit ay wala itong kaugnayan sa
pagkakagamit nila ng mga estratehiyang pangkomunikasyon.
c. Tungkol naman sa paggamit ng mga estratehiyang
pangkomunikasyon ayon sa kolehiyong kinabibilangan ng mga mag-aaral,
wala rin itong significant na pagkakaiba sapagkat saan mang kolehiyo
nabibilang ang kanilang mga mag-aaral, pare-pareho nilang ginamit ang
anim na iba’t ibang estratehiyang pangkomunikasyon.
3. Sa antas ng persepsyon ng mga mag-aaral sa mga estratehiyang
pangkomunikasyon ng mga guro sa pagtuturo ng Filipino ay naging
positibo ang pagkuha rito. Ang pagpapaliwanag at pagpapakahulugan ay
palaging ginagamit ng guro; ang pag-uulit ay malimit, ang substitusyon,
paglilipat-wika at pagbibigay-clue ay minsan lamang.
Rekomendasyon

Batay sa nabuong konklusyon, itinatagubilin ang mga sumusunod
na rekomendasyon:
1. Dahil natuklasang ang pag-uulit at pagpapaliwang ang pinaka-
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


114
gamiting estratehiya ng mga guro sa kanilang pagtuturo, dapat na bigyang
diin nila ang paggamit ng iba pang estratehiya gaya ng substitusyon,
paglilipat-wika, pagbibigay-clue at pagpapakahulugan nang maging
epektibong lalo at buhay na buhay ang interaksyon sa loob ng klase.
2. Maliban sa anim na estratehiyang nabanggit, tukuyin at suriin
din ang iba pang estratehiyang pangkomunikasyong ginagamit ng mga
guro sa pagtuturo gaya ng pagpapares ng pangungusap, pagbabaliktad,
pagdaragdag, pagbabawas, pagpapalawak at tanong-sagot.
3. Natuklasan sa resulta ng pag-aaral na walang kabuluhang pag-
kakaiba ang pagkakagamit ng mga guro ng mga estratehiyang
pangkomunikasyon sa pagtuturo ng Filipino sa antas tersyarya ayon sa
antas ng edukasyong natapos, unang wika at kolehiyong kinabibilangan
ng mga mag-aaral. Kaugnay nito, iminumungkahing magsagawa ng
kahalintulad na pag-aaral sa Palawan State University Laboratory High
School (PSU-LHS) at ibilang sa mga salik ang bilang ng taon sa pagtuturo
at seminar-worksyap na dinaluhan.
4. Iminumungkahi ring magsagawa ng kahalintulad na pag-aaral na
nakapokus lamang sa College of Teacher Education at isama sa mga
salik ang asignaturang itinuturo (basic at major subject) sa Filipino at
magkaroon ng paghahambing sa pagkuha ng persepsyon ng mga mag-
aaral.
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


115
5. Maliban sa pag-aaral ng mga estratehiyang pangkomunikasyon,
inirerekomendang pag-aralan din ang mga estratehiya at pamamaraan ng
mga guro sa pagtuturo ng Filipino sa antas tersyarya lalo na sa College of
Teacher Education.
6. Iminumungkahi ring magkaroon ng pag-aaral tungkol sa paraan
ng pagtatanong ng mga guro sa kanilang pagtuturo. Kaugnay nito suriin
ang mga paraan ng pagtatanong ayon sa asignaturang itinuturo (basic or
major subject) at kolehiyong kinabibilangan ng mag-aaral.
7. Panghuli, kailangang hasain ng mga guro ang kanilang mga
kaalaman sa pamamagitan ng pagdalo sa mga in-service training,
seminar-worksyap at mga palihan hindi lamang tungkol sa wika kundi
gayundin sa mga mga makabagong estratehiya at pamamaraan sa
pagtuturo upang hindi sila mahuli sa mabilis na takbo ng mga pagbabago
sa larangan ng edukasyon.







Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


116
TALASANGGUNIAN

ABAD, M.A. et al. 1996. Ang Guro at ang Mga Mag-aaral. Quezon City:
Kalayaan Press:Marketing Enterprise, Inc. P 34

ABAD, M. A. at RUEDAS, P. C.. 1995. Filipino Bilang Tanging Gamit.

Mandaluyong City, National Book Store .

AGUILAR, J. P. 1995 . Sosyolohiya Antropolohiya. UST Printing Office.
University of Santo Tomas.

ALLWRIGHT, R.L. 1976. English as an International Language. Reading
in EIAL.

ALLWRIGHT, D. at K. BAILEY. 1991. Focus on the Language Classroom.
An Introduction to Classroom Research for Language Teacher.
Cambridge: Cambridge University Press. Pp. 180-2000.

ALMARIO, V. 1996. Patnubay sa Pagsasalin. Metro Manila,
Pilipinas. Pambansang Komisyon sa Kultura at Sining.

AUSTERO, C. S et al. 1999. Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina. Valenzuela
City. Mutya Publishing House.

BADAYOS, P. B. Ph. D. 1999. Metodolohiya sa Pagtuturo ng Wika, Mga
Teorya, Simulain at Estratehiya. Makati City. Grandwater
Publications and Research Corp.

____________________ 2004. Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina (Para sa
Kolehiyo at Unibersidad) Makati City. Grandwater Publications and
Research Corp.

BAILON, L. P. 1998. Realization and Comprehension of Directives. A
Test on the Communicative Competence of Freshman Engineering
Students. Unpublished Thesis, Saint Louis University, Baguio City.
Pp 8-30

BARAYUGA, P.A. 1992. Mga Suliranin sa Pagtuturo ng Filipino sa
Elementarya sa Dibisyon ng La Union. Unpublished Thesis,
Baguio Central University, Baguio City. Pp. 20-31-

BARRIOS, MARY ANGELA S.P.C. 1977. “ The Greater Manila Speech
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


117

Community: Bilingual or Diglissic?” Sa Filipino Bilingual (Studies

on Philippine Bilingualism & Bilingual Education). Inedit ni Emy M.

Pascasio. Quezon City.: Ateneo de Manila University Press.

BAUTISTA, MA. LOURDES.1988 “Domains of English in 21st Century. “Sa

The Role of English and Its Maintenance in the Philippines, Inedit

ni
Andrew Gonzales, FSC. Solidaridad Pubnlishing House.

BECKER, F. 1974. “Comparing Curricula, “ Review for Educational
Research, American Educational Association. Vol. 44 (Winter
1974). Pp 33-45.

BIALYSTOK, ELLEN. 1990 Communication Strategies. Oxford: Basil
Blackwell.


BIK-MAY, A. T. 1986. Analyzing Input and Interaction in Second
Language Classrooms. RELC Journal (Singapore). In Language
Teaching- The International Abstracting Journal for language
teachers and Applied Linguistics Cambridge: Cambridge University
Press. Pp 159.

BITO, J. 1999. Sub-sentential Utterances of Teachers in the Classroom.
Unpublished Thesis, Benguet State University, La Trinidad,
Benguet. Pp.10-60

BLOOMFIELD, L. 1966. About Foreign Teaching. In: F. Smolinski: In:
Faerch and Kasper (eds). Strategies in Interlanguage
Communication New York; Longman Pp 120-138.

_____________ 1917.Tagalog Texts and GrammaticalAnalysis. University
Of
Illonois
Studies
in
Language and Literature. 3:2-4

BLOUNT, N. S. at H. KLAUSMELER. 1968. Teachng I n the Secondary
Schools. New York: Harper and Row Publishing Co. Pp. 9-31.

BLUM-KULKA, S. at E. LEVENSTON. 1983. Universal of LexicaSimplica-
tion In: Faerch and Kasper (eds). Strategies in Interlanguage
Communication. New York: Longman. Pp. 108-142

BOLALET, T. 1991. Mga Suliranin ng mga Guro sa Pagtuturo ng Filipino
sa Distrito ng Urdaneta, Pangasinan. Unpublished Thesis. Baguio
Central University, Baguio City. Pp 42-43.
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


118
BUCU, G. 2000. Analysis of Classroom Discourse. Unpublished
Dissertation. Benguet State University, La Trinidad, Benguet. Pp
41-65.

CADIAS, A.M. 2001. Indigenization of English in Five Short Stories of
Manuel Arguilla. Unpublished Thesis, Benguet State University, La
Trinidad ,Benguet Pp. 3-15

CASINGAL, E. 2000. An Interaction A nalysis of Classroom Language in
Engineering and Architecture Classes. Unpublished Dissertation,
Benguet State University, La Trinidad, Benguet. Pp. 51-74

CARIAS, 2000. Mga Estratehiya sa Pagtatanong ng Mga Guro ng

Mababang Paaralan ng Baguio Colleges Foundation, Baguio City.

CATRIZ, M.B. 1998. Linguistic Analysis of Code-Switching. Unpublished
Thesis, Saint Louis University, Baguio City. Pp. 112-118

CHAIPHUAG, W. 1996. Teaching Methodologies and Critical Thinking.
Unpublished Thesis, Saint Louis University, Baguio City. Pp. 70-94

CHAUDRON, C. 1985. Sa Pagbanggit ni LARTEC, J. 2001. Interaksyong
Pangklase sa Filipino sa Antas Tersyarya ng Benguet State
University.

CHOMSKY, N. 1957. Syntatic Structures. The Hague: Mouton and Co.

____________1965. Aspects of the Theory of Syntax. Mass: MIT Press.

CLARKE, M. at I.S. P. NATION. 1980. Factors Affecting Guessing
Vocabulary in Context RELC Journal Pp. 32-42.

COHEN, A. 1990. Language Learning. United States of America: New-
burry house Publishers. Pp. 54-55.

COOK, V. 1996. Sa pagbanggit ni LARTEC, J. 2001. Interaksyong Pang-
klase sa Filipino sa Antas Tersyarya ng Benguet State University.

CORDER, V. 1983. Strategies of Communication. New York: Longman
Pp. 8,18

COULTHARD, M. 1977. An Introduction to Discourse Analysis. London:
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


119
Longman. Pp 82-83.

CROSS, D. 1994. A Practical Handbook of Language Teaching. Great
Britain: Dotesios Ltd. Pp. 67-68

CRYSTAL, D. 1992. Sa Pagbanggit ni CADIAS, A. M. 2001.
Indigenization of English in Five Short Stories of Manuel Arguilla.
Unpublished Thesis, Benguet State University, La Trinidad,
Benguet. P 16.

DILLON, J. 1981. Question and not to Question . Journal of Teacher
Education Pp 51-52

DUMAS, W. at W. BECKER. 1968. Introduction To Secondary
Education: a Foundation Approach. Pennsylvania: International
Textbook Com. P.239

DUMO, E. 1992. Comprehensibility Strategies of First Year High School
Teacher of Science and Mathematics. A Classroom Interaction
Analysis. Unpublished Thesis. Saint Louis University, Baguio City.

ELLIS, R. 1990.
Understanding Second Language Acquisition. Oxford
University Press. Pp. 123-156.

ESPIQUE, F. 2005. Paglilihis-paksa ng mga Guro sa Filipino sa
Departamento ng Humanidades. Unpublished Action Research.
Baguio Colleges Foundation, Baguio City.

ESPIRITU, C. C. Ph. D. 2004. Paglinang ng Mataas na Antas ng Pag-iisip
sa Pamamagitan ng Pagtatanong. Unpublished Pamphlet. Ika-32
Pambansang Gawaing Kapulungan sa Filipino. Samahan ng mga
Tagamasid at Tagapagtaguyod ng Filipino. Teachers Camp,

Baguio City.

FAERCH, CLAUS & GABRIEL KASPER. 1983. Plans & Strategies in

Foreign Language Communication. “In C. Faerch & G. Kasper

(eds), Strategies in Interlanguage Communication, 20-44. London:
Longman.

FINOCCHIARO, M. Ph. D. 1974. English as a second Language: from
Theory to Practice. New Edition. Regents Publishing Co., Inc. New
York.
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


120
FERNANDEZ, 2004. Sa pagbanggit ni Ngamoy, B. C. Mga

Estratehiyang pangkomunikatibo sa Pagtuturo ng Filipino sa

Kombinasyong Klase sa Distrito ng Bagulin, La Union.


Unpublished Thesis.

FILLMORE, L. 1987. When Does Teacher Talk Work as an Input. In:
Bass and Maden (eds). Input in Second Language Acquisition
Mass: Newburry House. Pp. 19-34.

FINOCCHIARO, M. Ph. D. 1974. English as a Second Language: from
Theory to Practice. New Edition. Regents Publishing Co., Inc.New
York.

FREEMAN, D. at FREEMAN. 1993. A Road To Success for language
Minority High School Students. In: Cleary and Linn (eds) Linguistics
for Teachers

GARMSTON, R. 1996. How to Make Presentation that Teach andTrans-
form the Presenter’s Fieldbook. A Practical Guide Tips, Treasures
and Treats. Mass: Gordon Publishers Inc.

GLEASON, J. B. & N. B. RATNER. Mga Ed. 1998. Psycolinguistics. Forth
Worth: Harcout Brace College Publishers.

GONZALES, A. 1984. Language Planning, Implementation and
Evaluation. “Evaluating the Philippine Bilingual and Code-
Switching. Manila: Linguistic Society of the Philippines.. Pp 6-15

GOOD, T. & BROPHY. 1987.
Looking in Classroom. In Richards and
Nunan (Eds) Second Language Teacher Education.
Cambridge:Cambridge University Press.

GUMPERZ, J. at D. HYMES. 1972. Directions in Sociolinguistics: The
Ethnography of Communication. USA: Holt, Rinemart and Winston,
Inc. Pp 36-37.

HAKUTA, KENJI. 1986. Mirror of Language. Ne York: Basic Books Inc

HATCH, E. Long. 1980. Discourse Analysis and Second Language Ac-
quisition. L2 Acquisition. A Book of Readings. Ed. Rowley, Massa-
chusetts: NEWBURY House Publishers.

Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


121
________________. 1979. In: Bailon, L.R.H. 1998. Interaction Analysis
on Communication Strategies in Mathematics Classes.

Unpublished Dissertation. Saint Louis University, Baguio City. Pp.
61-70.

HOCKETT, 1947. Sa Pagbanggit ni SANTIAGO, A. O. Panimulang

Linggwistika. Manila Rex Book Store.

“http://tl.wikipedia.org/wiki/Linggwistika”

HUFANA, E.R. 1994. Task-Based Material for Communicative Language
Teaching. A Seminar Paper in the Faculty Development Seminar.
Baguio Colleges Foundation, Baguio City.

HUFANA, E.R. at J.M.JIMENEZ. 1995 Lingguistic Routines, An Analysis.

Department of Humanities, College of Arts and Sciences. Benguet

State University, La Trinidad, Benguet. Pp. 2-12

HUGHES, M. 1979. Assessment of the Quality Teaching in Elementary
Schools. Utah: University of Utah Press. Pp. 56-58.

HYMES, DELL. 1977. “Sociolinguistics and the Ethnography of

Speaking” Sa Social Anthropology & Language. Inedit ni Edwin

Ardener. USA: Barnes & Noble Inc.

JOAS, M. et al. 1957. Readings in Linguistics I: The Development of
Descriptive Linguistics in America 1925-56. Chicago & London:
University of Chicago Press.

JOCSON, M. O. 2004. Sining ng Komunikasyon. Makati City. Grandwater
Publications.

JOHNSON, R. K. 1985. Teacher Education and Teacher Talk. In Lang-

uage and Learning. Ed. M.L. Tickoo. Singapore: RELC.P. 69-70.

KELLERMAN, ERIC. 1991. Compensatory Strategies in 2nd Language

Research: A Critique, a revision and some (non-) Implications for

the Classroom”. In R. Phillipson (eds.), Foreign Second

Language Pedagogy Research. Clevendon: Multilingual Matters.

KRASHEN, S. 1981. Second Language Acquisition and Second Language
Learning.
Oxford:
Pergamon Press Inc. Pp. 67-89
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


122
LACHICA,VENERANDA S. Ph. D. 1998. Komunikasyon at Linggwistika.

24K Printing Co., Inc. valenzuela, Metro Manila.

LARDIZABAL, S. at A. S. BUSTOS, 1977. Principles and Methods

of Teaching. Quezon City: Alemar Phoenix House, Inc. Pp. 24-25

LARTEC, J. K. 2001.Interaksyong Pangklase sa Filipino sa Antas Tersyar-
ya ng Benguet State University. Unpublished Thesis.

LONG, M.H. 1983. Studies in Second Language Acquisition. Blooming-

Ton, Ind. 5,2.Pp.177-93

MARCELO, M.W. 2001. Language Teaching Among Grade I Pupils in the
Division of Mt. Province. Unpublished Thesis, Baguio Central Uni-
versity , Baguio City. P 17

MARIANO, A.D. 1991. Ang Aklat ng Guro. Manila, Philippines,
Rex Book Store.

MITCHELL, R. 1988. In : Ellis, R.1990. I nstructed
Second Language
Acquisition: Leraning in the Classroom. Mass.: Basil Blackwell Ltd.
Pp. 80-81

MOHAMMAD, R. L. 1997. Development Needs of Public Elementary
Schools Teacher in the Division of Tawi-tawi. The Herald. Vol.2
(22). Pp. 80-81

NGAGAN, J.A. 1996. Teaching Elementary Mathematics in Grade IV in
The Western District of Mt. Province. Unpublished Thesis, Baguio
Central University, baguio City. 76-83

NGAMOY, B. C. 2002. Mga Estratehiyang Pangkomunikatibo saPagtuturo
ng Filipino sa Kombinasyong Klase sa Distrito ng Bagulin La Union,
Unpublished Thesis.

NIDA, E. 1957. Sa Pagbanggit ni Lartec, J. K. 2001. InteraksyongPangkla-
se sa Filipino sa Antas Tesyarya ng Benguet State University. Un-
published Thesis, Benguet State University, La Trinidad, Benguet.

OLBAN, U. S. 1999. Pagtuturo ng Filipino sa Ikalawang Baitang sa Itogon
At Tuba, Benguet. Unpublished Thesis, baguio Central University,
Baguio City. Pp. 10-121
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


123
OLPINDO, F. A. 1998. Teaching EPP in the Elementary Grades of
Pozorrubio and Sison Districs Division of Pangasinan II.
Unpublished Thesis, Baguio Central University, Baguio City. Pp.
62-64

PALACIOS, A. E. 1998. Kakayahang komunikatibo ng mga Mag-aaral
Sa mga Paaralang Sekondarya, Dibisyon ng La Union.

Unpublished Thesis, Baguio Central University, Baguio City. P. 27

PARNACIO, B. T. 1998. Ang Filipino sa Pagtuturo ng Hekasi sa mga
Mababang Paaralan ng Baguio City. Unpublished Thesis, Baguio
Central University, Baguio City. P. 84


PASCASIO, EMY. 1988. “The Present Role and Domains of English in

the Philippines.” Sa The Role of English and Its Maintenance in the

Philippines. Inedit ni Andrew Gonzales, FSC. Solidaridad
Publishing
House.

_____________ 1978. (Hunyo-Disyembre). “Dynamics o Codeswitching

in the Business Domain”. Philippine Journal of Linguistics 9 40-49.

PAZ, C. J. 2003. Ang Pag-aaral ng Wika. The University of the Philippines
Press. Diliman, Quezon, City.

PINEDA, P. B. Ph. D. 2004. Metamorfosis ng Wikang Filipino. Makati City.
Grandwater Publications.

RICHARDS, J. at T. RODGERS. 1986. Approaches and Methods in
Language Teaching. A Description and Analysis. Cambridge:
Cambridge University Press, Pp. 64-83.

SANTIAGO, A.O.1979. Panimulang Linggwistika. Manila. Rex Book Store

SAUCO, C. P. , OBDULIA L. ATIENZA, NENITA P. PAPA. 1998. Sining

ng Komunikasyon Pang-antas Tresyarya. JMC Press, Inc. Quezon
City.

SCHOLL, S. C. 1977. Teaching in Higher Education. USA Ohio Board of

Regents. P. 322

SCOTTON, CAROL MYERS. 1979. “Codeswitching as a Safe Choice in

Choosing a Lingua Franca.” Sa Language and Society. Inedit nina
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


124

William McCormack at Stephen Wurm. The Hague: Mouton
Publishers.

SELINKER, L. 1972. Interlanguage. IRAL 10 (3). P. 35

SIMEON, M. I. 1996. Usage of English by Third Year Student in the Five
Newly Legislated High School in Benguet. Unpublished Thesis,
Baguio Central University, baguio City. P. 25

SKINNER, B.F. 1957. Development Psychology, Learning How We Learn

Harvard University Press, Inc. Pp.1-18.

SONZA, JORSHINELLE. 1979. “A Descriptive Body of Maryknoll

Bilingualism. “Gradwadong Tesis, Unibersidad ng Pilipinas.

STRATUS at DENZIN. AGUILAR, J. P. 1995 . Sosyolohiya Antropolohiya.
UST Printing Office. University of Santo Tomas.

SUMA-IL,G. B.1999. Pagtuturo ng Filipino sa mga Matataas na Paaralang
Pambansa sa Distrito ng Timog Tabuk, Kalinga. Unpublished
Thesis, Baguio Central University, Baguio City. Pp. 98-120

SUMAKEY, S. B.1996. Filipino Bilang Wikang Panturo sa mga Asignatura
Sa Mga Paaralang Sekundarya ng Benguet. Unpublised Thesis,
Baguio Central University, baguio City. Pp. 108-117

TAKINAN, M. C. 1999. Ang Pagkamabisa sa Pagtuturo ng Filipino sa
Sangay ng Ifugao. Unpublished Thesis, baguio Central University,
Baguio City. P. 5


TARONE, ELAINE. 1980.Communication Strategies, Foreigner Talk and

Repair in Interlanguage’ language Learning. 30, 417-431

TAYAO, M. G. Applied Linguistics for Communication Arts. EDL 201.
University of The Philippines Open Iniversity.

TOMAS, D. S. 2004. Mga Gawing Pagpapahayag ng mga Mag-aaral sa
Unang T aon ng Kursong Pagtuturo sa Benguet State University.
Unpublished Thesis, Benguet State University, La Trinidad, Ben-
guet.

TORTOGA, E.E.1992.“Gutierrez Involved in the Use of Teaching Methods
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


125

The Modern Teacher, Vol. XLI, No 5. P. 183

TUMANGAN, A. P. ROLANDO A. BERNALES. 2000. Sining ng
Pakikipagtalastasan
(Pandalubhasaan). Mutya Publishing House.
Valenzuela
City.

VALERIO, S. H. P. 1999. Sa Pagbanggit ni Lartec, J. K. 2001

Interaksyong
Pangklase sa Filipino sa Antas Tersyarya ng
Benguet State University. Unpublished Thesis, Benguet
State University, La Trinidad Benguet.

VARADI, T. 1983. Strategies of Target Language Learner Communication
Message Adjustment: In: Faerch at Kasper (eds). Strategies in
Interlanguage Communication. New York: Longman. Pp.120-135

VILLANUEVA, A. F. & A. D. G. MARIANO. 1991. Ang Aklat ng Guro.
Manila, Philippines, Rex Book Store.



















Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


126
Apendiks A


Republic of the Philippines
PALAWAN STATE UNIVERSITY
Lungsod ng Puerto Princesa









Enero 13, 2006
Thru Channels

DR. ERLINDA D. SAN JUAN
Dekana
Kolehiyo ng Sining at Humanidades

Madam:

Sa kasalukuyan ako po ay nagsasagawa ng pananaliksik na
pinamagatang “ Estratehiyang Pangkomunikasyon ng mga guro sa
Pagtuturo ng Filipino sa Antas Tersyarya ng Palawan State University “.
Dahil dito, humihingi po ako ng pahintulot na payagan akong mairekord
ang pagtuturo ng ilan sa mga kapwa ko gurong nagtuturo sa iba’t ibang
kolehiyo ng ating pamantasan.

Kakailanganin ko po ito upang makalikom ng mga datos para sa
pag-aaral na nabanggit.

Inaasahan ko po ang inyong pagsang-ayon at pakikipagtulungan
hinggil sa bagay na ito.

Marami pong salamat.


Lubos
ng
gumagalang,








LILIBETH E. NADAYAO

(Signed)
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


127
Apendiks B

Palawan State University
COLLEGE OF ARTS AND HUMANITIES
Tiniguiban Heights
Puerto Princesa City







Enero
13,
2006

Minamahal kong kaguro,


Hiniling ko po ang iyong pakikipagtulungan sa isinasagawa kong
pag-aaral na pinamagatang “ Estratehiyang Pangkomunikasyon ng mga
Guro sa Pagtuturo ng Filipino sa Antas Tersyarya ng Palawan State
University “. Kakailanganin ko po hindi lamang nakateyp na pagkaklase
ninyo sa Filipino kundi pati na rin ang ilan sa mga mahahalagang
impormasyon tungkol sa inyo.

Ipinakikiusap ko pong sagutin nang buong katapatan ang
talatanungang ito. Makaaasa po kayong ang mga ibibigay ninyong
impormasyon ay iingatan at gagamitin lamang sa pananaliksik.

Ang inyo pong pakikiisa ay kikilalanin at pasasalamatan.

Pagpalain kayo ng Poong Maykapal.



Gumagalang,








LILIBETH E. NADAYAO
(Signed)
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


128
Apendiks C


Mga Estratehiyang Pangkomunikasyon ng mga Guro sa Pagtuturo ng
Filipino sa Antas Tersyarya ng Palawan State University


Bilang ng Tape:__________________
Kolehiyo:______________


Talaan ng mga Estratehiyang Pangkomunikasyon (Modelo ni Mitchell)


Bilang
ng
Paggamit

A. Pag-uulit

_________________

B. Pagpapaliwanag
_________________

C.
Substitusyon
_________________

D. Paglilipat-wika _________________

E.

Pagbibigay-clue
_________________

F. Pagpapakahulugan

_________________


Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


129
Apendiks D


TALATANUNGAN PARA SA MGA GURO


Pangalan: (Opsyonal)_____________________________
Sabjek: _____________________________
Panuto: Lagyan ng tsek ang angkop na kasagutan.
A. ANTAS NG EDUKASYONG NATAPOS
___________ B.S. Graduate
___________ May yunits sa MA
___________ Natapos ang MA
___________ May yunits sa Ph. D./ Ed.D.
___________ Natapos ang Ph. D./ Ed. D.

B. UNANG WIKA

___________ Tagalog
___________ Cuyunon
___________ Ilonggo
___________ Cebuano
___________ Ilokano
___________ Bikolano

C. KOLEHIYONG KINABIBILANGAN NG MAG-AARAL NA
TINUTURUAN

__________ CAH (College of Arts and Humanities)
__________ CBA ( College of Business and Accountancy)
__________ CTE (College of Teacher Education)
__________ CEAT(College of Engineering, Architecture & Technology)
__________ CNHS (College of Nursing and Health Services)
__________ CS (College of Sciences)



Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


130
Apendiks E



TALATANUNGAN PARA SA MGA MAG-AARAL

Panuto: Punan o lagyan ng tsek ang angkop na kasagutan.


I. PERSONAL NA IMPORMASYON


Asignatura: _______________________


Kolehiyong kinabibilangan:

______CAH
______

CTE
______
CBA
______

CNHS

______ CEAT

______ CS


Panuto: Itiman ang angkop na bilang sa inyong sagutang papel sa
pamamagitan ng pagpili sa sumusunod na scale sa ibaba.

5—palagi
2—bihira
4—malimit
1—hindi
3—minsan

1. Inuulit ba ng iyong guro ang
inyong mga kasagutan sa kanyang
pagpapaliwanag ng paksa?

5
4
3
2
1

2. Naibibigay ba ang inyong guro
ang sapat na pagpapaliwanag
sa pagtalakay ng aralin sa klase?
5
4
3
2
1

3. Nagpa- paraphrase ba ang iyong
guro upang masabi sa ibang paraan
ang pangungusap o tanong sa lalong
ikauunawa ninyong mag-aaral?
5
4
3
2
1

Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


131
4. Naglilipat-wika ba ang iyong guro
Sa pagtalakay o pagpapaliwanag
ng paksang aralin ayon sa wikang
inyong nauunawaan? (maaaring una
o ikalawang wika)


5
4
3
2
1

5. Nagbibigay ba ng clue ang inyong
guro upang madaling masagot ang
kanyang katanungan nang mapanatili
ang pagkakaroon ng interaksyon sa
klasrum?



5
4
3
2
1

6. Nagbibigay ba ang inyong guro
ng sarili niyang interpretasyon o
pagpapakahulugan hinggil sa paksang





tinatalakay/pinag-uusapan?
5 4 3 2 1


























Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


132
Apendiks F



Asignatura:______________




Kolehiyong kinabibilangan: _________________________

5
4 3 2 1





1). Ο
Ο

Ο

Ο

Ο





2). Ο

Ο
Ο

Ο

Ο



3). Ο
Ο
Ο

Ο

Ο





4). Ο
Ο
Ο
Ο
Ο


5). Ο
Ο

Ο

Ο

Ο





6). Ο

Ο

Ο

Ο

Ο






Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


133
TALAMBUHAY


Madaling araw noon ika-30 ng Abril, 1973 nang nagmamadaling
lumabas mula sa sinapupunan ng kanyang ina ang isang sanggol upang
masilayan sa unang pagkakataon ang liwanag na dulot ni Haring Araw.
Sinasabing nagmamadali siya sapagkat lumabas siya nang walang hilot.
Bagaman hindi natupad ng mag-asawang Camilo D. Ellazar at Lynda
Colimbo-Ellazar ang kanilang nais na magkaroon ng anak na lalaki ay
labis pa rin ang kagalakang kanilang nadama sa pagdating ng ikatlong
anghel na hulog ng langit sa kanilang tahanan.

Lumaking malusog at malikot ngunit may kakulitan ang batang ito.
Nang magpitong taong gulang, pinag-aral siya ng kanyang mga magulang
sa Burirao Elementary School . Dahil sa angking galing na bigay ng
langit, nagtapos siya bilang valedictorian noong 1986.

Sa murang gulang, pinili niyang mawalay sa mga magulang upang
ipagpatuloy ang pag-aaral sa Palawan State College-Laboratory High
School sa Lungsod ng Puerto Princesa. Natapos niya ang sekundarya
noong 1991.

Ipinagpatuloy niya ang pag-aaral sa kolehiyo sa paaralan pa ring
iyon na naging kauna-unahang unibersidad sa Palawan. Kumuha siya ng
kursong Bachelor of Science in Biology bilang paghahanda sa minimithi
niyang propesyon—ang maging manggagamot. Ngunit nagbago ang
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


134
kanyang plano nang mapagtantong mahaba-habang panahon ang
kanyang gugugulin sa pag-aaral kaya nagbago siya ng kurso. Kumuha
siya ng kursong Bachelor of Science in Banking and Finance. Ngunit
saglit na huminto ang pag-inog ng mundo ng mapangaraping mag-aaral
na ito nang maramdaman ang unang pagtibok ng puso kay Rodel A.
Nadayao—ang lalaking naging karamay niya sa buhay. Ikinasal sila sa
St. Joseph Parish Church sa bayan ng Narra taong 1991. Biniyayaan sila
ng langit ng dalawang malulusog na anghel, si Lara (Luv, 15) at Earl (12).

Hindi naging hadlang sa kanya ang asawa at mga anak sa
pagkamit ng karunungan kaya muli ay ipinagpatuloy niya ang kanyang
pag-aaral. Ang pagkakaroon ng mga anak ang nagbunsod sa kanya
upang magbago ng pananaw sa buhay. Noong panahong iyon, naging
matimbang sa kanya ang tawag ng kurso sa pagtuturo. At sa kanyang
pagpupunyagi ay nagtapos siya sa tersyarya na may titulong Bachelor of
Science in Secondary Education, medyor sa Filipino. Nagsulit siya nang
taon ding iyon para sa Licensure Examination for Teachers (LET) pati na
rin sa Career Civil Service Examination (professional) at sa awa ng Diyos
ay pareho niya itong naipasa.

Nang sumusunod na taon ay natanggap siya bilang instructor sa
Palawan State University sa ilalim ng College of Arts and Humanities,
departamento ng Filipino. Nagtuturo siya rito hanggang sa kasalukuyan.
Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007


135
Tuwing summer ay tinitiis niya ang matinding kalungkutan sa
pagkakawalay sa mga mahal sa buhay sapagkat lumuluwas siya sa
Benguet galing Palawan upang mag-aral ng Master sa Sining ng
Edukasyon. Sadyang napakalakas ng loob ng mananaliksik sapagkat
nagawa niyang makipagsapalaran sa isang lugar na gaya ng Benguet
nang walang inaasahang sinumang kamag-anak sapagkat ang totoo ay
wala siyang kakilala o kamag-anak dito. Ngunit di saya pinabayaan ng
kanyang mga kamag-aral, kaibigan at mga guro.






















Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa
Antas Tersyarya ng Palawan State University / Lilibeth E. Nadayao. 2007

Document Outline

  • Estratehiyang Pangkomunikasyonsa Pagtuturo ng Filipino ng mga Guro sa Antas Tersyarya ng Palawan StateUniversity
    • BIBLIOGRAPIYA
    • ABSTRAK
    • TALAAN NG NILALAMAN
    • INTRODUKSYON
      • Sanligan ng Pag-aaral
      • Paglalahad ng Suliranin
      • Layunin
      • Kahalagahan ng Pag-aaral
      • Saklaw at Delimitasyon
    • MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL
      • Teorya sa Pagtatamo ng Wika
      • Linggwistika
      • Sosyolinggwistika
      • Ang Guro at mga Mag-aaral
      • Mga Lokal na Pananaliksik
      • Balangkas ng Konsepto
      • Katuturan ng mga Katawagan
      • Haypotesis ng Pag-aaral
    • PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK
      • Kaganapan ng Pag-aaral
      • Mga Respondente
      • Paraan ng Pananaliksik
      • Pangungulekta ng mga Datos
      • Istatistikong Pagsusuri
    • PAGTALAKAY SA MGA RESULTA
      • Mga Estratehiyang Pangkomunikasyonng mga Guro Sa Pagtuturong Filipino
      • Mga Estratehiyang Pangkomunikasyong karaniwangGinagamit ng mga Guro sa Pagtuturong Filipino Ayon sa Kanilang Profile
      • Persepsyon ng mga Mag-aaral Sa mga EstratehiyangPangkomunikasyon ng Mga Guro sa Pagtuturong Filipino sa Antas Tersyarya
    • PAGLALAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON
      • Paglalagom
      • Konklusyon
      • Rekomendasyon
    • TALASANGGUNIAN
    • Apendiks
    • TALAMBUHAY